This chapter is dedicated to dine2003 sml
-----------------------------------
Sophia's POV6:30 pa lang ng umaga nagising na ako. Kaya naisipan kong maglinis muna ng bahay. Ako na din ang naghanda ng breakfast namin nila Kuya. Hindi sa pagmamayabang pero F.Y.I hindi lang puro hotdog at itlog ang alam kong lutuin 'no, marunong ako magluto ng iba't ibang dish. 12 years old ako nang simulan ako turuan ni mama magluto, graduate kasi ng culinary arts si mama. Sa aming tatlong magkakapatid, si Kuya Adam ang pinakamang-mang sa pagluluto, pancit canton lang ata ang alam niyang lutuin.
"Kuya may sakit ata si pia ngayon" pabulong na sinabi ni Kuya Adam. Ewan ko kung bulong lang sa kanya yun pero narinig ko eh.
Sabay sabay kaming kumain ng tahimik.
Naalala ko nung nandito pa sila mama, lagi kaming sabay sabay kumain, bawat butil ng kanin na mahuhulog sa lamesa laging may kapalit, hindi ko alam kung sino nag-imbento nung walang kwentang rule na yun. Minsan naman kung sino ang may tira na pagkain, siya ang maghuhugas. Almost 6 months na sila mama sa London, pero hindi pa daw nila alam kung kailan sila makakauwi kasi sobrang busy daw sila. Minsan nga naiisipan kong sumunod doon eh, pangarap ko din kasing makarating sa London, gusto kong makita yung Big Ben, Tower Bridge, tsaka makasakay sa London Eye.
"Kuya i-skype naman natin sila mama, huling kausap ko sa kanila last last week pa ata eh" sabi ko kay Kuya Dale. Miss na miss ko na talaga sila mudra.
"Mamayang 3 nalang ng hapon, siguradong tulog pa sila ngayon, ala una pa lang ng umaga doon eh"
Pagkatapos kong maligo, naisipan kong ilabas muna si hotdog at naglakad-lakad muna kami sa loob ng village.
Habang inaayos ko yung buhol-buhol na earphones ko, bigla kong nabitawan yung tali ni hotdog. Dali-dali akong tumakbo para mahabol siya. Napahinto ako sa pagtakbo nang biglang lumapit si Damien hawak ang aso ko.
Pati ba naman dito makikita ko siya?! Hay buhay nga naman parang life..
"Ikaw na naman" walang ganang sabi ko. Napabuntong hininga nalang ako. Pagkakuha ko sa aso ko, naglakad na ako pabalik sa bahay.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko yung mukha ni Damien naiirita ako. Makita ko lang siya sirang sira na agad yung mood ko. Hoy kung iniisip mo may gusto ako sa kanya, no nagkakamali ka, hinding hindi ako magkakagusto sa kupal na yun.
Pagkarating ko sa bahay naka-salubong ko si Kuya Adam.
"Oh san ang punta mo big brother?" tanong ko. Nakajaporms 'tong Kuya ko malamang makikipagkita 'to sa nililigawan niya.
"Susunduin ko lang si Sheena" Sabi na eh! Siguradong sigurado na kaya si Kuya doon sa mukhang bakla na yun? Lord sana hindi pa.
"Bakit at saan mo susunduin? Galing ba siya ng ibang bansa?"
"Ah hindi bunso! susunduin ko siya sa bahay nila, pupunta siya dito sa bahay ngayon" napakamot ng ulo si Kuya. Siguro na-isip niya na agad kung ano yung irereact ko.
"Nako Kuya wag mo kong binibiro ng ganyan alam mong ayaw na ayaw ko sa chararat na yun" banta ko sa kanya. Tinawanan lang ako ni Kuya at tuluyan nang lumabas ng gate.
Alam niyo kung ba't inis na inis ako dun sa nililigawan ni Kuya? Siyempre hindi. Paano kasi napaka-itim ng budhi. Ang sama-sama ng ugali. Masama na nga yung mukha niya, masama pa ugali niya, wala ng natirang maganda. Kapag kaharap niya si Kuya kala mo kung sinong anghel pero pag ako o kaya ibang tao na kaharap niya daig pa ang demonyo eh. Pineperahan lang naman niya si Kuya eh.
