Nagkaroon na ba ng pagkakataon sa buhay mo na magkaroon ka ng gusto sa taong kapatid ng bestfriend mo? Malaki ang agwat niyo sa isa't isa.. Tila, pantelegrama at wattpad lamang ang mga gano'ng eksena..Mas iisipin mo ba ang kasabihang 'Love has no AGE' dahil sa kuya ng bestfriend mo? Hindi inaasahan ng mga taong nasa paligid mo--niyo.. Na magkakagusto kayo sa isa't isa..
Buhay nga naman ng isang tao.. Mapapaisip ka na lang.. 'Tadhana! Bakit mo ba 'to ginagawa sa'min? Hindi ka ba napapagod sa pakikipaglaro ng buhay namin?'
Gusto mong sumbatan at sigawan ang tadhana, dahil siya ang naging pakana sa lahat ng problema.. Pero, mapapanganga ka na lang, dahil wala kang magagawa..
Ang tangi mo na lang magagawa.. Tanggapin ang destinasyong ibinigay ng tadhana, blessings kung tawagin ng mga nakakatanda kung tadhana ang naghanda..
..
"H-h-hoy! Saan ka pupunta, ha? Shai?"
Napa-irap ako kay Riya na pinipigilan akong pumunta papunta sa studio.. Oo, studio. Isa akong dj ng isang radio station, and dahil nagugustuhan ng head ang talent ko sa pakikipag-usap at pakikipag-ayos sa ibang tao.. Binigyan niya ako ng sariling studio para sa sarili kong segment.. Ang galing hindi ba?
"Eh, ano nanaman ba 'yon, Riya? Busy ako..
"Busy.. Busy.. Pinapapunta ka ni Kuya sa park bukas.. I mean, sabay-sabay na daw pala tayo!"
Napa-irap ako at binatukan siya.
"Sige na. Bye na, aalis pa ako. Aga ng flight namin, babush!"
Napangiti ako at kinawayan na lang siya. Isang Flight stewardess si Riya, talaga ngang marami siyang napupuntahan. Pangarap niya kasing pumunta sa iba't ibang lugar. Halata naman, malikot siya, eh..
Pagkapasok ko sa studio, umupo ako sa tapat ng mic at pinindot ang button..
"Maganda at napakagandang umaga sa inyong lahat, ito nanaman at nanunumbalik ang dj niyong valedictorian! Sino pa ba? Edi ako! Hahahahaha! Kumain na ba kayo?? Kung hindi pa, kumain na. Dahil ang talakayin natin ngayon ay tungkol sa isang babaeng halos ayaw ng kumain. Bakit? Nagda-diet.. Bakit nga ba nagda-diet? Nagpapasexy.. Para kanino?!! Kay crush! Ayyy, alam kong iba sa inyo ay nakaka-relate dito sa ating pag-uusapan, ano? Bakit mo nga ba kailangan magpaganda doon sa mga taong hinahangaan niyo? Alam niyo kasi.. Kung gusto niyo ngang magustuhan nila kayo. Ipakita niyo kung sino kayo. Kung paano niyo ipapakita sa iba kung ano ba talagang meron sa'yo. Hayaan niyo silang maunawaan na.. Ito ka lang.. Simple kalang.. Alam niyo kasi mga kaibigan, hindi lahat ng gusto niyo ay maaring magustuhan kayo. Oo, pumayat ka nga dahil sa hindi mo pagkain.. pero, nagustuhan ka parin ba niya?? Kung oo, maaaring panandalian lamang. Madalas sa tao, gusto nila ay yung.. Tapat sa sarili, walang panggap.."ngiti kong sabi.. Masaya ako sa pagpapasaya ko sa ibang tao.. Nakakatuwa nga, eh. Dahil kahit papaano, may libangan ako..
"Mga kaibigan, kung naiinggit man kayo sa mga magkarelasyong nakakasalubong niyo, pwes. Maghintay lang kayo. Ang tadhana ang bahala sa inyo. Oo, mapaglaro ang tadhana at itinatadhana niya tayo sa taong hindi mo inaasahang itatadhana sa'yo. Yung tipong.. taong akala mo.. Kaibigan mo lang o 'di kaya'y guro mo lang, naging karelasyon mo na? Nakakatuwa hindi ba? Walang pinipiling edad ang pag-ibig at tadhana.. Maniwala kayo.. Wala ring pinipiling katungkulan at katayuan sa buhay ang pag-ibig. Estudyante ka man, o guro ka man.. Mayor ka man, o mamamayan lang.. Lahat tayo, may karapatang umibig.. We all deserve a love form a one of a kind.."
Hindi ko maiwasang mapangiti habang sinasabi ko 'yon. Kusa ng pumapasok sa isip ko ang taong mahal ko, nakakatuwa lang dahil sobra na akong nahihiwagaan ngayon..
Wala nga tayong laban sa tadhana..
Kahit pa iilang taon ang agwat niyo sa isa't isa.. Ipagtatagpo kayo't ipagtatagpo..
ALL THE CONTENT OF THIS STORY IS BASED ON THE WRITER'S IMAGINATION. EXPECT THAT THIS STORY IS FAR FROM THE REALITY WE ARE IN.
.....
PLAGIARISM is a CRIME!Disclaimer:This is a work of Fiction,Names,Characters,Business,Places,Events and Indicates are either the products of the author's imagination,or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely coincidental...
Okay? Okay..
-gazery
SUPER SUPLADA© All Rights Reserved 2021
BINABASA MO ANG
Love Has No Age
RandomShirina Ai Arevalo o mas kilala bilang Shai. Siya ang Valedictorian ng SRSPC. Ang SRSPC o Sto. Rosary Sapang Palay College. Ay isa sa mga eskwelahang kilala sa Bulacan. May elementary, high schools at College. Si Shai ay isang masunuring anak. Bakit...