Sophia's POV
"Beks totoo ba na pupunta ka sa London next month?!" tanong ni Ethan habang bine-braid yung buhok ni Trina.
"Hindi pa sigurado yun, pinapapili kasi ako nila mama kung magdedebut daw ba ako o pupunta sa London"
Kagabi nakausap ko sila mama, tinanong nila ako kung ano daw ba gusto ko. Nagulat nga ako eh kasi 2 months pa bago yung birthday ko. Mas excited pa sila mama kaysa sa'kin.
Hindi ko alam kung ano yung pipiliin ko. Kung pagpunta sa London ang pipiliin ko, matutupad na yung pangarap ko, kaso sayang naman yung debut kasi once in a life time lang yun eh.
"Wow te nakakainggit ka naman!" sabi ni Trina habang tinitignan yung itsura niya.
"Pag nagpunta ka na sa London uwian mo kami ng boylet ha! Gusto ko tig-isa kami"
Puro landi nalang ata nasa utak ng baklang 'to.
Nga pala, 4 days na hindi nagpapakita si Damien. Siguro na-realize niya na yung sinabi kong ayaw ko sa kanya. Malayang-malaya na ulit ako. Pero medyo namimiss ko din yung kakulitan niya. Hay ewan.
~*~
"Mga bakla" tawag ko sa dalawa.
"Bakit?" tanong ni Ethan.
"Kung punta kaya tayo sa Splash island ngayon?"
"Gorabels! Basta libre mo ha?" Lagi nalang libre.. Pero no choice ako, pag hindi ako pumayag na libre ko tengga lang kami dito sa bahay.
"Oo na" napilitang sagot ko. Nag-apir silang dalawa sa tuwa.
Kasama namin sila Kuya tapos yung iba pa naming kaibigan. Yung van ulit na sinakyan namin papunta sa resort nila Trina ang ginamit namin.
Dahil sa sobrang traffic, pagdating namin sa resort sobrang dami ng tao.
"Te wrong timing ata tayo" pag-aalangan ni Trina. Lahat kami nakatingin lang sa mahabang pila sa entrance.
"Eh sino ba naman kasi mag-aaya magpunta sa resort ng 11 ng umaga? duh!"
Minsan nalilito na din ako kay Ethan eh. Kanina sang-ayon siya tapos ngayon parang kumokontra siya.
"Pano yan? San tayo?" tanong ni Kuya Adam.
"Tara E.K. nalang tayo!" aya ko. Sumang-ayon naman agad sila sa suggestion ko. Agad agad kaming pumasok sa van at dumiretso papunta sa Enchanted Kingdom.
~*~
Habang nasa horror house kami, si Ethan lantad na lantad ang kabaklaan. Kapit na kapit siya sa Kuya ko habang naglalakad kami sa dilim. Dinaig niya pa kami sa pag tili eh. Hanggang sa paglabas namin ng horror house si Ethan nakakapit pa rin kay kuya.
"Hoy bakla lumayo ka na nga dyan sa Kuya ko!" binatukan ko si Ethan. Napansin ko kasing naka-kunot na yung noo ni Kuya. Bakas na bakas ang pandidiri sa mukha niya. Habang inaayos ni Kuya yung gusot na gusot niyang damit at sobrang gulong buhok, inaya ko muna si Trina na mag-cr.
"Ang epal talaga ni Ethan! Inaagawan ako" asar na asar na sabi ni Trina. Nanlaki pareho yung mata namin sa sinabi niya.
"Oh my gosh! Don't tell me-"
Napakagat nalang ng labi si Trina at napatango.
"Hayaan mo ilalakad kita sa Kuya ko, mas bagay kayo kaysa dun sa nililigawan niyang chararat" kinindatan ko siya at tumawa nalang sa expression niya.
Halos ata ng rides nasakyan namin, ang konti kasi ng tao. Sulit na sulit yung bayad namin, enjoy eh.
Habang naglalakad kami pabalik sa parking bigla nagsalita si Trina.
"Sayang wala si Damien"
Damien. Ayaw ko ng marinig ulit yung pangalan na yun.
"Oo nga eh" sang-ayon ni Kuya. I just rolled my eyes. Kung pwede lang sila ibaon sa lupa matagal ko nang ginawa yun.
"Che! Masama nga kayong dalawa!" Tinulak ko si Trina papunta kay Kuya. Nagkatinginan kami tapos pinanlakihan ako ng mata ni Trina.
"Bakit defensive ka? Sinabi lang naman namin na sayang, hindi ka naman namin inaasar" Nagtawanan silang dalawa. Mga bwiset.
"Tara mauna na tayo" bulong ko kay bakla. Tumakbo kami at iniwan si Kuya tsaka si Trina na magkasama.
Bwahahaha ipu-push ko 'tong plano ko. *insert evil smile*
Buti nalang bumuhos yung ulan pagkasakay na pagkasakay namin sa van ni bayot. Nakakatuwa lang kasi nakikisama yung panahon sa'kin.
Sumilip ako sa bintana para abangan sila Kuya. Nakita ko silang nagtatawanan ni Trina. habang nagpapa-ulan. Kahit kailan talaga walang pinapalampas na pagkakataon 'tong babae na 'to eh! Kalurkey. Kung pwede siguro na babae ang nanliligaw baka matagal niya ng hinarana ang Kuya ko.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, ako agad ang bumungad sa kanila.
"Ang saya niyo naman ata" biro ko sa kanila. Biglang huminto yung tawa nila tapos naghiwalay na sila. Kj na ako kung kj. Ayaw ko lang na mapadali yung relasyon nila.
Umupo si Trina sa tabi ni Ethan, si Kuya sa tabi ko naman umupo. Ayaw niya na daw makatabi si Ethan baka daw kasi rape-in na naman siya ni bayot.
--------------------------------
A/N : Thank you sa mga nagbabasa pa nito hahaha. Tinatry ko yung best ko para mapaganda yung story kaso parang wala pa rin pagbabago hahaha. Kung nagustuhan mo yung chapter na to, vote/comment ka :)
![](https://img.wattpad.com/cover/29268638-288-k940693.jpg)
BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomansaBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...