Pagkatapos kong magbihis, kumuha ako ng pagkain sa kusina at nanood ng movie. Pili lang yung mga genre na pinapanood ko. Ayaw ko sa Actions. Pagdating sa horror, okay naman, hindi kasi ako masyadong matatakutin.
Halos isang oras rin ang lumipas bago makabalik ng bahay si Kuya kasama yung chararat na bakla.
"Hi Pia!" bati sa'kin ni Sheena. Hindi ko feel na tawagin siyang ate kasi mas mukha pa siyang lalaki kaysa sa Kuya ko.
I just gave her a fake smile then binaling ko na ulit yung attention ko sa pinapanood ko.
Umupo si Sheena sa kabilang dulo ng sofa.
"Favorite ko yang movie na yan eh" So? Ano naman kung favorite niya yun? Like who cares? Care bears.
"Walang may paki" bulong ko. Bigla kaming nagkatinginan ni Kuya. Ang astig nga eh, parang na-magnet yung mata namin. Pinanlisikan niya ko ng mata. Alam ko naman na gusto niyang makisama ako, eh kaso ayaw ko. Hindi ako yung tipo ng babae na nakikipagplastikan. Ayaw ko ng ganun kasi alam kong wala naman akong mapapala.
Nung natapos na yung pinapanood ko, dumiretso na ko sa kwarto.
Habang naglalaro ako sa iPad, nag-ring bigla yung phone ko. Si Trina tumatawag.
"Pia!"
"Oh ba't napatawag ka?"
"Aayain ko sana kayo, gusto mo sumama next week? Sa Monday kasi yung opening ng bagong resort na pinatayo nila mommy"
"Sureness!" mabilis na sagot ko. Buti nalang nag-aya si Trina, bagot na bagot na ko dito sa bahay eh.
"Sige usap nalang tayo nila Ethan mamaya-"
"Nasabihan mo- ay bastos" kahit kailan talaga hindi ko nakausap ng maayos si Trina sa phone. Lagi nalang ako binababaan ng bruha.
Pagkalipas ng limang minuto nagtext naman si Ethan sa akin.
From : Ethan
"Naaya ka na ni Trina? :)
To : Ethan
"Oo, kakaaya niya lang sa'kin, excited na me girl!"
From : Ethan
"Me too! Pinapasabi pala ni Trina kung gusto mo daw isama si Adam, pwede naman daw ;)"
Tinignan ko yung oras sa ipad, 3 o'clock na! Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at tinawag si Kuya Adam at Kuya Dale. Thank God wala na si Sheena nung lumabas ako kung hindi baka ipakilala na agad ni Kuya yun kila mama.
Kahit isang oras lang namin nakita at nakausap sila mama masaya na ko, pinaalam ko na sa kanila yung tungkol sa resort nila Trina, ayun pinayagan nila ako as always. Pinaliguan ko muna si hotdog bago ko magpunta sa supermarket. Ako lang ang mag-isang nag-grocery ngayon. Nagpapakaloner ako eh. Echos lang! Kinuha ko lahat ng pagkain na gusto ko hanggang sa napuno yung push cart na tinutulak ko. Habang nakapila ako sa cashier pinag-iisipan ko na kung paano ko uuwi ng may bitbit na walong plastic ng puro pagkain. Malapit nga lang yung village namin pero kahit na, di keri ng braso ko ang magbuhat ng ganun karami. Sa huli nag-taxi nalang ako pauwi, no choice ako eh.
Habang ibinababa namin ni manong driver yung mga pinamili ko, may lalaking lumapit at tumulong sa pagbababa ng mga plastic bags.
"Ako na dyan" Kinuha niya yung buhat kong dalwang plastic.
"Anong ginagawa mo dito?! I don't need your help kaya umalis ka na" saka ko siya tinalikuran.
----------------------------------
A/N: Sana suportohan niyo ang story na to yun lang :*

BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomanceBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...