Chapter 33

36 1 0
                                    

"Shai, Shai.." napa-ungot kaagad ako nang alugin ako ni Papa..  "Gumising ka na!"

Agad kong iminulat ang mata at napapadyak dahil antok na antok pa talaga ako, magdamag akong nag-aral at alas-tres na yata ako natulog.

"Bakit ba, Pa?"

"Lumabas ka na. May bisita ka."

Napakunot ang noo ko nang tatalon-talon siyang lumabas habang ngingisi-ngisi.

Tinali ko ang taas ng buhok ko dahil iritang-irita na ako sakaniya. Palagi na lang siyang sumisingit. Katulad na ang kapag nag-aaral ako. Palaging bumababa tapos humaharang sa mata ko. Nag-aral ako nang hanggang alas-tres kasi nga advance ako, ayoko yung nala-late ako sa bawat kilos.

Pagkalabas ko, ngumiti sa'kin si Sean at Seah na kumakain lang. Napatingin ako sa sala at napatigil nang makita kung sino ang nandoon..

"Hi.." kaway niya habang nakangiti ng sobra.

Napanguso ako nang marinig ang mapanuksong hiyaw ni Mama at Papa.. Agad akong nagmumog at tumingin sa labas.

Napatingin ako kay Ley nang tumayo siya at yakapin ang katawan ko. Napapikit ako saglit nang maamoy ko ang napakabango at preko niyang amoy. Ito na 'ata ang bagong pabango na kakaadikan ko. "Good morning, baby.. How's your sleep?"

Napakurap-kurap ako at napangiti din.. "G-good morning.."

Agad niyang hinawakan ang pareho kong balikat at nakagat ang dila niya sa loob ng bibig, napabasa ko ang labi at tumitig sakaniya.. "Come on.. Let's eat."

Ngumiti ako ng tipid. Nauna siyang maupo sa upuan ko at ngumiti kila Sean na ngumiti lang din sakaniya. Tumingin ako kay Papa na lumapit sa'kin at ngiting-ngiti na pinalo ang pwetan ko, napasimangot ako..

"Pa naman.."

Napahagikgik siya at sinuklay ang buhok ko.. "Ang ganda-ganda mo naman, 'nak.."

Napa-ikot ko ang mata at mahinang siniko si Papa.. "Ewan ko sa'yo, Pa.. Ako nga, 'wag mong pinagkukulit hehe.."

"Psh! Etong bata na 'to, napaka-ano.. Pabebe ka, ha.."

"Anong pabebe ang sinasabi niyo riyan?!" gulat kong sabi.. "Niyakap lang ako nung tao, 'no. At hindi ko ugaling magpabebe.."

"Sus. Maka-tao. Akala mo hindi niya nobyo! Yayks!"

Napa-angat ang nguso ko.

Alam niyo, kung hindi ko lang talaga mahal 'tong Papa ko, matagal ko na 'tong binatukan.. Kaso, hindi naman ako bastos na anak,'no pero, nakakaasar lang si Papa.. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang asarin ako ng asarin habang nasa harap ni Kuya Louie—este.. Ley..

"Bahala ka d'yan, Pa.. Nakakainis!

"Nakakainis daw.. Sus! Nagdadalaga na ang ate ko.."

Nakapikit na bumuntong-hininga ako sa pagpipigil na pumadyak at tuluyan na umusok ang pareho butas ng ilong ko at tenga..

*Tok Tok Tok.*

Sabay kaming napalingon nang may kumatok sa pintuan namin, natural, alangang kumatok sa sahig, weird naman tignan, 'di ba.. Sinilip ko ang labas at napangiti..

"Oh, ikaw pala.. Sir Cath,"

Kumaway siya at ngumiti.. "Hi, Valedictorian!"

Lumapit ako at aabutin na sana siya para yakapin nang may humatak sa akin at hawakan ang kamay ko.. Napatingin ako doon at napangiti ng hindi pinapahalata, si Ley..

Masama ang tingin niya kay Sir Cath na napakunot ang noo niya at napatingin sa'kin, nangibit-balikat lang ako at natawa ng mahina...

"S-sir Cath.." si Seah..

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon