Chapter 19

57 1 0
                                    

Sophia's POV

Dumating na ang araw na pinakahihintay namin nila Trina. At last! 18 na ang best friend ko!

"Hoy te! Sure ka na bang ilalagay mo ko sa eighteen orchids ha? dapat sa torches ako eh! Magmumukha akong paminta nito huhu ang ganda ganda ko eh" sabi ni Ethan na naglalagay ng nail polish sa mga kuko ni Trina.

"Hoy wag ka ngang assumera! Mas maganda ako 'no! tsaka paminta ka naman talaga! Paminta!" saka ako hinampas ni Ethan nung unan na malapit sa kanya.

"Hay nako puro nalang kayo away ba't di niyo nalang ako gayahin? happy happy lang"

"Porket makakasayaw mo lang yung kuya ko ha!" biro ko. She glared at me.

"Inaano ba kita ha? Wag ka mag-alala magkakaayos din kayo ni Damien"

"Che! Tigilan mo ko"

Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Damien. Hindi na siya nagpupunta sa bahay gaya dati.

Part of me gustong bawiin lahat nung sinabi ko at magsorry sa kanya. Pero kapag naiisipan ko nang magsorry, sasabihin ng utak ko 'bakit? para saan pa? yan naman ang gusto mo diba? yung layuan ka na ni damien'.

I should be happy kasi tinigilan niya na ko, hindi ako nagsisisi pero bakit parang hindi ako masaya?

"Hoy Sophia nakikinig ka ba?!"

"H-ha?"

"Iniisip mo na naman si Damien, mamaya na siya, kami muna pwede?"

"FYI ni isang beses di ko inisip si Damien 'no!"

"Oo nalang. Anyways bagay naman sakin diba?" May suot na bra si Ethan tapos grass skirt. Ang pangit tignan sa kanya. Ang broad kasi ng balikat niya. Pag tinignan mo siya pagkakamalan mong straight eh, lalaking lalaki na siya wag lang magsasalita.

"Ewness! di bagay sayo!" sabi ni Trina na hinihipan yung mga kuko niya. Nag-make face lang si bakla saka nag-pose.

"Pwede na ba kong pang-fhm?"

"Oo filipino horror movies" sabay na sabi namin ni Trina. Inirapan lang kami ni Ethan at ibinato sa'min yung bra na sinuot niya.

~*~

Since 6:30 mag-start yung debut ni Trina, 5 o'clock pa lang ready na kami. Siyempre excited eh! 5:30 Chineck na namin kung ready na ang lahat. Habang nag-iikot ikot kami ni Ethan, tinanong namin yung nag-aayos ng mga torch.

"Kuya sure ka bang kompleto yan? dapat 18 yan ha!" nakapamaywang na sabi ko.

"Opo maam!" Sinagot niya yung tanong ko pero kay Ethan siya naka-tingin. Nalito tuloy ako. Hindi ko alam kung sino ba yung tinawag niyang maam sa'min ni bayot.

"Sige nga bilangin mo"

Pinapanood lang namin siya habang nagbibilang.

"14,15,16...17 OMG kuya! Bakit kulang yan?! Dapat 18 yan! Oh my gosh! Hindi pwedeng kandila ang ipalit diyan!" Sa sobrang O.A. ni bakla narinig siya ni Trina.

"What?! No! Gawan niyo nang paraan yan!-"

"Kalma friend! Ayun yung pang-eighteen oh!" tinuro ko yung hawak ni kuya na torch. Napa-buntong hininga si Trina at naglakad na siya pabalik sa room niya.

Naiintindihan ko naman kung bakit ganun nalang mag-react si Trina. Gusto niya lang kasi maging perfect yung 18th birthday niya.

"Bakla malapit na mag-start, tara na!" aya ko kay Ethan.

"Tara na sa entrance! Gusto ko makita bawat fafa na papasok!" hinatak niya yung kamay ko at dire-diretsong naglakad papunta sa booth namin.

May registration booth kasi, pakulo ni Ethan. Para daw malaman ni Trina kung sino yung mga nagpunta at hindi. Sabi ko nga iba nalang isama niya eh, sabi niya gusto niya daw ako ang kasama niya.

Bitch Is My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon