Sophia's POV
Habang si Kuya Adam nasa subic kasama yung mga high school friends niya, Si Kuya Dale naman pumunta ng hong kong kasama yung pamilya niya. Ako? Nga-nga. Charot. Pumunta ako sa sementeryo para bisitahin si Jasmine.
Simula nung 14 years old ako, Monthly ko na siyang binibisita. Sa tatlo ko kasing kapatid, siya ang pinakamalapit sa akin.
Marami akong natutunan at na-realize dahil sa kanya. Naaalala ko nung nabubuhay pa siya, lagi niya akong inaaya maglaro ng barbie at bahay-bahayan. Kahit pa-minsan minsan nag-aaway kami, sa huli kami pa rin ang magkadikit. Dati nagalit ako sa kanya kasi nagseselos ako, lagi nalang nasa kanya ang atensyon nila mama.
"Jasmine kamusta ka na?" tanong ko.
"Alam mo ba, padami ng padami yung mga tanong nagagalit at nang-iiwan sa akin"
"Sana hindi ka muna kinuha ni Lord para may nakakausap pa ko ngayon pag may problema ko"
Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim.
"Para sayo, magpapakatatag ako"
Habang nag-eemote ako, may lumapit sa akin.
"Panyo oh, di bagay sayo pag-umiiyak ka" alok niya.
"No thanks, may panyo akong sarili" tanggi ko naman. Kinapa ko yung panyo sa bulsa ko. Shemay nakalimutan ko pala magdala ng panyo! Sa dinami-rami naman ng makakalimutan ko bakit panyo pa! Pupunasan ko na sana yung luha ko nang biglang may humawak sa kamay ko.
Lumuhod siya sa harapan ko at pinunasan niya yung luha ko gamit yung panyo niya.
"Ang ganda ganda mo tapos umiiyak ka"
Nang ma-iangat ko yung ulo ko, na-realize kong si Damien pala yung nasa harap ko. Tadhana nga naman.
"P-pano mo nalaman na nandito ako?" Pati ba naman sa sementeryo magkikita kami? Aba matinde.
"Tinanong ko sa Kuya mo" simpleng sagot niya. Inayos ko yung buhok ko tapos inayos yung bulaklak na nilagay ko sa tabi ng lapida.
"Tumayo ka na dyan, may pupuntahan tayo" Nag-offer siya ng kamay para tulungan akong makatayo pero hindi ko pinansin. Nagtatlong isip ako kung sasama ba ko sa kanya o hindi. Mamaya kasi ma-rape ako ng walang sa oras. Mahal na mahal ko ang virginity ko 'no!
Bigla niyang hinatak yung kamay ko.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ko!" reklamo ko.
Hindi niya ako pinansin at nagdirediretso lang siya sa paglalakad habang hatak hatak niya ako. Sinubukan kong huminto pero hindi kaya ng powers ko.
Bigla niya akong inakbayan at inilapit sa kanya.
"Manyak! Bitawan mo ko!" tinulak ko siyang palayo sa akin pero mas hinigpitan niya yung pagkakaakbay.
"Wag ka ngang malikot! Kanina ka pa tinitignan nung mga lalaki dun, nagseselos ako"
Nagseselos? WTH.
"Ba't nagba-blush ka? May gusto ka sa'kin no?!" pang-aasar niya. Hindi ako kinikilig no! Slight lang. Mas nakakakilig pa rin ang ihi ko!
"Mas mapula ka pa sa kamatis eh! Hahahaha nagjojoke lang ako wag kang assuming" Joke lang pala. Eh ano naman kung joke lang? Hindi kaya ako affected! Inalis ko yung pagkakaakbay niya sa akin at naglakad palayo sa kanya.
"Huy babe! Joke lang yun! Sorry na"
Hinabol niya ako at hinatak papalapit sa kanya. Pag lingon ko sa gilid, napansin ko yung mga lalaki nakatingin sa amin. Totoo nga. Sinabi niya lang yun para hindi ako lapitan nung mga lalaki, ang ganda ko kasi.
"Bilisan mo nga maglakad!" reklamo niya. Ang kapal talaga ng mukha nito. Inaya-aya niya ko tapos magrereklamo siya kasi mabagal ako maglakad?
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta sumunod ka nalang" Patuloy pa rin siyang naglalakad. Hindi ba siya napapagod?!
"Sandali ang sakit na ng paa ko" Huminto ako sa paglalakad at kumapit sa poste. Yung paa ko kasi may sugat na kakalakad ko.
"Wala pa nga sa sampung metro yung nilalakad natin pagod ka na agad?" Hindi pa rin siya humihinto sa pag lakad.
"Tungak nagpapaltos na yung paa ko! Ang sakit kaya"
Yung binili ni Kuya Adam na flats para sa'kin kasi yung ginamit ko papunta sa sementeryo. Hindi ko naman akalain na magsusugat pala yung paa ko. Sana pala sinunod ko yung sinabi ng Lola ko na dapat daw kinakagat muna yung sapatos bago isuot para hindi daw magpaltos yung paa. Pero kadiri kasi eh. Totoo ba yun?
"Sakay na" nagbend siya.
"A-anong sakay na?"
"Piggy back ride duh!" sagot niya. Medyo natawa ako sa tono ng boses niya. Medyo lang ha!
~*~
Dinala niya ako sa isang ice cream parlor.
"Anong gusto mo?" nakangiti niyang tanong. Napatingin ako sa kanya.
"Layuan mo ako"
Biglang nagbago yung expression ng mukha niya. I pursed my lips.
"Joke! Cookies n' cream na flavor" I tried to convince him na joke lang yung sinabi ko pero binalewala niya. Nag-smile siya sa'kin pero yung half smile lang.
"Ito na yung ice cream mo" seryosong sabi niya.
Kinuha ko agad nung inabot niya.
"Thank you" nag-smile ako sa kanya. Baka sakaling bumalik na kasi ulit yung mood niya kagaya nung nasa sementeryo pa lang kami.
Habang busy ako sa pagdila sa ice cream ko, biglang may nag-flash.
Pinicturan pala ako ni Damien.
Narinig kong tumawa siya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ang cute mo oh para kang batang yagit kung kumain ng ice cream" Pinakita niya yung picture sa'kin. Mukha akong tanga. Sinubukan kong agawin sa kanya yung phone para i-delete yung picture ko pero nahatak niya agad. Hinayaan ko nalang siya kasi naisip ko dahil sa picture na yun nakabawi ako.
------------------------------------------------------------
A/N : Feel free to vote/comment :)
BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomanceBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...