Chapter 14

83 3 0
                                    

Sophia's POV

Kagabi inaya akong magsimba ni Kuya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nun at nag-aya nalang bigla. Pero hindi ko siya tinanggihan. Matagal na rin kasi akong hindi nakakapagsimba, ang dami ko nang nagawang kasalanan, sana hindi ako masunog pag pumasok ako sa church.

"Bunso naka-ready ka na ba?"

"Oo lalabas na ko" sigaw ko habang inaayos yung mga gamit ko.

10 o'clock ang simula ng service kaya bago mag-nine tumayo na ko kasi madami pa kong ritwal na ginagawa tuwing umaga.

Dumating kami sa church ng 9:50. Marami-rami na rin yung tao pagpasok namin kaya medyo nasa likuran na kami naka-upo.

~*~

"Hi babe!" biglang bungad ni Damien. Don't tell me nagsisimba siya?! Wala sa itsura niya eh! Pasalamat siya naniniwala ako sa 'don't judge a book by its cover'

"Anong ginagawa mo dito?" nakapamewang na tinanong ko.

"Hoy hindi ako pumunta dito para sundan ka, nandito ako kasi nagsisimba ko di tulad ng iba dyan magsisimba lang pag gusto" pagmamayabang niya. Edi siya na maka-diyos!

"Ano ba yan kakasimba niyo lang dalawa nagtatalo agad kayo!"

"Yung isa kasi dyan assuming"

"For your information, hindi ako assuming. Tinanong ko lang naman kung ba't nandito ka duh!"

"Tara na nga kuya! Baka madagdagan pa mga yung kasalanan ko" naglakad na ko pabalik sa parking.

Ilang minuto lang sumunod na si Kuya sa sasakyan.

Habang nag-reretouch ako, umupo si Damien sa passenger's seat. Nagkatinginan kami ni Kuya.

"Inaya niya ko mag-lunch, libre niya daw" napakamot siya ng ulo.

Uto-uto talaga yung Kuya ko -_- Kainis ba't ba kasi hindi biniyayaan ng utak si Kuya eh!

"Sorry na babe! Gustong-gusto ko kasi yung itsura mo pag galit ka eh! Ang hot mo kasi.. Sorry na please?" Inirapan ko lang siya. Bobolahin pa ko? Neck-neck niya!

Habang nag-aapply ako ng lipstick kinuha ni Damien yung makeup bag ko.

"Ano magmemake up ka din?"

"Ah eh- hindi mo na kailangan magmakeup m-maganda ka kahit walang make up" palusot niya. Hindi mo makukuha ang loob ko boy!

"Wala kong paki. Akin na yan!" sinubukan kong agawin yung bag pero nailayo niya agad.

"Hindi ko ibabalik sayo to hangga't di mo tinatanggap yung sorry ko" Hinamon mo pa ko ha?

"Fine. Sayo na yan. Magpakasaya ka dyan sa mga make up ko!" I smirked. Kala niya siguro kakagat ako sa pangbablackmail niya.

"Babe naman eh!" Hinawakan niya yung kamay ko pero agad ko naman hinatak.

"Ehemmm.. Baka nandito ako?"

Pinanlisikan ko ng mata si Kuya kaya nanahimik ulit siya.

After 20 minutes nakarating na kami sa mall.

"Saan niyo gusto kumain?" Tanong ni Damien. Libre niya nga pala kaya kahit saan!

"Sa racks nalang tayo!" aya ni Kuya.

"Sige" matipid na sagot ni Damien.

Habang naglalakad kami papunta sa racks napansin kong pinagtitinginan ako nung mga lalaki na nakakasalubong namin. Ang ganda ko pala talaga! *hair flip*

Inakbayan ako bigla ni epal.

"Anong ginagawa mo? Lumayo ka nga sa'kin!"

Hindi niya ko pinansin. Siniko ko siya. Wala pa rin. Pero okay lang yung abs niya naramdaman ko naman!

~*~

Pagkatapos namin kumain, inaya ko silang mag-ikot ikot muna. Sapilitan ko silang inaya sa forever 21.

"Pia kailangan mo ba talaga ng kasama dito? Kasi ano eh"

"Kasi ano?" Pinanlakihan ko ng mata si Kuya.

"Wala" he smiled.

Sinusundan lang nila ako habang nag-iikot ako.

"Dito lang kayo ha! Itatry ko lang to, kailangan ko yung opinion niyo"

Buti nalang hindi ganun kahaba yung pila kaya nakapasok agad ako ng fitting room.

Una kong itinry yung floral na dress.

"Okay lang ba? Tingin niyo?"

Tumango lang sila. Mga walang kwenta!

Bumalik ulit ako sa fitting room para i-try yung blue na crop top tsaka jeans.

"Ito?"

"Okay lang naman" sagot ni Damien. Si Kuya nag-thumbs up lang. Punyemas naman oh!

Tinry ko naman yung red na dress na medyo open yung sa likod. Sana naman this time sumagot na sila ng matino diba?

"How about this one?" Napatayo silang dalawa. Lumapit si Kuya sa'kin saka ipinatong ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Bagay sayo bunso ang ganda mo lalo!" Napa-ngiti ako sa sinabi ni Kuya. Pero agad naman nawala yung ngiti ko dahil sa sinabi ni Damien.

"Wag kang maniwala sa Kuya mo, ang pangit kaya! Di bagay sayo kasi medyo flat you know" nag-gesture pa siya. Tinignan ko siya ng masama bago ako bumalik sa fitting room.

~*~

Nakarating kami sa bahay ng 7:30. Hindi ko pinapansin sila Kuya kasi nabadtrip ako. Hindi ko na binili yung dress sa f21 kasi di daw bagay sa'kin.

"Babe sorry na please?"

Pagkatapos niyang sirain yung mood ko at ibaba yung self-esteem ko sorry? Utot niya!

"Babe naman eh! Bagay naman talaga sayo yun eh"

"So ngayon babawiin mo yung mga sinabi mo kanina? Manigas ka!"

Pagkatapos akong sabihan ng flat chested? Punyeta siya may dibdib naman ako kahit papaano 'no!

"Sinabi ko lang naman yun kasi ayaw na ayaw kong may lumapit na ibang lalaki sayo. Maganda ka na eh, pag sinuot mo yun lalo ka pang gaganda edi may kaagaw na ko sa babe ko diba"

Puro bola. Ang sakit sa tenga.

"Hindi naman talaga flat eh! Joke lang yun babe! Gusto ko kasi ako lang ang makakita sayo ng suot mo yung dress na yun 'no!"

"Naririndi na ko sa explanation mo kaya umuwi ka na. Gabi na oh! Pagod na rin kami ni kuya kaya matutulog na kami"

"No hindi ako uuwi hangga't di mo tinatanggap yung sorry ko" pagmamatigas niya.

Tumayo na ko then dumiretso sa kwarto ko. Bago ako pumasok sumigaw ako

"Wag mo kalimutan i-lock yung pinto pag umalis ka ha! Good night" then I slammed the door.

---------------

A/N : Thank you for reading!

Mag-update agad ako pag nakakuha ako ng votes hahaha :)

Bitch Is My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon