Sophia's POV
Si Iñigo Montoya. Siya yung lalaking nag-alok na tumulong sa akin nung isang araw. Nagkaroon kami ng something ni Iñigo 8 months ago. Parang M.U. siguro. Maraming tao sa school namin ang gusto kaming magkatuluyan pero yung iba di sang-ayon kasi mga insecure sila. Nagsimula kaming magkausap ni Iñigo dahil sa pustahan namin nila Trina. Sila mismo ang naghamon sa akin nung pustahan na yun, nakisali pa nga yung ate ni Iñigo sa amin eh, tatlo laban sa isa. Sabi nila pag na-confirm daw nilang may gusto sa'kin si Iñigo, itetreat ko daw sila, pero pag iba daw yung gusto niya, itetreat nila ko. Parang mga bata lang kami 'no?
Dumating yung araw na na-confirm nila na may gusto nga sa'kin si Iñigo, kaya ayun nagsimula na kaming magkausap. Since magkaklase kami, lagi niya akong hinahatid pauwi. Kilala na siya ng pamilya ko, kilala na din ako ng family niya. Balae na nga tawag ng mama ko at ng mommy niya sa isa't isa eh, nakakaloka lang.
Minsan pumupunta siya dito sa bahay para lang dalhan ako ng pagkain, kaya gustong gusto siya nila Kuya. Pero lahat ng yun ay natigil dahil unti-unti akong nilayuan ni Iñigo. Hindi ko alam kung anong dahilan. Kung kailan nga nahulog na ko saka naman siya lumayo. Ilang beses kong tinanong kung anong nangyari pero hindi niya ako sinagot. Hindi ko na siya kinulit kasi naisip kong lalo lang ako magmumukhang desperada. Lahat kasi ng hinahanap ko sa lalaki nasa kanya na.
Hindi na kami nagka-usap at nagkita ulit. It took me 6 months bago maka-move on sa kanya. Ang tagal ba? Hinayupak kasi siya eh. Pero hindi naman ako nag-sisisi na nakilala ko siya. Sabi nga nila 'never regret anything that made you happy'.
Dahil sa kanya, nawalan na ako ng interest sa mga relasyon na yan. Love life? Sus! Mas gugustuhin ko pang kumain nalang.
Napakawalang hiya din ng tadhana eh 'no? Sa lahat ng pwedeng tumulong sa akin nung isang araw bakit si Iñigo pa? Lord ano bang kasalanan ang ginawa ko?
Pinaliwanang niya sa'kin kung bakit siya dumalaw sa bahay. May sasabihin lang daw siyang importante kaya pinagbigyan ko na.
*flashback*
"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na agad, ayokong masayang ang oras ko may gagawin pa ko"
Naka-cross arms lang ako habang naghihintay na magsalita siya."Gusto ko lang sana mag-sorry.." mahinang sabi niya.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko pa yung sorry niya pagkatapos nang lahat ng nangyari. Tatanggapin ko ba? Nagdalawang isip ako. Part of me wants to accept his apology.
Siguro panahon na rin para kalimutan ang nakaraan. Napahinga nalang ako ng malalim bago magsalita."Pinapatawad na kita" kahit medyo labag sa kalooban ko yun, ginawa ko.
Kahit pa sabihin na naka-move on na ko sa kanya, hindi ko pa rin makakalimutan yung ginawa niya, ang sakit kaya."So... Friends?" tanong niya. Friends? Ganun lang yun kadali para sa kanya?
"Friends?" pag-uulit niya sa tanong niya."Fine" napilitan kong sagot.
*end of flashback*
Masyadong mabilis yung mga pangyayari para sa akin. Ngayon parang pinagsisisihan kong pumayag ako na nakipagkaibigan ulit ako kay Iñigo. Pagkatapos nung araw na nagkaayos kami, pa-ulit ulit niya kong tinetext at tinatawagan pero wala akong sinasagot. Ayoko na. Ayoko nang umasa. Ayoko nang masaktan. At parang ayaw ko na rin magtiwala.
Bukas na nga pala kami pupunta nila Trina sa resort nila sa batangas. Isasama ko si Kuya Adam, nag-away pa kami dahil kay Sheena. Gusto niya isama yun, sabi ko naman kami lang ang inaya kaya mahiya naman siya, sa huli ako nanalo. *hair flip*
Alam niyo ba ang ganda ganda ng araw ko ngayon. Wala na kasi akong nakikitang Damien. Nagdisappear na siya kagaya ni Matthew the stranger. Ayaw ko na silang makita ulit. Naglalaho ang beauty ko eh.
Sa sobrang excited ko mag out of town, 8:30 pa lang ng gabi naka-ready na lahat ng gamit ko. Wala pang 9 nakatulog na ko. Siyempre kailangan din naman ng beauty rest ng Lola mo 'no.
11 ng gabi tinawagan ako ni Trina para ipaalam ang oras ng alis namin. Sabi niya dadaanan daw nila kami dito sa bahay ng 5am.
"Pia naka-ready ka na ba?" tanong ni Kuya Adam habang kumakatok. Kala ko ako lang ang excited, pati pala si Kuya.
Saktong 5am dumating sila Trina. Pumwesto ako malapit sa bintana, gustong gusto ko kasing nakikita yung view habang bumabyahe, feeling ko gumagawa ako ng sarili kong music video.
----------------------------------
A/N : If you liked this chapter, vote/comment kayo :)

BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomanceBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...