Sophia's POV
Na-late kami sa pagdating sa resort, hindi tuloy namin naabutan yung ribbon cutting. Buti nalang hindi kami pinagalitan ng mommy ni Trina. Sobrang laki pala nung resort nila, pagdating na pagdating namin sa resort isa lang ang nasabi ko, WOW.
Sabi nung daddy ni Trina pwede daw kaming mag-stay sa resort for 4 days, siyempre aatrasan pa ba namin yun? Gorabels kahit hindi nakapagpaalam.
Nauna akong natapos kumain sa mga kasama ko kaya naisipan kong maglakad-lakad muna sa beach. Naupo ako sa bench malapit sa hagdanan at pinanood ang mga batang nagswiswimming.
"Ang cute nila 'no?" Naupo si Damien sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" pagsusungit ko sa kanya. Kala ko pa naman tinigilan na ko nito. Hanggang dito ba naman nasundan niya pa ko?
"Tuwing nakikita mo ko yan lagi tinatanong mo" natatawang sabi niya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Nung unang pagkikita namin kala mo ang laki ng galit niya sa mundo eh.
"Ano bang paki mo" tumayo ako at naglakad palayo sa kanya.
"Nasa beach ka tapos may payong kang dala-dala?" humarang siya sa dadaanan ko habang naka-ngiti. Juice colored pati ba naman yung payong na dala ko pinapansin niya?
"Eh mainit eh! Tsaka pinapakielaman ba kita? Hindi naman diba? Kaya tabi! Shoo! Wag kang humarang" hinawi ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa kami ganun katagal magkakilala pero alam na alam niya na kung paano ako inisin. Nakakabwiset!
"Hoy midget! Ba't ba ang sungit sungit mo sa'kin?" A-ano daw? Midget?!
"Oo alam kong maliit ako hindi mo na kailangan ipamukha yun sa akin at Sophia ang pangalan ko S-O-P-H-I-A hindi midget bwiset!" urat na urat na sigaw ko. Tinawanan niya ko ng malakas kaya ayun hinampas ko siya nung payong na hawak ko.
"So-sorry na midg-" *hampas*
"Aray ko midget!" *isa pang malakas na hampas*
"Sorry na SOPHIA" talagang in-emphasize niya yung pangalan ko sa huli para tigilan ko na ang paghampas sa kanya.
Pabalik na ko sa cottage namin ng biglang may bumuhat sa akin. Ipinatong niya ako sa may balikat niya, alam niyo yung way nung pagbuhat ng mga kargador sa mga sako? Ganun yung ginawa niya.
"Ano ba! Let go!" pinaghahampas ko yung likod at braso niya pero hindi niya pa rin ako ibinaba. Buhat buhat niya ko na parang ang gaan gaan ko.
"Ibaba mo nga ako! Hayop ka talaga!" sinabunutan ko na siya pero wala pa din.
"Say please"
"Ibaba mo na ko please" Ang daming alam nakakapunyeta. Nagkatinginan kaming dalawa pero umiwas agad ako ng tingin at kinagat yung tenga ni Damien para maibaba niya na ko. Hindi ko narealize nasa may tubig nga pala kami kaya pagkababa ko, sabay na umagos yung alon papunta sa'min kaya nalublob ako sa tubig. Pagka-ahon ko pinagtawanan ako ng hinayupak. Inirapan ko lang siya at tumakbo pabalik ng cottage.
Napansin nila Trina na badtrip ako kaya nilapitan agad nila ako ni Ethan at ibinigay yung towel ko.
"Kahit kailan talaga nakakabwiset yung Damien na yun! Arrgghh!"
"Pagpasensyahan mo na yung pinsan ko na yun te, maloko siya pero mabait naman yun" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Naloka ako sa sinabi ni Trina.
"Pinsan?!" sabay na tanong namin ni Ethan.
"Ay hindi ko pa ba na sabi sa inyo?" seryosong tanong niya. Nagkatinginan nalang kami ni Ethan.
BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
רומנטיקהBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...