Chapter 18

36 2 0
                                    

"Namatay si Joy matapos niyang ipanganak ang anak namin."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin niya 'yon.. Kusang lumabas ang luha sa mga mata ko. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at kusang bumagsak 'yon, napahawak ako sa tuhod ko nang maramdaman ang panghihina at pangangatog non..

"A-anong sinasabi mo, Trace?! Isa nanaman ba 'to sa mga palabas mo?!" si Riya..

"Hindi ako nagpapalabas lang, Riya.. Nabuntis si Joy matapos ang ilang bwan na pagsasama namin.. Umalis ako para magtrabaho at iwan muna ang pag-aaral ko para paghandaan na rin ang paglabas ng anak namin pero nang makabalik ako, wala na ang anak ko at sinabi na lang sa'kin ng doktor na namatay si Joy matapos niyang ipanganak ang anak namin!"

Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo sa damuhan..

"Hanggang ngayon, hindi ko parin nahahanap ang anak ko."

Habang sumisimoy ang hangin gano'n namang para akong nawawalan at nakukulangan sa paghinga..

Tumitig ako kay Riya na napaluha din at napatakip sa mukha niya.. Mas lumakas ang kabog sa dibdib ko at napahagulgol. Bawat luhang lumalandas sa mga mata ko ay parang nagsisilbing gripo dahil sa buhos. Maiinit ang butil at malalaki.. Pakiramdam ko nanghihina ako nang sabihin ni Trace 'yon, nagpaulit-ulit din sa tenga ko ang mga salitang binigkas niya.

Naiinis ako.

Hindi dahil sa ginawa nilang pananakit sa'kin..

Naiinis ako dahil sa sarili ko.

Paano ko nagawang magalit at magkaroon ng sama ng loob sa pinakamatalik kong kaibigan?

Paano ko nagawang kagalitan siya kung gayon wala na siya dito sa lupa..

Ang mga galit kong nararamdaman sakaniya ay mabilis pa sa kidlat na nawala dahil sa mga nalaman ko..

Tatlo kaming napuno ng hikbi't hagulgol, nanghihina ako at ang tanging binabanggit ko..

Ang pangalan ni Joy.

Ang pangalan ng babaeng pinakamatalik kong kaibigan.

Na ngayon ay wala na at nasa ibang lugar na habang pinapanood na lamang kami..

Umuwi ako sa bahay nang may namamagang mata at sisinok-sinok na lalamunan..

Dahan-dahan kong inangat ang tingin kila Mama at Papa, kasama nila si Sean at Seah na nakikipaglaro sakanila.

Hindi ko magawang ngumiti dahil nangigibot nanaman ang labi ko dahil sa pagpipigil ng luha ko, nang mapatingin sila sa'kin, dahan-dahang nawala ang mga ngiti nila nang makita ang mukha ko, napasandal ako sa pader at napaluha..

"B-bakit, 'nak? Anong nangyari? May nang-away ba sa'yo.."

Tumikhim ako at huminga ng malalim. "Ma.."

"Bakit?! Sabihin mo kung bakit ka umiiyak?!"

Huminga ako ng malalim.. "P-patay na si Joy.."

Kita ko naman kung paano napatigil si Mama, napaupo ako sa sahig at napayakap sa tuhod ko..

Nakatanggap ako nang yakap kila Mama na siyang mas ikinaiyak ko, naririnig ko na rin ang paghikbi ni Seah habang umuupo sa upuan..

Lahat sila close kay Joy dahil isa si Joy sa mga pinakamatalik kong kaibigan, bukod kay Riya, si Joy ang naging kasangga ko noon nung binubully ako, marami siyang naitulong kila Mama lalo na kila Seah at Sean pero ngayon.. Wala na yung babaeng tutulong sakanila dahil yumao na at hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin..

Tinapik-tapik ko ang dibdib at napalunok dahil hindi na ako makahinga ng maayos, hinaplos ni Mama ang ulo ko at niyakap ako lalo..

Umiling-iling ako dahil hindi ko nakinakayang isipin na napakalayo na ni Joy sa'kin.

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon