...
"Ate Shai?"
Napalingon ako kay Shirina na nakahiga na sa kama ko. Dito siya sa kwarto namin ni Seah.. Gusto ni Seah na tabi sila pero sabi ni Shirina, sa susunod na lang daw kaya wala, eh!
"Hmm, bakit?"
"May boyfriend ka na po ba?"
Napatigil ako at napatingin saglit kay Seah na napapigil ang tawa.
Agad niyang sinarado ang computer niya at humiga sa kama niya. Ako naman inayos lang ang salamin na suot ko at tumutok sa computer ko dito sa study desk ko..
"W-wala, eh.."
"Gano'n po ba? Eh, yung lalaki po kanina.."
"Sinong lalaki?"
"Yung kasama po natin."
"Ah, si Oliver ba?"
"Opo! Hindi niyo po ba siya boyfriend..?"
Napatawa ako ng mahina at hindi sinagot ang tanong niya. Pinatay ko ang computer ko at inayos ang mga libro ko, tumabi ako sakaniya at nilagay ang specs ko sa side table..
"Shirina, kaibigan ko si Kuya Oliver mo, okay? At palagi mong tatandaan, ga-graduate muna si Ate Shai bago magboyfriend, okay?"
Tumango-tango siya.."Opo!!"
"At ikaw! Saan mo natutunan ang salitang boyfriend, ha? Siguro may boyfriend ka, 'no?"
"Wala po.." agad niyang iling..
"We?"
"Wala nga po. Isa pa po, 3 years old palang ako. Gusto ko po kayong gayahin, magbo-boyfriend pagkatapos magcollege! Hihi!"
"Sabi mo 'yan, ha? 'Wag kang gagaya kay Ate Seah na bata palang, may manliligaw na.."
"Rinig kita, ate!"
"Malamang, may tenga ka, eh!" Mataray kong sabi.. "Aray!" Daing ko nang batuhin niya 'ko ng maliit na unan na sumakto sa ulo ko..
"'Wag mo 'kong sinisiraan kay Shirina, Ate! Maduga ka!"
"Anong maduga ro'n?"
"Wala akong manliligaw!"
"Wala raw.. Neknek mo! "
"Meron akong manliligaw!?"
"Oh, bakit. Wala ba, ha? Bata-bata mo pa.."
"Wala akong manliligaw, Ate.. Isa pa.. kung meron man, hindi ko kaagad sasagutin! Kahit pa crush ko 'yan.."
"Wow, congratulations, Kapatid. Hindi ka marupok!"
Napa-ikot niya ang mata at tumalikod na sa'kin para matulog na.. Tumingin ako kay Shirina na nagsign of the cross at niyakap ako.. Napangiti namN ako. Dahan-dahan kong tinanggal ang tali ng buhok ko at nagdasal din bago matulog..
Kinabukasan.. Paggising ko mga alas-kwatro, tulog parin si Shirina. Wala narin si Seah sa kama niya kaya agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina, naabutan ko si Papa at Mama nakaupo na si Sean sa upuan niya habang naglalaro ng ml..
"Good morning po." bati ko at uminom ng tubig.. "Si Seah?"
"Bumili ng pandesal sa labas.."
"Ma?"
"Oh?"
"Nasaan po ba yung mga damit kong maliliit na?"
"Bakit?"
"Para po kay Shirina.."
"Ah! Nasa bodega pa.. Mamaya, titignan ko tapos lalabhan ko para may magamit si Shirina.."
BINABASA MO ANG
Love Has No Age
RandomShirina Ai Arevalo o mas kilala bilang Shai. Siya ang Valedictorian ng SRSPC. Ang SRSPC o Sto. Rosary Sapang Palay College. Ay isa sa mga eskwelahang kilala sa Bulacan. May elementary, high schools at College. Si Shai ay isang masunuring anak. Bakit...