Sophia's POV
"Bakla hindi ka pa ba uuwi? I'm sure nag-aalala na yung Kuya mo"
Tatlong araw na kong hindi umuuwi sa bahay. Sa condo unit muna ko ni Ethan tumuloy. Pinaki-usapan ko siyang wag nalang sabihin kila Kuya. Nung una hindi siya pumayag kasi daw mag-aalala yun, pero sa huli napilitan nalang siya."Hindi ko alam" napailing nalang si Ethan sa sinabi ko.
"Siguro iniiwasan mo si papa Damien no? Nako sis pag hindi ka pa umuwi sinisigurado ko aagawin ko na siya sayo"
"Sayong sayo na siya" walang gana kong sabi. Lamunin niya pa eh!
"Oh sure! Hindi tinatanggihan ang blessings no" biro niya. "Umuwi ka na, kundi ako magsasabi sa Kuya mo na nandito ka."
"Fine!" tumayo na ko at dumiretso sa banyo.
~*~
"BUNSO! SAAN KA BA NAGPUNTA HA? NAMISS KITA" niyakap ako ng mahigpit ni Kuya Adam.
"Kumain ka na ba ha? Gustong gusto kitang kotongan ngayon alam mo ba yun ha! Sa susunod na umalis ka ulit nang hindi nagsasabi nako yari ka sa'min ni Kuya Dale" mas lalo pang humigpit yung pagkayakap niya.
"Ang O.A mo ha! Hindi ako makahinga!" then he let go of me.
"Ah sorry bunso namiss lang kita talaga hehehe"
Mongoloid talaga yung Kuya ko.
"Pinakain mo ba si hotdog?" tanong ko sa kanya habang nakatingin kay hotdog.
"Oo no! Pinapaliguan ko din yan" he said while grinning.
Napangiti nalang ako. Kahit pala maloko yung Kuya ko, nakakamiss din.
"Nga pala may ibibigay ako sayo"
Ilang sandali lang bumalik siya na may dalang paper bag.
"Pinapabigay sayo ni Damien"
I raised my eyebrow, "Ha?"
Hindi ko naman birthday diba? Hindi rin naman pasko."Basta kunin mo nalang"
Pagkakuha ko sa paper bag, dumiretso na ako sa kwarto.
Hindi ko alam na marunong pala siya mamili ng damit. Bakla siguro siya?
Habang tinitignan ko yung itsura ko sa salamin, bumukas yung pinto."Baaaabe! Namiss kita!"
"Anong ginagawa mo dito ha? Labas!"
"Bagay sayo" nag-wink siya bago lumabas ng kwarto.
~*~
"Pia alis muna kami ni Damien ha"
"Kahit wag na kayong bumalik" I rolled my eyes.
Pagkalabas ko ng kwarto, si Sheena nasa kusina, nagluluto.
Bakit hindi ko alam na nandito siya?!
"Good evening Pia" bati niya nang naka-ngiti. Gabi na pala di ko napansin yung oras.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Pinapunta ako ng Kuya mo. Nabalitaan ko tatlong araw ka daw di umuwi dito, sobrang nag-alala kami sayo" sabi niya habang kumukuha ng kutsara para tikman ang niluluto niya.
"Baka sila Kuya lang? Dinamay mo pa sarili mo"
"Kapag may problema ka, nandito lang ako, handa naman ako makinig at tulungan ka" she smiled at inirapan ko lang siya. Never akong hihingi ng tulong sa kanya 'no! Over my dead body!
"Kain na, baka maya-maya pa makauwi sila Damien" saka siya naglapag ng mga plato at baso sa mesa.
"No thanks baka malason pa ko"
BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomanceBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...