Sophia's POV
Nasa coffee shop ako ngayon kasama si Ethan at Trina. Nga pala, si Katrina, Trina for short, best friend ko siya since 1st year high school pa lang kami kaya parang magkapatid na ang turingan namin. Nagkakilala kami dahil sa mga students na nagrarambulan sa campus.
Kami munang tatlo ang nagbantay sa coffee shop kasi pinag-day off ko muna yung mga crew for 5 days tutal summer naman. Sabi nga nila ako na daw ang pinakamabait na boss eh.
"Sofie! Tignan mo yung dalawang babae na yun, kanina pa tingin ng tingin sayo" bulong ni Trina sa'kin sabay turo ng patago doon sa dalawang babae. Pagkatingin ko sa kanila, nakatingin din sila sa'min kaya tinaasan ko sila ng kilay. Inirapan ako nung girl na naka-pink na shirt. Palalampasin ko na sana nang bigla sila nagtawanan ng malakas habang pasimpleng tumitingin sa amin. Malakas ang kutob ko na kami ang pinag-uusapan nila. Nakakaimbyerna.
"Miss, ano bang problema niyo ha?" pataray na tanong ko sa kanila with matching nakataas na kilay.
"Wala, hindi naman kayo yung pinagtatawanan namin eh kaya wag kang assuming" sabi nung girl na naka-pink.
"That's right" sang-ayon ni girl na naka-black. Pa-english english pa kala mo magaganda.
"Alam kong customer kayo pero kung pumunta kayo dito para lang pag-usapan kami ng mga kaibigan ko at maki-inom ng tubig, the exit is right there" tinuro ko yung way palabas ng shop ko.
"Nasaan ba ang manager niyo? Hindi dapat ganyan ang ugali ng mga crew diba?" pagmamatapang ni girl na naka-black. Dinuro niya ako saka pinagtaasan ng kilay.
"What if sabihin kong ako ang may-ari ng coffee shop na 'to? Na ako ang bumili ng mga inuupuan niyo ngayon at ako rin ang bumili ng libreng mineral water na hiningi niyo?"
Natameme nalang yung dalawang babae. Pano pinagtitinginan na sila ng ibang customers.
"Ibang klase ka girl ha?" puri ni Trina sa'kin at nag-apir pa silang dalawa ni Ethan. Mga loka talaga sila. Habang nag-uusap kami nila Ethan biglang may nagsalita sa counter.
"Miss, isang medium na mocha frappé nga, by the way hindi ako hihingi ng mineral water" natatawang biro nung customer. Sariling joke niya sarili niyang tawa. Ano sariling sikap?
Ibinulsa ko yung phone ko saka tumayo para ibigay yung order nung customer.
Pagkatingin ko sa kanya nakilala ko agad.
"Anong ginagawa mo dito?!" Kadalasan pagkatapos ng date, hindi na magpapakita sa akin yung lalaki pero siya, ibang klase.
"Bumibili ng frappé obvious ba?" seryosong sagot niya.
"Eto na order mo" sabay abot ng frappé.
Dumiretso si Damien sa table na nakapuwesto sa corner. Hindi naman siguro ako sinusundan nun?
Habang inaaliw ko yung sarili ko sa paglalaro sa phone ko biglang lumapit si Trina sa'kin.
"Para sayo ata to friend, iniwan dun sa table" binigay niya sa'kin yung papel na hawak niya.
--------------------------------------------------------
Susunduin kita mamayang 7
- Damien
--------------------------------------------------------
Nilukot ko yung papel at itinapon sa basurahan. Mamayang 7? Hanggang 9:30 bukas yung shop ko pero aagahan ko yung pagsasara ngayon. Kala niya siguro sasabayan ko siya, neck-neck niya!
"Mga Amiga! 6:30 uwi na tayo ha" pinaalam ko na agad sa kanila para di na kami abutan ni Damien.
"Sabay tayo sis ha!" Si Ethan lagi ang kasabay ko pauwi tuwing nagpupunta ako sa coffee shop. Nakakaloka nga eh, bakla daw siya pero mas gentleman pa siya sa mga kapatid ko. Minsan nga napapaisip ako kung bakla ba talaga siya eh, sa pagsasalita confirmed, pero minsan sa pagkilos nakakalito, pag sa pananamit naman, ewan, di siya nagsusuot ng mga damit na pang-gurl ayaw niya daw kasi yung lantaran.
Wala pa atang 6:30 nakapagsara na kami kaya nakauwi rin ako agad. Si Kuya Dale lang ang dinatnan ko sa bahay pagdating, nakipagdate daw si Kuya Adam. Bago ako natulog sinabihan ko si Kuya Dale na pag nagpunta si Damien sabihin na kila Trina ako.
Nagising ako ng 9:30 ng gabi. Narinig kong may nagkukwentuhan sa kusina. Ginawa ko yung best ko para pakinggan kung ano yung pinag-uusapan pero puro tawa lang naiintindihan ko.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto at dumapa ako para hindi ako makita nila Kuya. Habang gumagapang ako sa sahig biglang may naramdaman akong mabigat sa kamay ko."Awww!" Dahil sa pagatras ni Kuya Dale, naapakan niya yung kamay ko.
"Ay! bunso! sorry di kita napansin hala ano ba kasing ginagawa mo diyan?" nag-aalalang tanong niya. Shemay anong sasabihin ko?!
"Ah eh- hinahanap ko kasi yung hikaw ko" palusot ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko at tumayo.
----------------------------------
A/N : Sana suportahan niyo 'tong story na 'to :*
BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomanceBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...