Chapter 13

78 2 0
                                    

Damien's POV

The day before magpunta si Adam sa subic, nag-usap kami. Sabi niya ako na daw bahala kay Pia. Nasabi niya rin sa'kin na every Wednesdays nagpupunta si pia sa sementeryo kaya umaga pa lang nagpunta na ko sa bahay nila pero hindi ako nagpakita kay Pia.

~*~

2:40 ako nakarating sa sementeryo. Nakita ko si Pia naka-upo at umiiyak. Ayaw na ayaw kong nakakakita ng babaeng umiiyak. Naisip ko kasi na sa kabila ng mga paghihirap na haharapin nila, they deserve to be happy.

Pia looked so weak. Si Pia yung tipo ng babae na ipapakita sa ibang tao na masaya siya at matapang kahit hindi. Bilib rin ako sa kanya eh! That's why I like- ano? Anong like? Yung sa Facebook? Like ng status ganun?

"Panyo oh, di bagay sayo pag umiiyak ka" nilahad ko yung kamay ko para ibigay yung panyo sa kanya.

"No thanks, may panyo akong sarili" tanggi niya. Hindi pa rin siguro niya ako nakikilala.

Lumuhod ako sa harap niya then pinunasan ang luha niya.

"Ang ganda ganda mo tapos umiiyak ka"

"P-pano mo nalaman na nandito ako?"

"Tinanong ko sa Kuya mo" I lied.

"Tumayo ka na dyan may pupuntahan tayo"

Bago ako makarating sa sementeryo, may nadaanan akong ice cream parlor.

Tuwing may problema ako, kakain lang ako ng ice cream makakalimutan ko na yung problema ko. Medyo weird 'no?

Kaya naisipan kong dadalhin ko nalang siya doon baka sakaling makalimot din siya.

Hinatak ko yung kamay niya. Ang bagal kasi maglakad eh! Pero hindi naman mahigpit ang pagkakahawak ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ko!" reklamo niya.

I keep walking. Napansin kong pilit niyang inaalis yung kamay niya sa grip ko kaya inakbayan ko siya.

"Manyak! Bitawan mo ko!" Manyak agad?!

Kanina kitang-kita ng naked eyes ko kung gano siya kahina nung umiiyak siya tapos ngayon kala mo kung sinong matapang eh -_-

"Wag ka ngang malikot! Kanina ka pa tinitignan nung mga lalaki doon, nagseselos ako" kusang lumabas yan sa bibig ko. Promise! Nagulat kami pareho sa sinabi ko.

"Ba't nagbablush ka? May gusto ka sa'kin 'no?" biro ko.

"Mas mapula ka pa sa kamatis eh! Hahahaha nagjojoke lang ako wag kang assuming"

Naglakad siya papalayo sa'kin.

Natawa nalang ako. Hindi ko alam kung bakit pero tuwang-tuwa ako pag-naaasar ko si Pia. Natutuwa ako pag nakikita ko siyang bwiset na bwiset sa'kin. I find her- never mind.

~*~

"Anong gusto mo?"

"Layuan mo ako." I pursed my lips.

3 words na nakapagpawala ng mga ngiti ko.

Hindi ko alam kung bakit pilit akong pinagtutulakan ni Pia palayo. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya diba?

Pero kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para lang mapalapit sa kanya at tumigil na siya sa pagtulak sa akin palabas sa buhay niya.

"Joke! Cookies n' cream na flavor" she smiled. I just gave her a half-smile. I admit! Medyo nasaktan ako sa sinabi niya.

"Ito na yung ice cream mo"

"Thank you" ngumiti ulit siya.

I really like it when I see her smile. Lalo na pag ang dahilan ng mga ngiti niya ay ako. Lahat ng 'to ginagawa ko para lang mapangiti siya. Pag nakikita ko kasi siyang nakangiti, parang nanalo na ko sa lotto. Ang saya saya sa pakiramdam pag napapangiti ko siya, alam ko kasi na hindi lahat ng tao napapangiti siya.

Habang kumakain kami ng ice cream, hindi ko mapigilang tumingin kay Pia. Hindi ko alam kung bakit.

Kinuha ko yung phone ko then pinicturan siya.

Shit!

Nakalimutan kong i-off yung flash -_-

Napatawa nalang ako.

"Ang cute mo oh para kang batang yagit kung kumain ng ice cream"

~*~

Hindi muna ko umuwi pagkabalik namin sa bahay nila Pia. Naisip ko kasi na baka kailangan ni Pia ng kaibigan na makakausap or makakasama, ayaw kong isipin niya na nag-iisa lang siya. Gusto kong maramdaman niyang nandito lang ako lagi para sakanya.

"Umuwi ka na" tinulak niya ako papunta sa pintuan.

"Ayoko" pagmamatigas ko. She crossed her arms at pinagtaasan ako ng kilay.

"Sabi ng Kuya mo dito muna daw ako habang wala pa siya" I lied. Again. Hindi naman talaga sinabi ni Adam yun. Gusto ko lang talagang makasama si Pia. Oo, buong maghapon ko na siyang kasama pero parang kulang pa rin yun eh!

Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko pag nakikita ko si Pia. Pag kasama ko siya, parang kumpleto ang buhay ko. Pag kasama ko siya parang okay ang lahat.

Bago ako makalabas ng bahay nila, doon ko na-realize na I do like Sophia.

But I can't.

Bitch Is My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon