Chapter 20

54 1 0
                                    

Sophia's POV

Almost 12 midnight na nang matapos yung celebration. Hindi na kami umuwi dahil sa sobrang pagod. Pero si Kuya Adam, hindi na nag-stay dito sa resort kasi may emergency daw. Siguro si Sheena na naman.

"Ikaw te ha! Kinwento na ni Damien sakin yung nangyari kagabi!"

"May nangyari sa inyo?!"

"Wala 'no!"

"Ano ka ba bakla! Nagkaayos na yung love birds naten!" napapalakpak pa si Trina sa tuwa.

"FYI hindi natin, more like love birds mo. Di kaya sila bagay ni fafa D! Mas bagay kami no"

Napahinto kami sa pagkukwentuhan nang may kumatok sa pinto.

"Come in!" sigaw ni Trina. Dahan dahan na bumukas yung pinto.
Nagkatinginan kaming tatlo pagkakita namin kay Damien na may dalang tray. Dumiretso siya sa kama ko at marahan na inilapag yung tray sa kama.

"Anong trip yan?"

"Breakfast in bed duh"

"Alam mo bakla diba lalabas tayo? Tara na bilisan mo kumilos dali" hinatak ni Trina si Ethan palabas ng kwarto. Bago isara ni Trina yung pinto pinagsabihan niya yung pinsan niya.

"Hoy ikaw pag may ginawa kang masama dyan sa friendship ko yari ka sakin!" Tumango siya saka nag-thumbs up.

"Kain na, ako nagluto niyan"

"Tinatanong ko ba?"

"Umagang umaga ang sungit mo"

"Paki mo ba" I rolled my eyes. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para mag-tooth brush.

~*~
3:30 ng hapon nag-aya na sila Trina umuwi.

Papasok na ko ng van nang biglang hatakin ni Damien yung kamay ko.

"Hoy bitawan mo nga ako!"

"Sakin ka sasabay pauwi. Nakausap ko na sila Trina, pumayag sila tsaka ibinilin ka sa'kin ni Adam 'no" Hinatak niya ako papunta sa kotse niya.

"Hindi ako sasakay dyan! Baka pagdating ko sa bahay sampung piraso na ko!"

Binuksan niya yung pinto. "Sakay na dali, nauna na sila Trina oh gagabihin tayo nito eh"

Pagkaupo ko, sinarado niya na yung pinto at umupo na siya sa driver seat.

"San mo gusto kumain bago tayo umuwi?"

"Dont tell me magdedate tayo?" biro ko. Napansin kong namula siya dahil sa sinabi ko.

"Hindi no! Kakain lang tayo"

"Sure" I smirked.

~*~

Pagkatapos namin kumain, diretso na kaming umuwi. Almost 7 o'clock na kong nakarating sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko ng pinto, si Kuya Dale at Kuya Adam agad ang bumungad sa akin.

"Kamusta ang date bunso? Saan ka niya dinala? Nabusog ka ba?" tanong ni Kuya Dale. Bigla naman tumakbo palapit sa akin sina Keegan at Megan -kambal na anak ni Kuya Dale. Niyakap ko agad sila at hinalikan sa pisngi.

"I miss you tita!" sabi ni Megan na nakayakap pa rin sa akin.

"I miss you too Meggy!" saka ko kinurot ang magkabila niyang pisngi.

"Hoy bunso yung tanong namin sagutin mo muna! Kamusta ang date?" sabi ni Kuya Adam na nakatingin lang sa amin.

"Tita Pia may boyfriend ka na?! Kee! May bagong tito na tayo!"

"No! Wala kong boyfriend okay? tsaka ano ba walang nangyaring date! Kumain lang kami" naiirita kong sagot. Hindi pa ipinagpabukas yung mga tanong nila kitang pagod ako eh.

"Ang sungit naman ng bunso namin! May period ka ba ha? Gusto mo papuntahin namin si Damien?" pang-aasar ni Kuya Dale.

"Daddy what is period?" tanong ni Keegan na nakakunot ang noo.

"Tuldok yun diba tito Adam?" saka pinitik ni Megan ang noo ng kakambal niya.

" Wag niyo na guluhin yun pagod yun tsaka wala kong period!"

"Ayieee! Kailan ka pa naging concern kay Damien? Uyyyyyy may gusto ka sa kanya no? Sabi na Kuya Dale eh! Bagay talaga kayo bunso"

"Saktong sakto! Kailangan malaman nila mama to! Tatawag sila ngayon diba?"

Kala ko ba kakampi ko si Kuya Dale?!

"Manahimik nga kayo! Wala kong gusto sa kumag na yun 'no!"

"Oh talaga? Bakit defensive ka?" biro ni Kuya Adam. Inirapan ko lang siya at dumiretso na sa kwarto ko.

Bakit naman nila naisip na magkakagusto ako sa Damien na yun? Hindi ko nga siya ganun ka-kilala eh.

Nagising ako sa ingay ng dalawang mongoloid kong kuya. Hindi ko napansin nakatulog pala ako. Bumangon agad ako para tignan kung ano yung pinagkakaabalahan nila Kuya.

"Evening Pia! Sakto kakausapin ka daw ni mama oh"

Tumabi ako kay Kuya Adam. Ka-chat pala nila si mama hindi man lang ako ginising!

"Hi Pia! Ang ganda ata ng anak ko ngayon?"

"Ma naman matagal na kong maganda no!" nag-hair flip ako para damang dama.

"Hahahaha GGSS ka pa rin pala ngayon" biro ni mama. Biruin mo sa edad niyang 'yun alam niya yung GGSS?

"Ay anak may boyfriend ka na daw ha? Ano yung pangalan? Da-damien? Ikaw ha! Kailan mo ipapakilala samin ni papa yun?" Pagtingin ko kila Kuya nakangiti sila sa'kin.

Nag-peace sign si Kuya Dale. Yari talaga sila sa'kin!

"Di totoo yun! Sinungaling sila kuya wala kaya akong boyfriend"

"Whatever you say anak hahaha makikilala ko din siya" I rolled my eyes. Ano bang klaseng pamilya 'to? Ampon ata talaga ako huhubels.

"Nga pala malapit na kaming umuwi ni papa mo, next next week uuwi na kami ha! Makikilala ko na si Damien" pang-aasar ni mama. Nagtatawanan silang tatlo habang ako urat na urat.

Mag-e-eleven na nang matapos namin kausapin si mama. Di namin nakausap si Papa may meeting daw kasi na pinuntahan. Napag-usapan na naman namin yung 18th birthday ko. Sabi ko hindi ko pa rin alam. Nasermonan tuloy ako ng nanay ko.

"Uwi na ko bunso ha!"

"Sige Ingat Kuya! Paki sabi kay Ate Chelsea kamusta ha! Love you" niyakap ko si Kuya Dale bago siya tuluyang lumabas ng bahay.

Bago ako maka-tulog naka-receive ako ng text galing kay Damien at yung isa, number lang.

Una kong binuksan yung message ni Damien.

"Good night Pia! See you tom ;)"

Hindi ako nag-reply. Tsaka paano ko magrereply eh wala akong load?

I opened the 2nd message.

Fr: 09064******
Pano na ko?

Bitch Is My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon