Chapter 34

36 1 0
                                    

"Saan ka pupunta, Riya??" tanong ko kay Riya na nagmamake-up.. Napatingin siya sa akin sa salamin. Nakaupo ako sa kama nila na nakaharap sa salamin, hindi naman masyadong malayo sa'kin si Riya.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

Tumango ako.

"Talaga? Gusto mo talaga??"

"Oo nga.."

"Teka.. Shai, napapansin mo bang nagiging weird ang suplado kong kuya?"

"Huh?"

Tumigil siya sa paglalagay ng eyeliner at humarap sa'kin.. "Eh, kase.. These past few weeks , napapansin kong iba yung kinikilos niya, eh.. Ewan ko pero kasi palagi siyang umaalis tuwing umaga kahit pa Linggo na, nakakapagtaka, 'no?"

Lumunok ako saglit at napanguso..

Hindi pa kasi alam ni Riya na kami na ni Ley. Halos dalawang bwan na nga kaming nagsasamang dalawa, eh.. Maayos naman kami, pero hindi parin alam ni Riya at alam kong puputok ang butyi niyan kapag nalamang hindi ko pa sinasabi sakaniyang kami na ni Ley. Ni hindi niya nga alam na niligawan pala ako ni Ley, eh..

"Hindi naman kasi gano'n dati si Kuya.. Madalas niya rin akong pinapayagang magninilabas at sumama kila Nico, nakakatuwa lang kasi parang bumalik yung dating siya. Dating kuya ko na always na nakangiti.." ngiti niyang kwento, tumango-tango lang ako.. "Kung may nagugustuhan man si Kuya, thankful ako doon sa babae na 'yon dahil nagawa niyang baguhin ang kuya ko. Parang nakukuha niya ang kiliti ng kuya ko."

Napatitig ako kay Riya na tuwang-tuwa.. "So, sana mameet ko din kung sino man ang nagbibigay sakaniya ng sigla sa pang-araw-araw, kung sakali mang babae nga ang nagpapasaya sakaniya ngayon.."

Napangiti ako at pinagmasdan siyang bumalik sa pagmamake-up.. "Eh, saan ka nga pupunta??"

Napangiti siya at pabebeng hinawi ang mga hibla ng buhok niya sa likod ng tenga.. "Ehee! You know! Ehe! Kashe! Kaazar.."

Napasimangot ang mukha ko at parang pumait pa dahil wala pa nga siyang sinasabi kung saan siya pupunta o makikipagmeet ba siya sa mga ka-fling niya, eh kinikilig na kaagad. Akala mo sinisiksikan ng kiti-kiti, may patirik-tirik pa ng mata at ngisay-ngisay pa.. "Ano ka ba naman, Riya?! Kanina ka pa d'yan nangingisay. Kulang na lang maglumpasay ka d'yan sa sahig niyo—Hoy!" gulat kong sigaw nang mangisay nga siya sa sahig, napasapo ko ang noo at napatikom ang bibig..

"Eh, kashe naman ehhhhh!!"

"Manahimik ka nga! Wala ka pa ngang sinasabi kung saan ka pupunta, eh.. Kung makangisay ka d'yan. OA mo."

Napasimangot siya at bumalik sa inuupuan niya. "Kill joy ka, 'no?" asik niya at tinarayan ako. "Kinikilig pa yung tao, eh.."

"Aba, hoy! Hindi porke't mahaba ang pilik-mata mo ngayon dahil sa nilagay mong castor oil. Eh, paulit-ulitin mo akong tarayan. Sa'ting dalawa, mas attitude ako."

"Eh, pake mo?! Minsan na nga lang um-aura ng ganito ang maganda mong bestfriend, nangbabasag ka pa ng kilig! Hmp! Badtrip, 'to.."

"Eh, saan ka nga kasi pupunta?!"

Agad niyang hinawi ang bangs na talagang pinagupit niya sa salon nitong nakaraan lang, ngumiti siya at nangalumbaba.. "Makikipagkita na ako kay Verlio!"

Nanlaki ang mata ko at napapalakpak ng tuloy-tuloy. Tumayo si Riya habang sinusuklay ng malambot ang buhok niya.. Tumingin siya sa malayo at nag-imagine nanaman ng kung ano-ano.. Pero sige, pagbibigyan ko na siya ngayon. Sige lang..

"Iniisip ko palang na sasalubungin niya ako ng maiinit niyang yakap gamit ang maskulado niyang biceps at ang mabango niyang amoy.. Ang matigas niyang dibdib, at mala-koryanong mukha.. Shet!!!"

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon