Chapter 28

32 2 0
                                    

Napahawak ako sa dibdib ko habang hihingal-hingal na nakahawak sa tuhod ko, napalunok ako.

Tumatakbo ako dahil hinahabol na ako nila Jade para makasakay doon sa space shuttle.. Ni hindi ko na nga kinaya ang Viking at Tower, eh.. Ilalagay pa nila ako do'n sa space shuttle na talagang akala mo maiiwan yung kaluluwa mo sa pinakataas kapag biniglang ibaba. Wala naman akong sakit sa puso o 'di kaya'y hika pero hndi ako mahalig mag-rides. Nung bata nga ako hindi ako pinapasakay nila Mama at Papa sa rides dahil baka daw mahulog ako o ano.. Masyado na akong nasanay na hindi pinapansin ang mag rides..

Nang kumalma ang dibdib ko.. Umayos ako ng tayo at napangiti nang makita ang Enchanted kingdom, napakalaki at napakagandang pasyalan.

Tinignan ko ang cellphone ko at napangiti nang makita ang mga pictures doon. Bago kami sumakay sa ibang rides kanina, marami akong nakuhang pictures at masasabi ko talagang napakaganda..

Umupo ako sa isang bench at pinagmasdan ang mga bata na naglalaro sa tubig, nakasakay sila sa isang swan na laruan habang masayang nagbabanggaan. Ang saya nila tignan.

Nung bata ako, hindi ko naranasang ngumiti ng gan'yan dahil wala akong kaibiagn kahit isa. Pero nung dumating si Joy at Riya, sumaya na ang pagkabata ko. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman kong ligaya non habang pinapatawa nila ako. Katulad ako ni Oliver, hindi ako malapit sa ibang bata dahil ang tingin nila sa'kin.. weird.

Napabuntong-hininga ako at napatingala sa langit. Napangiti ng tipid ang labi ko.

"Joy, miss mo na ba ako?" bulong ko, kahit naman wala akong kausap.. "Ako.. Miss na miss na miss ka na,"

Napatikom ko ang bibig at napatingin sa picture naming dalawa. May picture kaming dalawa sa cellphone ko at kahit kailanman, hindi ko naisip na burahin 'yon. Kahit nung mga panahong magkaaway at sinaktan nila ako ni Trace. Si Joy, ang pinakaunang kaibigan kong nagparealize sa'kin na and'yan lang siya sa tabi ko kung kailan ko gusto at kung kailan ko siya kailangan.

"Joy.. Bigyan mo naman ako ng clue para mahanap ang anak niyo ni Trace.. Gusto kong mahanap ang anak niyo, bilang regalo sa'yo nung mga birthday mong hindi ako dumadalo.." pagmamakaawa ko pa..

Wala akong kaalam-alam sa paghahanap ng anak nilang dalawa pero pinipilit ko naman. Alam kong napakaraming bata sa mundo ang nawalan na ng mga magulang o 'di kaya'y nasa kalsada na lamang, pero, gusto kong mahanap ang anak nila bilang regalo ko sakaniya. Gusto kong hanapin ang anak niya para malaman ko kung ako ba, napatawad na niya..

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring 'yon, napatigil ako nang makitang si Sir Cath 'yon..

"Sir Cath.."

"[Hi Valedictorian. Where are you? I can't find you..]"

"Hmm, hindi ko nga rin po alam kung nasaan ako. Basta nandito po ako sa tapat ng parang swan lake, nakaupo po sa bench.."

"[Oh, right.. Wait me there, okay?]"

"Okay po.."

Pagkababa ng tawag, napabuntong-hininga ako.

Ewan ko pero. Parang pakiramdam ko, nawala lahat ng paghanga ko kay Sir Cath. Para bang nawalan ako ng gana kapag nakikita ko siya, yung hindi totally nawawalan ng gana. Ang totoo nga niyan, masaya ako dahil may kasabi ako palagi kumain. Dahil si Oliver nagiging busy sa pagsundo at hatid kay Riya, sila na ang nagsasabay dalawa. Kaya minsan, wala akong kasabay sa pagkain. Pero hindi ako komportable kapag naiisip kong nililigawan niya ako. Hindi katulad ng nararamdaman ko kapag kasama ko si Kuya Louie..

Napalaki ang mata ko nang maisip ko 'yon.

Anong sabi ko??

Napasimangot ako at napahilamos sa mukha. Bumuntong-hininga ako at umiling-iling..

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon