Sophia's POV
"Kuya bilisan mo naman!" sigaw ko habang kinakatok si Kuya sa banyo niya. Ngayon na kasi ang uwi nila mama. Kami lang ni Kuya Adam ang susundo kasi si Kuya Dale may gagawin pa daw.
"Oo lalabas na ko tangina paulit-ulit eh" rinig kong sabi niya.
"Eh kung hindi ka kasi kukupad-kupad edi sana kanina pa tayo nakaalis! Baka nandun na sila mama bilisan mo!" narinig kong naghulugan yung mga gamit sa loob ng banyo niya sa sobrang pagmamadali.
Lumipas ang tatlong minuto hindi pa rin lumalabas ng banyo si Kuya. Ano bang ginagawa nun?!
"Hoy kuya ano ba!" paulit-ulit ko siyang kinatok. Pagkabukas niya ng pinto, napaatras ako ng bongga. "Ang baho! Tanginang amoy yan!" inis kong sabi. Nananaboy yung amoy eh! Tatawa tawa lang siya habang nagsusuot ng t-shirt.
"Makapagtakip naman 'to! Bakit mabango tae mo ha?"
"Oo! Mas mabango pa tae ko sayo no!" nakapamaywang kong sabi.
"Mas mabango kaya 'to" lumapit siya sakin habang nakataas yung braso niya. Tinapat niya yung kili-kili niya sa mukha ko. Napaiwas agad ako at binatukan siya.
"Ang baboy mo! Kung alam ng girlfriend mo yung kababuyan mo nako baka di ka sinagot nung halimaw na yun!" iiling-iling kong sabi. Tinignan niya muna ko ng masama bago tumalikod saka umutot.
Nakakapeste yung kuya ko 'no? Sarap ipatapon sa bermuda triangle eh!
~*~
"Bunsoooo! I miss you!" nagmamadaling tumakbo si mama palapit sakin saka ako niyakap. Lumapit rin ako kay papa para yakapin siya.
"Grabe mama ang laki na ng prinsesa natin! Sobrang ganda pa" ginulo ni papa yung buhok ko saka ako niyakap muli. Si Kuya tinitignan lang kami.
"Panong hindi gaganda eh manang mana sakin!" pagyayabang ni mama. Siyempre hindi magpapatalo ang tatay ko. "Anong sayo? Mama wag kang feeler ha! Sakin nagmana si Pia"
"Ehem.. nandito ako" sabi ni Kuya Adam na nagkakamot ng batok.
"Ay kala ko driver namin" biro ni papa. Nakasimangot si Kuya habang kami nila papa tumatawa. "Grabe naman! Ang gwapo gwapo ni Adam magiging driver?! Kamukha ko nga yan eh!" pagtatanggol ni mama na nakapagpangiti sa kapatid ko.
"Tara na nga ma! puro kaka-cornyhan na eh, hoy manong driver tara na ho" pang-aasar ko kay Kuya. Tinignan niya ako ng masama saka sumakay ng kotse.
Diretso na kaming umuwi sa bahay. May jet lag pa kasi sila mama. Bukas na kami aalis para siguradong nakapagpahinga na sila.
"Ma alam mo ba sinagot na ni Sheena si Kuya. Di sila bagay. Mukha silang magtropa. Alam mo ba nung-"
"Teka bunso di mo ba sasagutin yan? may tumatawag oh" tinuro ni mama yung cellphone sa kamay ko. In-end call ko agad kasi si Damien yung tumatawag. Hindi ko nga binabanggit kila mama yun eh. Ayaw kong i-open yung topic na yun.
"Bakit mo binabaan si Damien ha?" tanong ni papa. Si mama nakatingin lang sa akin, si Kuya naman tumatawa habang nagdadrive.
"Anong damien? Di kaya"
"Anong hindi? Bunso nakita ko Damien nakalagay eh! Grabe ka naman sa boypren mo anak" I rolled my eyes. Napabuntong hininga nalang ako. Ba't ba kasi lahat ng sinasabi nila Kuya pinapaniwalaan nila mama?
"Ikaw pia ha! Kailan mo ba talaga ipapakilala samin yang boyfriend mo? Gusto na namin makilala yung parents niya para mai-arrange na agd ang kasal niyo. Gusto ko maraming apo ha? Siguro mga pito pwede na sakin!" nangunot ang noo ko sa sinabi ni papa.
BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomansaBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...