Chapter 02

76 5 0
                                    


"Sa'n ka pa, 'di ba? Ang hottie niya!"

Napairap ako kay Riya.. Para kasing tanga, bakit kaya siya pumipili ng mga lalaking magiging jowa niya.. Ni hindi niya nga na-meet in personal 'yon, eh.. Tapos..

"Ano ba 'yang ginagawa mo?"

Sinamaan niya ako ng tingin, "Naghahanap ng boyfie! Dzuh, obvious ba, Shai?

"'Yan gusto mo? Mukhang pang-possessive boys 'yan, eh.."

"Psh! Arte mo! Palibhasa, ikaw.. Aral! Aral! Aral! Minsan nga ay magkaroon ka rin ng crush.. Kung hindi, baka isipin kong babae ang gusto mo.. Nakakadiri kung sa'kin, 'di tayo talo.."

Inirapan ko siya.. "Ako? Magkakacrush sa'yo? Ha!" natatawa kong sabi.. "NEVER!" diin kong sabi..

Napa-iwas niya ang ulo at hinimas ang tenga niya.. "Grabe siya, oo na.."

Niyaya ko siyang pumunta sa baba.. Nandito kami sa bahay nila, as always, wala si Kuya Louie dahil nagaasikaso na siya para sa enrollment dahil alam kong maraming mage-enroll ngayong pasukan, kumpara nung nakaraan..

Naabutan namin ni Riya si Tita Mildred na nagluluto ng tanghalian nila, napalingon siya sa'min..

"Oh, kakain ka?" tanong sa'kin ni Tita Mildred.

Umiling lang ako, nahihiya kasi ako eh.. Wow, mahiyain. Shy girl, eh.

"Ako na lang, Ma.."

"Kakakain mo lang, ah? Ikaw..!"

"Si Mama naman.. Sino bang anak mo sa'ming dalawa!?"

"Ikaw."

"Oh, bakit siya lang ang in-oofer-an mo ng pagkain!?"

"Eh, kasi nga.. Inubos mo na yung laman ng ref.."

Napatawa ako ng mahina..

Tumingin kami sa pinto nang bumukas 'yon.. Napatalima agad ako nang makitang si Kuya Louie 'yon, nagkatinginan tuloy kami ni Riya kasi hindi naman namin inaasahan na uuwi siya ngayon..

Napatikom ko ang bibig nang sumulyap sa'kin si Kuya Louie at tumingin kila Tita Mildred, nagmano siya dito at dumeretso sa taas.. Napabuga ko ang hininga na para bang kusang hinugot nang tignan ako ni Kuya Louie..

"Ma.. Akala ko ba bukas pa uuwi si Kuya?" biglang tanong ni Riya..

"Hindi ko nga rin inakalang uuwi ng maaga 'yang kuya mo, eh..

Napabuntong-hininga si Riya at umakyat sa taas.. Sumunod naman ako, nakita naming nakahiga na si Kuya Louie sa kama nila..

"Kuya?"

Napalingon sa'min si Kuya Louie.. "Tapos ka na sa trabaho mo?"

"Oo. Bakit? Ayaw mo 'kong nandito?"

"Hindi.. Tinanong ko lang, ayaw na agad?"

"Akala ko lang. Bukas, mag-enroll ka na.. Para hindi ka nahuhuli.. Ha?"

"Yep.."

"Alis na."

Napataas ang nguso ni Riya at hinatak ako sa terrace nila, napatitig naman ako sakaniya..

"Sosolohin nanaman niya ang mahiwagang kama! Great!" naiirita niyang sabi, ah mali.. Irita na pala siya..

"Hayaan mo na. Malay mo, napagod sa kakatrabaho.."

"Napagod.. Bakit? Kasalanan ko bang teacher ang kinuha niyang kurso?"

"Kasalanan din ba niyang masolo niya ang kama?"

Inirapan niya 'ko na parang ang laki-laki ng kasalanan ko sakaniya.

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon