Chapter 30

33 2 0
                                    

"Shai, ano bang sagot sa ganitong equation?" tanong ni Riya habang nakatingin sa cellphone niya. Napakunot ang noo ko at tumingin sa isang papel na nasa harap niya..

"Saan?"

"Ito." turo niya sa papel.

"Eh, bakit d'yan ka nakatingin?"

Naaptingin siya sa'kin at ngumiti. "Sorry na. Kausap ko si Verlio, eh.."

"Sabihin mo, nagre-review ka. Mamaya na siya makipag-usap.."

"Ehhhh! Shai, gusto ko—"

"--wdi bahala ka. Basta kapag hindi ka nakapasa sa pinakaunang examination natin, tignan mo.."

Napanguso siya at napatingin sa papel.. "Eh, ano nga sagot dito?"

"Sa sobrang tutok mo sa cellphone. Hindi mo na alam kung paano sasagutin 'yan."

Sabay kaming napatingin sa nagsalita, si Kuya Louie na nakatingin sa laptop niya, gumagawa ng exam..

"Wala pa kayo sa final examination, bagsak ka na kaagad sa pinakauna. Dahil d'yan sa cellphone mo at kung sino man 'yang pinagkakaabalahan mo ngayon. "

Napanguso si Riya at pinatay ang cellphone niya. Napalobo ko ang bibig at bumalik sa pag-aaral ko. Hindi naman ako masyadong natagalan sa pagre-review dahil nung nakaraan pa ako nagbabasa ng mga pointer. Madali lang din naman ako makaalala ng mga pinag-aralan kay hindi ako nagpakahirap.

Bumuntong-hininga ako at niligpit na yung mga libro at papel na nilagyan ko ng reviewers. Tapos na ako.

Tumingin ako kay Riya na nakanguso parin habang binabasa ang reviewer niya. Hindi pa alam ni Riya yung tungkol sa'min ni Kuya Louie, yung nililigawan na din ako ni Kuya Louie, ewan ko. Hindi man kasi niya tinatanong sa'kin kaya hindi ko sinasabi.

Nahihiya din ako, baka asarin niya ako ng asarin, Katulad na lang ni Papa. Hindi naman sa ayaw kong asarin at tuksuhin nila ako pero kasi nakakahiya. Hindi ako sanay na may nanunukso sa'kin lalo na sa isang taong hindi ko naman inaasahang nililigawan na ako, 'di ba?

Napatingin ako sa cellphone ko nang makita ang pag-ilaw non, nakangusong tinignan ko 'yon at napataas ang dalawang kilay nang makitang si Trace 'yon.

"Oh! Napatawag ka, Trace?"

Tumayo ako at pumunta sa terrace.

"Ah. Nasaan ka?"

"Nasa bahay nila Riya, bakit?"

"N-nandito ako sa tapat ng bahay niyo.."

"Huh?!" gulat kong sabi at sumilip.

Napaliit ang mata ko nang makitang may isang lalaki na nakapamulsa habang nakatayo sa tapat ng bahay namin..

"Tingin ka dito. Kila Riya.."

"H-huh? Bakit?"

"Basta!!"

Takang tumingin sa gawi ko si Trace at nang mapunta sa'kin ang mata niya, napangiti siya at kumaway.. "Shai!"

"Sige. Baba muna ako. Punta 'ko d'yan."

"Sige."

Pagkababa ng tawag, nagpaalam ako kay Riya na uuwi muna. Ngumiti ako kila Tita at lumabas na ng bahay nila.

Tumakbo ako sa harap ni Trace at sinuntok ang balikat niya.. "Bakit nandito ka?"

"Gusto ko sanang suyuin ang mga magulang mo. Alam kong galit sila sa'king lahat dahil sa ginawa ko sa'yo noon."

Napasimangot ako at hinampas naman ang hita niya.. "Ano ka ba? Napatawad na kita. Hindi mo na dapat ginagawa 'to."

"Alam kong napatawad mo na ako, Shai. At alam ko ding may sama pa ng loob sa'kin ang Papa mo."

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon