Sophia's POV
Dahil sa sobrang pagod namin kahapon, 9 na ako nagising, usually kasi 7 pa lang gising na ko.
Pagkatapos ko maghilamos lumabas ako ng kwarto. Pagpunta ko sa kusina...... nakaready na yung breakfast namin. Kompleto na lahat. May sakit ba ang Kuya ko?!
"Good morning babe!" bati ni Damien habang inaayos niya yung mesa.
"Good morning Adam! Kain na kayo masarap yan ako nagluto"
Pagkaupo ko, naglapag siya ng Plato sa harap ko tapos pinagsandukan niya na rin ako ng kanin.
"Ano ba 'to hindi masarap!" tinulak ko yung plato palayo.
"Hindi masarap? Eh naubos mo nga babe" ngingiti-ngiti niyang sagot.
Masarap naman talaga, trip ko lang siyang insultohin kaso binalewala niya lang.
"Babe may ibibigay pala ko sayo!" Tumakbo siya papunta sa sala tapos pagbalik niya may hawak siyang bag ng f21.
"Sorry?" He smiled then binigay yung bag sa'kin.
"Apology accepted" napangiti nalang ako.
"Thank you babe! Ang ganda talaga ng babe ko pag nakangiti eh!" Lumapit siya sa'kin tapos niyakap ako ng mahigpit.
"Hoy hindi porket pinatawad kita may karapatan ka nang tawagin akong babe!"
He chuckled.
~*~
"Bakla! Alam mo ba ang saya saya ko ngayon?!"
"Hindi eh" pang-aasar ko.
"Leche! Anyways may nakilala akong lalaki kahapon! Sobrang gwapo niya tapos ang tangkad tapos ang ganda ng katawan! Pag ngumingiti siya natutu-"
"Kalma lang Trina! Hahaha anong pangalan?"
"Di ko muna sasabihin sayo baka agawan mo ko!"
"Gaga ka talaga hahaha kailan mo balak ipakilala sa'kin yun?"
"Kapag may boypren ka na para sigurado"
"Eh hindi-"
Call ended. Binabaan niya ko. Bruha talaga yun.
Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si Kuya at Damien nag-uusap. Napansin nilang lumabas ako kaya tumahimik sila.
"Bunso tara dito"
"Bakit?"
"Basta tara dito!"
Pagkaupo ko sa tabi ni Kuya, sinenyasan niya si Damien.
"Inaaya ko yung Kuya mo sumama sa camping bukas-"
"Si Kuya lang pala inaaya mo ba't nandito ako" patayo na ako nang bigla akong hinatak ni Kuya paupo.
"Di pa kasi ako tapos babe, aayain ka din sana namin baka gusto mong sumama" he smiled. Maka-babe kala mo kami eh -_-
Nagnod nalang ako at iniwan na sila.
~*~
Inaya nila kong sumama mag-grocery para daw sa dadalhin namin bukas sa camping.
"Bunso mag-ccr lang muna ako ha! Kunin mo na lahat ng gusto mong pagkain" naglakad na palayo sa'min si Kuya. Iniwan niya na naman ako kay Damien.
"Babe ano pang gusto mong pagkain?"
"Tama na yan baka lalo akong tumaba"
"Sus! kahit pa tumaba ka pa ng sobra ikaw pa rin ang babe ko" nginitian niya ko saka inakbayan.
"Sino nagsabing may karapatan kang akbayan ako ha!" Tinulak ko siya palayo sa'kin.
"Bakit ba gusto ko eh!" hinatak niya ulit ako tapos inakbayan.
After a few minutes bumalik na si Kuya.
"Ano okay na?" Tumango ako. Diretso na kaming pumunta sa cashier. Sobrang haba pala ng pila T_T
"Miss ikaw na umupo dito" tumayo yung lalaki tapos nilapit niya yung upuan sa'kin habang nakangiti siya.
"Hindi wag na" nginitian ko din siya. Pero yung ngiti na walang halong landi.
"Sige na kami na din naman kasunod"
Pagkaupo ko napansin kong namumula yung tenga ni Damien habang tinitignan yung lalaki.
Lumapit siya sa'kin.
"Ba't ganyan itsura mo? Para kang sasabog eh hahahaha"
Inirapan niya lang ako. Ano to parang babae nagpPMS siya? Astig!
"Kuya magccr muna ko tsaka bibili ako ng ice cream ha! Kita nalang tayo sa parking"
Nginitian lang ako ni Kuya.
Habang naglalakad ako napansin kong sinusundan ako ni Damien.
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Sama ko" matipid na sagot niya.
"Sasama ka sa'kin mag-cr? Hahahaha" Sumimangot siya tapos binatukan ako.
"Maka-batok naman 'to! Close ba tayo?!"
Hinatak niya ko palapit sa kanya.
"Ayan sobrang close na tayo" he smiled then he snaked his right arm around my waist. Napahinto ako sa paglalakad. Feeling ko na-mighty bond yung paa ko sa sahig.
"Ba't ka namumula? Ayieee kinikilig ka ba babe?" biro niya. Napaka-bipolar.
Binilisan ko yung paglalakad ko kaya naiwan siya.
~*~
"Bat ang tagal niyo?! Kanina pa kaya ko naghihintay dito!" reklamo ni Kuya Adam. Sinadya ko talagang tagalan.
"Si pia kasi eh ang tagal" Napairap nalang ako sa kanya.
After 30 mins huminto yung sasakyan sa tapat ng bahay nila Damien.
Pagkababa niya sa sasakyan nakahinga na ko ng maluwag. 'Buti naman mawawala na to sa paningin ko!' sa isip isip ko.
Pero ilang segundo lang binuksan niya yung pinto. Ano namiss niya agad ako? Hayy kay hirap nga naman talaga maging maganda.
"May nakalimutan ako" sabi niya.
"Ano?"
"Ito oh"
Bigla niya kong niyakap.
I stiffened.
Yung pintig ng puso ko sobrang bilis. Parang gusto ko nalang himatayin.
"Ingat kayo blah blah blah blah" Wala na kong naintindihan sa mga sinabi niya. Masyadong busy yung utak ko sa pagprocess nung ginawa niya.

BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomansaBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...