Sophia's POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nung na-ilibing ang mommy ni Damien. Isang linggo na rin akong nandito sa condo. Nakakalakad na rin ako ng maayos. Siyempre balik pagsusungit na ulit ako kay Damien.
Habang nagwawalis ako may kumatok sa pinto.
Sumilip ako sa peephole bago ibukas yung pinto. Pag silip ko may kamay na nakatakip kaya hindi ko nakita kung sino. Pagbukas ko ng pinto mukha ni Damien ang bumungad.
"Goodmorning pia!" bati niya sa'kin. I rolled my eyes. Agad siyang pumasok sa pinto at naupo sa sofa.
Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang paglilinis.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya. Nagtatanga-tangahan na naman siya. Gwapo nga tanga naman. Sayang.
"Naliligo" Obvious naman na naglilinis ako eh jusme!
"Tulungan nalang kita"
I'm sure gumagawa lang siya ng paraan para makapag-stay.
"Wag na" mabilis na sagot ko.
"I insist" sabi niya. Tinanggal niya yung suot niya na T-shirt tapos kinuha yung feather duster.
Seriously, maglilinis ba siya o magmomodel?
"Maglilinis ako 'no" natatawa niyang sagot. Habang nililinis niya yung mga cabinet hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. Ang ganda nung likod niya. Ang sexy niya. Feeling ko in any moment yung panty ko malalaglag na.
Pinilit kong ibaling yung atensyon ko sa iba pero yung mata ko kusang bumabalik sa katawan niya. Lord naman bakit kasi inalis niya pa yung T-shirt niya eh.
Speaking of T-shirt, ipinatong niya yung damit niya sa sofa. Siyempre hindi ko pinalampas yung pagkakataon, naniniwala kasi ako na nasa huli ang pagsisisi. Pa-simple kong kinuha yung T-shirt niya at inamoy. Shet ang bango *0*
"Ang ganda ng view 'no?" tanong niya. Nakakatulala. Nakalimutan ko na ata kung pano maglinis. Yung kamay ko kating-kati na mahawakan yung muscles niya jusko naman. Kapit lang panty, kapit lang!
Tinapik ko yung mukha ko, hindi pwede! Hindi hindi hindi!
Hinatak ko yung upuan na malapit sa shoe rack at tinungtungan ito para maabot ko yung mataas na parte ng bintana.
"Ako na dyan midget"
"Che! Kaya ko to" pagmamayabang ko.
Hinawakan niya ako sa may baywang para alalayan. Pakiramdam ko nakuryente ako nung hinawakan niya ko. Tinotorture ata ako ni Lord ngayon eh!
Nang matapos kaming maglinis, nagpahinga kami sandali at kumain.
"Midget este Pia"
"Ano?!" nakakunot noo kong itinanong.
"Bakit ang sungit mo?"
Bakit nga ba? Ano bang pakielam niya?
"Wala kang paki"
"Bakit nga?"
"Ba't ba ang kulit mo?!"
"Eh ba't ang sungit mo?"
I rolled my eyes.
Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. He's grinning. Yung nakakaloko. Don't tell me ikikiss niya ko?! No! Hindi pwede! Gusto ko yung first kiss ko sa kasal ko!
Nilayo ko yung mukha ko. Kinakabahan ako takte.
Lalo niya pang inilapit yung mukha niya sakin at yung ngiti niya abot tenga na. Siguro 3 inches away nalang yung mukha niya. Sa sobrang lapit niya nararamdaman ko na yung hininga niya. Hindi ko na mailayo yung mukha ko, na-paralyzed na ata ako. Yung tibok ng puso ko pabilis ng pabilis. Parang may mga kabayong nagkakarera.
"Bakit nga kasiiii?" pangugulit niya. Thank God. Nakahinga na ako ng maluwag.
Kahit pa sabihin natin na Gwapo si Damien, hot, mabango hindi pa rin ako papayag na siya ang first kiss ko 'no!
"Ayaw ko sayo." Nawala yung ngiti niya at umatras siya tapos nanahimik.
Hindi siya gumagalaw o kaya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa sahig na parang mas malalim pa sa philippine trench yung iniisip niya.
Medyo na-guilty ako sa sinabi ko. Masyado ata ako naging harsh sa kanya.
Pero hindi ko pwede ipakita ang soft side ko sa kanya kasi alam ko sa huli iiwan lang din ako nito kagaya ng ginawa ng iba. Bukod sa pamilya ko, sila Trina at Ethan lang ang hinayaan kong mapalapit sa akin. Kahit hindi ko sila kadugo, sila lang ang nakakakilala kung sino talaga ako.
"Pia, why do you keep pushing people away?" seryosong tanong niya. This time nakatingin siya sa mata ko. Natameme ako sa tanong niya. Bakit nga ba pia?
"Kasi.." Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko.
"Kasi ano?" tanong niya. Wala akong makitang expression sa mukha niya. Napayuko nalang ako.
Pwede bang next question? Pwede kung anong favorite color ko nalang? O kaya favorite food? Juice colored.
Nung iniangat ko yung ulo ko, nakatingin pa rin siya sa'kin na parang naghihintay ng sagot.
Actually hindi parang eh, naghihintay talaga siya ng sagot.
"Umuwi ka na, may lakad pa ko" palusot ko.
"Sige una na ko. Ingat ka"
Hindi na siya nag-hesitate at dire-diretso na siyang lumabas ng pinto pagkatapos niyang magpaalam sa'kin.

BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomanceBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...