Chapter 16

79 1 0
                                        

Sophia's POV

Hapon na nang nagkita-kita kami nila Trina sa bahay nila. Hindi naman kami ganun karami, wala pa ata sa 20 persons. Medyo madilim na nang makarating kami sa camp site. I'm telling you gubat na gubat yung pinuntahan namin, sobrang creepy ng lugar.

Hindi sumama si Kuya sa'min kasi makikipagkita pa raw siya kay Sheena. Nag-away pa kami ng kapatid ko bago tuluyang umalis. Kaya lang naman ako sumama sa camping na 'to kasi ang akala ko kasama siya.

Kaya ito ako ngayon, bored na bored.

Habang ina-assemble ko yung tent ko, sila Trina hayahay na. Nakaka-bobo kasi yung tent na pinadala ni Kuya sa'kin. Iba pa yung tent ni Trina at Ethan- magkasama sila sa isang tent.

"Sophia! Di ka sasama sa amin?" tanong ni Ethan. Napansin kong lahat sila may hawak na flash light. Saan naman kaya sila pupunta? Lahat sila mga naka-jacket at pajama na samatalang ako naka-jeans pa rin.

"Maghahanap kami ng mga kahoy na sisindihan natin mamaya" dagdag ni Trina habang inaayos yung pullover na suot niya.

"Sige kayo nalang" sagot ko. Magpapagod ako para lang maghanap ng kahoy? No way! Madami naman sila eh kaya na nila yun!

It took me 15 mins para matapos ang pag-aassemble sa tent na pagtutulugan ko. Pagkatapos kong iayos yung mga gamit ko, naghanap-hanap muna ko ng lugar kung saan may masasagap akong signal. Hindi ko keri ng hindi nakakapag-internet 'no. Kakahanap sa punyetang signal na yan, puro kagat na ko ng lamok kaya bumalik nalang ako sa tent ko para hintayin sila.

Pagkabalik nila, inapoyan na nila yung mga kahoy na naipon nila.

Lahat sila nagkakatuwaan, nagkukwentuhan. Ako walang makausap. Si Damien kasama din nila. Nakaka-O.P. Hindi man lang ako inaya nila Ethan na sumali sa kanila.

Isinalpak ko nalang yung earphones ko sa tenga ko para di ko na marinig yung kasiyahan nila. Napaka-loner ko huhubels.

Gabing-gabi na nang lumabas ako sa tent ko. Lahat sila tulog na kaya naisipan kong magpahangin muna at kumain.

Habang naglalaro ako ng 'Mmm Fingers' sa phone ko may naramdaman akong kumalabit sa akin. Lumingon ako sa likod ko pero wala naman tao. Sa magkabilang gilid ko wala din kaya hindi ko nalang pinansin at ipinagpatuloy ang paglalaro.

408... 415...."Ay pusang kabayo!" Muntikan ko nang mabitawan yung cellphone ko sa sobrang pagkagulat na naging dahilan ng pagka-dead ko. Ughh! Sayang!

"Ang epal mo! Malapit ko na nga ma-beat yung high score asdzfhgakjhakbiug" nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bibig ko. "Shhhh! Wag ka maingay magigising sila!" saka niya inalis ang mga kamay niya.

"Eh kung hindi mo ako ginulat edi sana na-beat ko na ying score ko!" irita kong sabi. Tinawanan niya lang ako kaya napakunot ang noo ko. Inagaw niya yung phone ko.

"Sus! 450 lang naman pala! Kala ko naman one thousand plus kung makapag-react eh 'no? Ako nga one thousand one hundred twety highest score ko dito eh" pagmamayabang niya. Napairap nalang ako sa kanya. Pasalamat siya hindi ako yung tipo ng babae na mahilig manira ng ego ng mga lalaki.

Habang tinitignan ko ang mga bituin sa langit nagsalita siya.

"Hindi ka pa inaantok?" tanong niya. Hindi ko siya pinansin. Siniko niya ako saka nginitian.

"Di ka makatulog 'no?" Tumango lang ako."Kakantahan nalang kita" rinig kong sabi niya habang tinatanggal sa gitara yung sa case nito na hindi ko napansin na bitbit niya.

Today I feel like running naked
through your street
To get your attention
Whoa-oh-oh

I broke up with my girl
so tell me where to meet
Oh, did I mention
Whoa-oh-oh

Bitch Is My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon