Chapter 2

222 11 0
                                    

Sophia's POV

"Pia?"

"Girl! It's me!" Paulit-ulit na kumatok si Ethan sa pinto. Ano kayang ginagawa nun dito? Di ko naman siya pinapunta di ba? Bumangon ako at binuksan yung pinto.

"Adam bukas na yung pinto!" Sigaw ni Ethan. Ginawa pang paraan ni Kuya si Ethan para lang lumabas ako ng kwarto? Utot siya. Padabog kong sinarado yung pinto pero hindi ito nasarado.

"Ouchhh!!!" sigaw ni Ethan. Dali-dali kong binuksan ulit yung pinto para matanggal ni Ethan yung kamay niya.

"Ayy sorry beks" Hindi ko alam kung maaawa ba ko sa kaya o matatawa eh. Yung itsura niya kasi ang epic. Mukha siyang natatae na naiiyak.

Hinatak ko siya papasok ng kwarto saka ini-lock yung pinto.
"Ano bang ginagawa mo dito ha?!" tanong ko sakanya habang nilalagyan ko ng betadine yung kamay niya.

"Naipit mo na nga ko may gana ka pang magalit sa'kin?" saka niya ako inirapan. Daig pa niya yung babaeng may period eh.

"Nga pala pinilit lang ako ni Adam pumunta dito may sasabihin daw kasi siya sayo" paliwanag niya. Anong connect? Namumuro na sa'kin yung kapatid ko.

Pagkahatid ko kay Ethan palabas ng bahay, dumiretso ako sa kusina para kumain. Kukuha sana ako ng cereals kaso ang taas nga pala nang pinaglalagyan. Kumuha ako ng upuan na pwedeng tungtungan pero di ko pa din abot. Hashtagshortgirlproblems.

"Hahaha pandak!" pang-aasar ni Adam- este Kuya.

"Che!" I glared at him. Kahit makita ko lang yung mukha ni Kuya naaasar na agad ako. Buti pa si Kuya Dale kahit papaano mabait sa akin eh.

"Pia, may papakilala ulit ako sayo ma-"

"Ayoko! Di mo na ko mapipilit ngayon! Hindi mo ko pinagshopping kahapon!" galit na sumbat ko sa kanya. Pagkatapos niya ako paasahin sa shopping na 'yun ngayon gusto na naman niya akong makipag-date sa mga walang kwentang lalaki? No way! Dahilan niya sa akin kaya daw di kami matutuloy kasi daw bigla siyang inaya nung nililigawan niya na umalis. Jusme pinagpalit niya ko dun sa chararat na mukhang bakla na nililigawan niya.

"Sorry na bunso, last na 'to promise! Bukas na bukas pag gising mo papunta agad tayo sa mall" tinaas niya yung right hand niya saka ngumiti.

"Promise yan ha?" paninigurado ko. Tumango siya. Halata naman na boka lang ni Kuya yung promise niya eh.

"Kapag yang promise na yan hindi mo tinupad sasabihin ko dun sa nililigawan mo na bi ka" biro ko. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng pwedeng ligawan ni Kuya yung mukhang bakla pa, sayang gwapo pa naman si Kuya.

Sana tigilan na nung dalawang bugok yang paghahanap ng lalaki para sa akin. Wala din naman silang mapapala eh. Naiintindihan ko naman na concerned lang sila sa akin. Ayaw daw kasi nilang tumanda ako ng dalaga. Simula nung nag-17 ako, sinimulan na din nila yang mission impossible na yan. Yung nanay at tatay ko naman sang-ayon kila Kuya. Minsan nga napapaisip ako kung anak ba talaga nila ako o ampon lang eh.

7 o'clock ng gabi dumating yung ipapakilala ni Kuya sa'kin. Damien daw pangalan. Naka-motor siya tapos naka v-neck na gray, skinny jeans, yung pa-cool na porma. Pagkalabas ko ng gate nagkatinginan kami pero nag-iwasan din agad kami.

"Sakay na" seryosong sabi niya. Wala akong nakitang expression sa mukha niya. Poker face kung tawagin nila. Ang cold din ng mga tingin niya. Ano kaya problema nito? Sa dinami-rami ng nakilala ko siya yung pinaka-kakaiba.

