Chapter 7

107 6 0
                                    

Sophia's POV

"Sophia may aaminin ako sayo" malumanay na sinabi ni Ethan. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Ano yun? Don't tell me may gusto ka sa akin?" biro ko.

"Lalaki ako" seryosong sinabi niya. Ano daw? Lalaki siya? Eh lalaki naman talaga siya eh.

"What do you mean?"

"I mean hindi talaga ako bakla" nahihiyang sagot niya.

Napadilat ako nang narinig kong may kumakatok sa pinto. Panaginip lang pala. Babangon na sana ako nang bigla akong naramadaman na braso na nakayakap sa akin. Hinawakan ko yung kamay.

Ba't parang ang laki ata?! Kailan pa naging ganito yung braso ni Trina?

Nanlaki yung mata ko nung na-realize kong hindi si Trina yung katabi ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakitang natutulog si Ethan habang nakayakap ng mahigpit sa'kin. Agad agad kong ginising si Ethan.

"Huy bakla! Ba't nandito ka? Sa sahig ka dapat diba? Hoy gising! Ew yucky hindi tayo talo!" Tinapik ko yung mukha niya ng paulit-ulit.

Unti-unting dumilat si Ethan at nakipagtitigan lang siya sa'kin.

"Bakit?" tanong niya. Hindi niya siguro napansin. Tinuro ko yung braso niya at dali-dali niyang tinanggal sa pagkakayakap sa'kin.

"Sorry" sabi niya. Awkwaaaard. Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa banyo para magtoothbrush.

Pagkatapos namin mag-breakfast kinwento ko agad kay Trina yung nangyari.

"Ikaw bakla ha! Umamin ka nga sa'min! May gusto ka ba kay pia?" biro ni Trina kay Ethan.

"Eww! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Nakakasuka" nandidiring sabi ni Ethan.

"Hoy maka-ew ka kala mo ang ganda mo?" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Ayy mga peps may kwento pala ako" umayos ako ng upo.

"Napanaginipan kita" tinuro ko si Ethan.

"Ano nangyari?" sabay na tinanong ng dalawa.

"Umamin ka daw sa'kin na lalaki ka" Tumawa bigla si Trina. Si Ethan naman nanlaki yung mata.

"Never! no! Never never never!" Natawa nalang kami ni Trina sa reaksyon ni bakla.

3 o'clock ng hapon naisipan kong magpa-tan. Siyempre gusto kong i-model yung bagong bikini ko 'no!

Ngayon nalang ulit ako nakapag-relax ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam. Yung wala kang iniisip na problema at walang nambubwiset sayo.

Speaking of nambubwiset, humarang si Damien sa view ko. Oo alam kong maganda yung katawan niyang may 6 packs pero mas maganda pa rin yung view nung wala pa siya.

"Umalis ka nga diyan!" naiinis na sigaw ko sa kanya.

"Easy lang malaglag puso mo niyan! Mas maganda pa yung katawan ko kaysa sa dagat no" pagmamayabang niya.

"Oo nga eh sana naging katawan ka na lang"

"Tignan mo na kunwari ka pa eh!" pang-aasar niya.

"Leche! Umalis ka na diyan bago pa kita masktan" pagbabanta ko sa kanya. Unti-unti siyang lumapit. Kinuha niya yung robe ko at ibinigay sa'kin.

"Isuot mo nga 'to!" Aba ayos? Pagkatapos niya mambwiset uutusan niya ko? Ibang klase din to ano? Hindi ko inabot yung robe ko. Mangawit sana siya.

"Ipatong mo na bilis"

"Para ano? Kaya nga ko nagpunta dito para magpa-tan hindi magpaputi, anong sense ng pagbibilad ko dito sa araw kung magtataklob lang ako?"

Bitch Is My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon