Sophia's POV
Pangatlong araw na namin dito sa resort. So far, nag-eenjoy naman kaming lahat. Pero mas ma-eenjoy ko kung wala siya. Kilala niyo na yun.
5am na kami nakatulog ni Damien. Gusto niya daw kasi sabay kaming matulog. Ang landi niya 'no? Nabanggit sa akin ni Damien na hindi pa daw alam nila Trina yung nangyari sa akin, pero si Kuya alam na niya. Hinanap niya daw kagabi sila Trina pero hindi niya daw nakita.
"Gusto kong magpahangin sa labas" Napatingin bigla si Damien sa akin.
"Tara" aya niya. Tumayo siya then dumiretso sa pinto.
"Tara na! Kala ko ba gusto mong lumabas?"
"Paano ako lalabas kung pilay ako? Idiot"
"Edi gumapang ka" Magsusuggest nalang siya wala pang kwenta. Kung hindi lang ako pilay baka nasapak ko na 'to!
"Ha ha nakakatawa"
"Eh ano gusto mong gawin ko?" pa-inosente niyang tanong. Nanggagalaiti na ko pramis!
"Edi tulungan mo ko" pagalit na utos ko sa kanya. Tatawa-tawa siyang lumapit sa akin.
Iniakbay ko yung braso ko sa balikat niya para hindi ako matumba. Nilagay niya yung kaliwang braso niya sa baywang ko bilang suporta.
"Mahirap din pala mag-alaga ng matanda 'no?" biro niya. I just glared at him.
Siguro umabot ng limang minuto bago kami nakalabas ng kwarto.
"Mas mabagal ka pa ata maglakad sa pagong eh" reklamo niya. Tinignan ko siya ng masama. Nagulat ako nang bigla niya akong binuhat.
"Sana pala kanina pa kita binuhat para kanina pa tayo nakarating doon"
Ibinaba niya ako ng dahan-dahan pag dating namin sa cottage.
"Oh my god sis! Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Ethan. Lumapit at naupo agad sa tabi ko si Trina.
"Hala ka! Hoy Damien anong ginawa mo sa friendship ko ha?!" Tinignan ni Trina ng masama si Damien.
"Huh? Wala 'no! Tinulungan ko pa nga si midget eh" Midget na naman. Tanggap ko naman na maliit ako ba't kailangan pang ipamukha sa'kin?!
"Hoy tigilan mo nga yang pagtawag mo ng midget sa'kin" inis na sabi ko. Nagmake face lang siya sa'kin. Lord sana po mapatawad niyo ako pag nakapatay ako ng lalaki ng wala sa oras.
*ring* *riiiing*
"Friend wait lang ha, sagutin ko lang 'to" paalam ni Trina. Tumango lang ako.
Kinwento ko kay Ethan yung nangyari kagabi, galit na galit ang bruha. Sabi niya pag nakita niya daw yung tatlong babae na yun, maaaward sa kanya.
Nanginginig si Trina pagbalik niya sa cottage hawak hawak pa rin ang phone niya.
"Damien! Kailangan mo ng bumalik sa manila! Emergency!" natatarantang sabi ni Trina. Bakit kaya? Anong meron? May binulong si Trina kay Damien at nagmadaling tumakbo palabas ng cottage si Damien. Nakaka-curious in fairness. Oo na chismosa na ko!
Bago umalis si Damien, nakita kong nag-usap silang dalawa ni Kuya Adam. Puro tango lang ginawa ni Kuya. Nakakawindang. Pagkatapos nilang mag-usap pumunta sa cottage si Kuya.
"Namiss kita bunso" niyakap ako ni Kuya tapos ginulo niya yung buhok ko.
"Kamusta ka na? Yari sa akin yung tatlong haliparot na yun pag nakita ko sila"
Ngayon ko lang naramdaman yung feeling na may nag-aalala para sayo, masaya pala. Kahit ang pangit ng ugali ko, nagagawa pa din nilang mag-alala sa'kin.
Buong maghapon puro kwentuhan at kain lang ang ginawa namin. Ang saya saya ko ngayon, pero parang may kulang.
"Pasok na tayo sa loob, sabi ni Damien wag ko daw hayaan na mahamugan ka"
Chineck ko yung oras, 6:30 na pala at pagod na rin ako. Inalalayan ako ni Kuya papunta sa kwarto. Si Trina na ang kasama ko hindi na si Ethan, ayaw ko ng maulit yung nangyari nung isang araw 'no! Tuwing naaalala ko yun kinikilabutan lagi ako.
Bago ako matulog, nakipag-skype muna ako kila mama. Kinwento ko sa kanila lahat ng nangyari. Galit na galit si papa nung nalaman niya yung tungkol sa tatlong bruha. Sabi niya kailangan ko na daw kumuha ng sarili kong body guards, pero biro lang naman yun. Hindi naman ako artista para bantayan ng mga guard.
Bukas na ang uwi namin, medyo namimiss ko na yung bahay, yung shop ko at si hotdog.
Ano na kaya nangyari kay Damien?
---------------------------------
A/N: Sa mga nagbabasa pa nito, thank you :)
![](https://img.wattpad.com/cover/29268638-288-k940693.jpg)
BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomanceBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...