Damien's POV
Ako na ang naghatid kay Pia sa bahay nila. Para masiguradong safe siyang makakauwi. Yari ako sa Kuya nun pag may nangyaring masama sa kanya.
*flashback*
Bago pa makapasok ng gate si Pia, tinawag ko siya.
"Pia"
"What?" saka siya lumingon na nakakunot ang noo.
"Uhmm..I... I.."
She crossed her arms, "You what?"
"Uhm.. I..."
"Ano? Konting bilis naman"
"I.... I just want to thank you.. sige una na ko good night"
*end of flashback*
Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. But in the end, I decided not to tell her. Hindi dahil sa nahihiya ako o natotorpe ako. Hindi ko na sinabi sa kanya kasi alam kong hindi pwede. I can't like her because of that stupid shit.
~*~
"Kamusta na kayo ni Pia?"
"Okay naman" matipid kong sagot.
Bakit ba kasi kailangan maging komplikado ang lahat? Gusto kong sabihin kay Adam pero parang hindi tama.
"Sana maging okay na rin kami ni Sheena"
"Bakit? Ano nangyari?" kunot noo kong tanong.
"Eh nag-away kasi kami eh" napakamot nalang siya ng ulo.
"Hindi pa nga kayo, nag-aaway na agad? Pano nalang kaya pag kayo na"
"Oo nga eh. Minsan naiisip kong sumuko nalang, napapagod na rin kasi ako. Biruin mo dalawang taon ko na siyang nililigawan. Pero binabalewala ko nalang yung pagod ko kasi mahal ko siya eh"
"Tigilan mo na kasi siya Kuya! Pera lang habol sayo nun eh!" Napatingin kami bigla kay Pia.
"Nandyan ka pala babe" tumayo ako at niyakap siya.
"Ilang beses ko bang kailangan sabihin na tigilan mo yang pagtawag mo ng babe sa'kin?!"
~*~
Sophia's POV
"Pia naman eh! Wag mong ginagawa yun kay Damien! Ang bait bait nung tao sayo eh! Bagay kaya kayo!"
"Anong bagay?! Tigil-tigilan mo nga ko Kuya! Sabi ko sayo palayuin mo na yung kaibigan mo sa'kin diba? I don't like him" I rolled my eyes.
"No. Hindi ko gagawin yun." nakapa-maywang niyang sabi na ikinataas ng kilay ko.
"Bakit naman? Give me 5 reasons"
Naghugas ako ng kamay saka umupo sa counter.
"Una, mabait naman si Damien. Pangalawa, wala naman siyang ginagawang masama. Pangatlo, may deal kami. Pang-apat, bagay kayo. Pang-lima, wala ka ng pakielam sa panglima! Basta hindi ko siya palalayuin sayo kuha mo? Kaya puntahan mo siya dun, mag-sorry ka bilis!" I sighed in defeat. Dapat pala 1000 reasons!
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yung deal nila. Ilang beses ko nang kinulit si Kuya at Damien tungkol sa deal na yun pero hindi pa rin nila sinasabi kasi masyado daw confidential.
Nararamdaman kong tinitignan ako ni Kuya habang naglalakad ako. Ba't ba ako magsosorry? Wala naman akong ginawa eh!
Pinangunahan ako ni Kuya.
"May sasabihin daw si Pia sayo, sige iwan ko muna kayo bye" saka siya tumakbo papunta sa kwarto niya.
"Sorry." I mumbled. Kinain ko muna yung pride ko. Punyeta talaga yung Kuya ko!
"Okay lang yun" Okay lang pala eh?! Para saan pa yung sorry ko?
Bago ako tumayo nagsalita si Damien.
"Pia can I hug you?"
I froze. Hindi ko alam ang isasagot ko. Napayuko nalang siya nung hindi ako sumagot.
"Uhm.. Sige una na ako" kinuha niya yung susi ng sasakyan niya sa lamesa at dumiretso sa pinto.
Hindi pa nakakalabas ng gate si Damien nung sumilip ako sa bintana kaya tumakbo ako palabas ng bahay.
"Damien wait!" sigaw ko. Huminto naman siya sa paglalakad at lumingon sa'kin.
Tumakbo ako palapit sakanya then I hugged him. Parang kusang tumakbo ang mga paa ko papunta sa kanya. Hindi namin parehong inaasahan na magagawa kong yakapin siya.
Hinalikan niya yung noo ko bago siya tuluyang sumakay ng sasakyan.
~*~
"Good afternoon ma'am Sophia!" bati ni Marga, yung laging employee of the month. Masyado kasi siyang masipag.
Dumiretso ako sa table malapit sa bintana. Doon ang favorite spot ko. Pag nag-eemote ako, uupo lang ako doon tapos magiging okay na ako. Ang galing no? Ang ganda kasi ng view doon. Anong connect?
Nilapag ni Marga sa mesa yung dala niyang coffee at donut na ikinatuwa ko naman.
I gave her a sweet smile, "Thank you"
"Anong thank you? Ma'am akin to no break time ko kaya" hinatak niya palapit sa kanya yung cup at plato.
Kala ko pa naman sa'kin!
"Marga anong gagawin mo pag yung lalaking pinagtutulakan mo na palayo, balik pa rin ng balik"
Napahinto si Marga sa pagnguya, "Edi hahayaan ko na siya ma'am. Baka gusto lang kasi niyang makipagkaibigan"
"Ah"
Uminom muna siya bago magsalita ulit.
"Eh sino ba yun ma'am?" nakakunot ang noo niya habang nginunguya yung pagkain niya.
"Wala"
"Alam mo ma'am, walang mangyayari kung pilit mong isasara yang puso mo sa mga taong lumalapit sayo"
Alam ni Marga yung nangyari sa amin ni Iñigo. Pag kailangan ko kasi ng makakausap, lagi siya handang makinig at magbigay ng advice. Kasama at katulong ko si Marga sa pagmove on ko.
"Kung sa tingin mo po, ang pagtulak sa mga tao palayo ang solusyon, hindi ma'am. Mali po yun. Hindi natin alam baka blessing yung tao na yun diba" napaisip ako sa sinabi niya.
Umayos siya ng upo saka ipinagpatuloy ang sinasabi niya. "Alam mo ma'am, natatakot ka siguro na iwan ulit. Ganun talaga ang buhay, pero sa bawat taong umaalis sa buhay natin, may dumarating na bago. Parang mga customer lang yan ma'am, dapat tanggap lang ng tanggap, kasi pag pinaalis mo agad yung customer, hindi mo alam siya pala yung maraming oorderin. Wag mo po sayangin yung chance na maka-kilala ng tao na makakapagpabago o makakapagpasaya sayo."
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. I hate to admit this pero sa tuwing nakakausap ko si Marga, lagi nalang tama yung mga sinasabi niya.
"Sige po ma'am balik na ko sa trabaho" tinapik niya ko sa balikat saka naglakad palayo.
~*~
On the way home, nakasalubong ko si Matthew the Stranger. Pero hindi kami nagka-usap, tumakbo kasi agad ako palayo para maka-iwas.
Gusto ko munang mapag-isa..
---------------
A/N: Thank you for 1.1k reads!!! Alam kong hindi ganun karami yun pero bakit ba! Hahaha. Salamat sa pag-suporta :)
![](https://img.wattpad.com/cover/29268638-288-k940693.jpg)
BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
RomanceBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...