Sophia's POV
"Bunso san mo gusto mamasyal?" tanong ni papa na nakikipagkulitan kay hotdog.
"Tagaytay nalang!" biglang sabi ni Kuya Adam. Hindi siya yung tinatanong pero siya sumagot -_-
"Then tagaytay it is" saka tumayo si Papa at pumunta sa kwarto nila ni mama.
Tinawagan ko agad sila Trina para ayain. Pero tumanggi sila kasi ngayon nalang daw ulit kami nagsama-sama nila mama kaya pass muna daw sila ni Ethan. Sila Kuya Dale naman makikipagkita nalang daw sa'min sa tagaytay. Isasama niya daw si Keegan at Megan.
"Pia hindi mo ba isasama si Damien? Para makilala na namin" sabi ni mama. Napakunot agad ang noo ko.
"Bat ba interesadong-interesado kayo kay Damien? Di ko nga po jowa yun!" inis na sabi ko.
"Gusto mo ma papuntahin ko dito ngayon?" biro ni Kuya.
~*~
Pagkadating na pagkadating namin sa Sky Ranch, si papa pumila na agad sa bilihan ng tickets. Bongga sa haba ng pila. Sobrang dami ng tao.
Pagkapasok namin sa entrance, yung tiangge agad yung napansin ni mama.
"Sige mag-iko ikot na kayo, dito nalang ako sa mga tiangge!" saka siya naglakad palayo sa amin. Hinabol agad naman ni papa si mama, baka daw kasi mawala, ang liit liit pa naman daw ng nanay ko kaya mahirap hanapin -_-
Nag-ikot ikot muna kami ni Kuya Adam habang hinihintay sila Kuya Dale.
"Kuya Zip Line tayo!" aya ko. Hinatak ko si Kuya papunta sa ticket booth. "Ang mahal naman! Five hundred balikan? Grabe naman yan" I admit mahal naman talaga. Sino ba naman magsasayang ng limang daan para lang ibitin sa ere?
"Pag kay Sheena, wala kang pakielam sa presyo, pero pag sa'kin, mas kuripot ka pa sa ilocano" inis na sabi ko. Bago pa makasagot si Kuya, naglakad na ko palayo sa kanya.
"Sana pala sinama ko si Sheena para di ako lamigin" Porket sinagot na siya, naging bukambibig na niya yung pangalan ni Sheena.
Hindi pa alam ni Trina na mag-on na si Sheena at yung kapatid ko. I'm sure as hell, magdadrama yun. Pero sabi niya naman meron na daw siyang nilalandi kaya kahit di ko na sabihin sa kanya na may girlfriend na yung Kuya ko.
"Ang landi mo talaga! Para san pa yang jacket na suot mo?" saka ko binatukan si Kuya Adam.
"Kahit naka-jacket na ko anlamig pa din eh!" saka niya hinatak yung braso ko para yakapin. "Ano ba yan Kuya! Baka isipin nila magjowa tayo" hinatak ko yung braso ko. "Ang lamig kasi" reklamo niya. Napairap nalang ako.
"Pia i-text mo nga si Kuya Dale mo tanong mo kung nasaan na sila"
"Kuya text mo daw sila Kuya Dale" saka ko siniko si Kuya Adam na busy sa paglalaro ng 'Circle' sa cellphone niya.
"Tanga Pia daw hindi Kuya!" saka niya ako binatukan. Alam ko naman na Pia yung sinabi ni papa eh!
Habang inaantay namin makabalik si mama galing cr, si Kuya at Papa enjoy sa panonood sa mime na nakapwesto malapit sa ferris wheel.
"Tita Sofie!" sabay na sigaw nung kambal. Tumakbo sila palapit sa akin at niyakap ako. "Tita gusto ko sumakay dun!" tinuro ni Keegan yung ferris wheel. "Ako din ako din!" sabi ni Megan na nagtatatalon sa tuwa.
"Sabihin niyo kay Lola dali" lumapit naman agad sila kay mama.
"Wag Lola ano ba! Mommy nga diba" iiling-iling na sabi ni mudrabels. Di niya talaga matanggap na matanda na siya eh. Feeling teenager pa rin.
Ako, si ate Chelsea at yung kambal lang ang sumakay sa Sky Eye. Si Kuya Adam kasi may fear of heights saka claustrophobic siya.
Sila mama sinulit ang pagpipicture kasi 3 weeks lang sila dito sa manila tapos balik ibang bansa na naman sila.
Pagkatapos namin mag-lunch, napunta kami sa picnic grove. Inaya kami ni Kuya Dale na pumunta sa taal volcano para makita yung crater pero sila mama tumanggi. Nalaman niya kasi na kailangan munang magbangka bago makarating sa bulkan. Baka daw tumaob yung bangka tapos malunod siya. Natatakot din siya baka daw biglang sumabog yung bulkan. Napaka-nega ng nanay ko 'no?
Kaya kaming magkakapatid nalang ang nagpunta. Experience din kasi yun.
~*~
"Ano san niyo pa balak magpunta?"
"EK" mabilis na sagot ko. Biglang nabuhayan si Kuya Adam sa sinabi ko.
"Oo nga pa! Five o'clock pa lang naman eh!" sang-ayon naman ni Kuya.
"Di ba kayo napapagod?" saka umupo si mama sa bench.
"Matanda ka na kasi ma tanggapin mo nalang" biro ni Kuya Dale. Tumayo agad si mama at kumapit sa braso ni papa.
"Matanda na daw ako pa?"
Napatingin si papa sa kanya bago nagsalita. "Kayo talaga! Wag niyo nga ginaganyan mama niyo, alam niyo naman na menopause na siya eh" biglang hinampas ni mama si papa sa balikat.
"Joke lang ma! Ito naman di mabiro" hinatak ni papa yung kamay ni mama saka niyakap.
Hindi ko alam kung matatawa ba ko sa kanila o kikiligin o Ewan. Ang tatanda na pero kung maglandian kala mo teenagers eh.
"Sa isang araw nalang tayo pumunta sa EK, pagod na kami ni mama eh"
Habang naglalakad kami pabalik sa parking lot, si Keegan at Megan kinukulit ang nanay at tatay nila.
"Mommy please?" pagmamakaawa ni Megan.
"Dali na po mommy daddy, minsan lang naman po eh" pangungulit naman ni Keegan. Gusto kasi nilang matulog sa bahay. Namimiss na daw kasi nila si hotdog.
"Payagan mo na Chels, para makapagsolo din tayo" pabulong na sabi ni Kuya. Napaka-ano talaga ng Kuya ko.
Siguro isang minuto muna ang lumipas bago sumagot si ate Chelsea.
"Fine" saka nagtatalon yung kambal sa tuwa.
Halos dalawang oras din yung biyahe medyo traffic kasi. Yung kambal sa amin na sumabay pauwi since sa bahay naman sila matutulog.
"Ma sino kaya may-ari nung sasakyan na yun? Bakit parang sa tapat ng bahay natin nakaparada?"
"Hindi! Sa kapit bahay kaya natin!" rinig kong sabi ni mama.
Hindi ko naman matanaw yung sasakyan kasi nakasandal pareho yung kambal sa akin habang natutulog.
"Bunso sasakyan ni Damien yun diba?" pabulong na sabi ni Kuya Adam.
Shit.
A/N: I'll start updating na ulit haha thank you for reading x

BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomanceBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...