Sophia's POV
4th day. Last day. Huling araw na namin dito sa resort. Excited na akong umuwi. Yung paa ko medyo okay na, pero inaalalayan pa rin ako ni Kuya at Ethan.
"Sabi ni Trina mamayang 12 daw uuwi na tayo"
Seryoso? Tanghaling tapat babiyahe kami? Kamusta naman yun?
"Bakit 12?" tanong ko kay Kuya. Napatingin siya sa akin.
"Kailangan daw kasing makauwi agad ni Trina, emergency daw eh" paliwanag niya.
Hanggang ngayon na-cucurious pa din ako sa emergency na yun. Pero nagpapasalamat ako sa kung ano man na emergency yun, kasi walang Damien na nang-aasar sa akin.
*riiing* *riiiiing*
Kinuha ko yung phone ko sa lamesa. Sino kaya 'tong tumatawag? Number lang eh.
"Hello?"
"Pia! It's me"
"Sino 'to?"
"Iñigo"
"Anong kailangan mo?"
"Wala. Gusto lang kita makausap"
"Pwede bang tigilan mo na ko?"
"Kala ko ba friends na ulit?"
"Nagbago na isip ko"
"Talagang pinaninindigan mo na yang pagiging bitch mo ha" biro niya.
"Mas gusto ko yung hindi tayo nagpapansinan, kaya please lang"
"Pero pia-"
"Allergic ako sa malalandi, bye"
Call Ended.
Panira ng mood. Badtrip! Porket wala na siyang malandi babalik siya sa akin? Ang kapal ng mukha niya.
Pagkatapos namin kumain, ni-ready na ni Kuya ang mga gamit namin.
Nagpasalamat kami sa mommy at daddy ni Trina bago tuluyang umalis. Sabi nung mommy niya balik daw ulit kami pag may time, lalo akong natuwa nung sinabi niya na libre daw.
5:30 ng hapon nakarating na kami sa bahay. Natagalan kami dahil lang sa pagbili ng mga pasalubong.
"hotdooooog! I miss you" niyakap ko si hotdog at hinalikan. Ibang iba talaga pag may sarili kang alaga.
"Kuya Dale pinapakain mo ba ng mabuti si hotdog?" nag-aalalang tanong ko. Minsan kasi kung anong available na pagkain ang makita ni Kuya yun ang ibinibigay niya kaya madalas nagkakasakit si hotdog pag siya ang nag-aalaga.
"Oo naman" proud na sagot ni Kuya.
"Bunso pupunta nga pala sila Chelsea dito bukas, magstay daw sila for two to three weeks, okay lang ba sayo?"
Si Chelsea, siya yung asawa ni Kuya Dale. Sobrang bait niya at maalaga. Buti nalang magaling pumili si Kuya Dale hindi kagaya ni Kuya Adam na walang taste.
"Sige, sa condo nalang muna ako mag-stay para may matulugan sila, baka pag sa kwarto mo kasi natulog kinabukasan may bagong anak ka na naman" biro ko. Tinapik ko ang balikat niya bago dumiretso sa kwarto ko,
Habang inaayos ko yung mga damit ko, tinawag ako ni Kuya Adam.
"Pia, si Trina gusto ka daw makausap" ibinigay ni Kuya yung phone niya.
"Hello?"
"Pia"
"May problema ba?" Kapag malumanay ang boses ni Trina ibig sabihin may problema, kaya kinabahan agad ako.
"Y-yung m-mommy n-ni Da-damien" nauutal na sagot niya. Mas lalo akong kinabahan nang narinig kong umiyak si Trina.
"A-anong nangyari?" Ito na ba yung emergency na pinag-uusapan nila?
"She-shes dead pia.." Napahawak ako sa bibig ko sa sobrang gulat. Lalo pang humagulgol si Trina. Shit.
"Nasan ka ngayon? Pupuntahan kita" Nagawa ko pang magpasalamat sa emergency na yun! Nakakapangsisi.
Agad agad akong pumunta kay Kuya Adam kasi siya ang nakakaalam ng bahay nila Damien.
"Kuya! Samahan mo ko kila Damien ngayon, emergency lang" natatarantang sabi ko kay Kuya. Hindi na siya nagtanong ng kung ano-ano kaya nakarating agad kami sa bahay nila.
~*~
"Anong ginagawa mo dito?" Nakatingin lang siya sa langit. Naupo ako sa kabilang swing.
"Gusto ko lang makiramay" sagot ko. Hindi na umimik si Damien. Inabutan ko siya ng panyo pero hindi niya tinanggap. Kung ano yung mga ginagawa ko sa kanya, binabalik niya sa'kin ngayon. Na-guilty tuloy ako sa mga ginawa ko.
"Ikaw na nga binibigyan ng panyo eh" bulong ko. Narinig kong tumawa ng mahina si Damien. Napangiti ako. Buti nalang madilim, hindi niya nakita.
"Mas maganda ka pala pag nakangiti eh" Nakita niya pala... Stupid.
"Anong nangyari? Kung ayaw mo ikwento okay lang" nag-aalanganin kong tanong. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"Naalala mo yung gabi na nahulog ka sa hagdan?"
"Siyempre makakalimutan ko ba yun?"
"Kausap ko si mommy ng gabing yun, tumawag siya sa'kin para sabihin na uuwi siya dito sa pilipinas.. kinabukasan pagkatapos mo mapilay, sinabi ni Trina kailangan ko daw bumalik dito sa manila kasi yung sinasakyan daw na airplane ni mommy nag-crash" pinunasan niya ang luha niya bago siya nagpatuloy. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaalala yung mga kinukwento niya.
"Naghintay ako ng report tungkol dun sa aksidente, may tumawag sa'kin at sinabi na kasama daw si mom sa mga namatay" lalong nagtuloy tuloy ang pag-bagsak ng luha ni Damien. Tumayo ako at niyakap siya. Naiintindihan ko siya kasi naranasan ko na din mawalan ng minamahal sa buhay. Nung 11 years old ako, namatay si Jasmine, yung 8 years old kong kapatid. Apat talaga kaming magkakapatid pero dahil sa aksidenteng nangyari, ako na ang itinuring na bunso nila mama.
"Alam mo, dahil sa pagkawala ni mommy.. na-realize kong dapat pala ginawa ko na lahat, ipinakita ko sa kanya kung gano siya kahalaga sa'kin, kung gano ko siya ka-mahal nung buhay pa siya.. kung pwede ko lang ibalik yung oras hindi ko na sasayangin yun.. pakiramdam ko napaka-sama kong anak.."
"Midget" Hinayaan ko nalang muna siyang asarin ako ngayon dahil may pinagdadaanan pa siya.
"Thank you" nginitian niya ako. Inalis ko ang mga braso ko sa pagkakayakap sakanya at bumalik sa swing na inuupuan ko.
"Okay na ba yang paa mo?"
"Oo"
"Ang hirap pala pag naiiwan ka ng taong mahal mo"
"Mahirap talaga" pabulong na sabi ko.
"Wag ka mag-alala hindi kita iiwan"
--------------------------------------------------------
A/N : Dumadami na yung readers ko yay! Hahaha. If you liked this chapter, feel free to vote and comment :) x
BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomanceBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...