"Seriously? Bakit ako sasakay diyan? Baka di ako makauwi ng buhay no!" pagtataray ko sa kanya. Sa lahat ng vehicles, motor ang pinaka ayoko. Pag nakasakay kasi ako feeling ko naiiwan yung kaluluwa ko ere.

"Kung ayaw mo edi bahala ka"

"Fine. Maglalakad nalang ako" pagmamatigas ko.

"Sige simulan mo na, text mo nalang ako pag nandun ka na ha!" kumukulo ang dugo ko sa lalaking to! Juice colored sana matapos na agad to! Ayaw ko na siyang makita ulit i swear!

Pinanindigan ko yung sinabi ko na maglalakad ako pero sa kalagitnaan napagod na ko kaya sumabay na ko sa kanya, wala na akong nagawa eh.
Habang nakasakay ako sa motor, muntik na kong lumagpas sa langit sa sobrang pagdadasal. Nakakatakot kaya sumakay sa motor! Kung aalis ako sa bahay ng one piece, kailangan pag-uwi ko one piece pa din 'no.

Huminto siya sa tapat ng coffee shop.... Sa coffee shop ko?! Sa lahat ng pwede namin puntahan bakit dito pa? (Hindi naman sa sinasabi kong cheap yung café ko)

"Tara na, gusto ko na makauwi" Kahit naman ako uwing-uwi na eh! Siya lang yung naka-date ko na hindi gentleman.

Nagulat ako nang nag-iba ng direksiyon ang lakad niya. Pumasok siya sa restaurant na malapit sa coffee shop ko.
"Hoy lalaki!-" tawag ko sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad saka humarap sa'kin.

"It's Damien bitch" Pa-bitch bitch pang nalalaman kala mo gwapo hmmp! Bwiset!

"Wala kong paki! Bakit hindi ka nalang dito nag-park? May sapak ka din eh 'no? Nananadya ka ba?!" naiiritang sigaw ko. Tinalikuran niya lang ako at naglakad papunta sa table namin.

"Umorder ka na"
Kinuha ko agad yung menu na nasa table namin at nag-scan ng pwedeng orderin.
Back ribs pala ang specialty nung napuntahan namin na restaurant. Siguro sinuggest nila Kuya yun, favorite ko kasi yun.

Sa sobrang dami ng inorder ko, hindi na ko makahinga sa sobrang kabusugan.
"Excuse me miss! Kukunin na namin yung bill"
Lumapit yung babaeng haliparot kay Damien at binigay yung bill. Nanlaki yung mata niya pagkabukas niya sa booklet. Magkano kaya inabot? Bwahahaha! Payback's a bitch, so am I.

"Bakit?" pa-inosenteng tanong ko.

"Wala" mabilis niyang sagot. Nagkibit balikat nalang ako at nagpunta sa c.r.

Pagkalabas ko napansin kong wala na si Damien sa table kaya dumiretso na ko papunta sa pinag-parkingan ng motor niya. Nakita kong naninigarilyo siya habang pinagmamasdan yung dalawang mag-asawa na matanda na naglalakad.

"Itapon mo nga yan! Ang baho baho ng usok eh!" Di niya ko pinansin at ipinagpatuloy niya ang paninigarilyo niya. I snorted.

"Kung ipagpapatuloy mo yan magkakasakit ka, pwede mo rin ikamatay yan stupid"

"Kahit di ako manigarilyo mamamatay pa din naman ako sa huli diba? Pareho lang yun" tinapon niya yung sigarilyo at sinipa yung mga bato. May sapak talaga tong lalaki na 'to.

"Uwi na tayo" saka niya ibinigay yung helmet sa akin.

Pagkalipas ng 30 minutes nakarating na kami sa tapat ng bahay.

"Hoy" tawag niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin.

"Hoy!" sigaw niya.

"Wag mo nga kong hino-hoy, Sophia pangalan ko" nakapamewang na sabi ko.

"Yung date na 'to, pustahan lang naming ng Kuya mo 'to, hindi ko naman ginusto 'to eh, pumayag lang ako kasi may deal kami" hindi ko alam kung ano irereact ko sa sinabi niya kaya tumalikod nalang ako at dumiretso sa gate.

Anong deal naman kaya yun?

----------------------------------

A/N : Sana suportahan niyo 'tong story na 'to ;)

Bitch Is My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon