"Shirina, can you bring me my book beside you?" tanong ni Oliver..
Hindi ko siya pinansin at sinulyapan siya sa gilid ng mata ko. Napatigil siya at sinilip ang mukha ko. Kunwari, hindi ko siya papansinin.
Dahil sakaniya hindi ako nakapasok sa major class, huhuhu! Ngayon, nandito kami sa library.. Pinapagaawa kami ni Kuya Louie ng about sa mga kung ano-ano. Nakakalito, ha. Tapos na ang 1st and 2nd year bakit may mga research parin? Kasama ba talaga sa kurso ko ang English subject? Sa pagkakaalam ko sa mga Education course na 'yon, eh..
"Shirina.."
Hindi ko parin pinansin si Oliver at nagpatuloy sa pagsusulat ko. Tumingin ako sa harap kung nasaan si Riya na sinimangutan ako. Hindi kasi niya makuha-kuha kung anong kiliti nitong si Oliver, kaya hayan. Sinabi ko na kasing pumasok na siya sa Boyfriend For Hire app pinagpupursigi niya paring akitin si Oliver, eh anong napala niya? Pinapahiya lang siya at tinatapakan ang ego niya.. Ako lang ang nasasaktan para sakaniya.
"Shirina, do you hear me? Please bring me the book?"
Tinikom ko ang bibig dahil talagang nacu-cute-an na ako sakaniya, ewan ko ba.. Para kasi siyang batang nakahiga sa braso niya at pilit sinisilip ang mukha ko, ah basta! Manigas siya d'yan..
"Shirina? Are you ignoring me? Hey?" hawi nya sa buhok ko, hindi ko parin siya pinansin hanggang sa mapapadyak siya at napanguso..
Tumingin ako sakaniya at napabungisngis, inabot ko kaagad ang libro niya, ngayon.. Mukha siyang batang inagawan ng lollipop dahil sa haba ng pagkanguso niya.. "Why are you ignoring me?"
Natawa ako ng mahina, baka kasi marinig ako ng librarian naming masungit, masermonan pa ako.. "Ginantihan lang kita.. Akala mo, ha.."
"Bakit mo naman ako ginantihan?" suplado na niyang tanong at bumalik sa dating Oliver, napangiti ako..
"Kasi dahil sa'yo.. Hindi ako nakapasok sa dalawa kong klase.."
"You pinch my ear, look.. There are bruises.." sumbong niya sa'kin, nanlaki kaagad ang mata ko dahil doon!
"We? Patingin?" agad kong sabi. Itinagilid niya ang tenga, tinignan ko 'yon at napangiwi.. Humarap siya sa'kin at inirapan ako, nagpeace-sign ako at ngumiti ng pilit.." Sorry.."
"My skin is sensitive, Shirina.. So, you can see bruises there.."
"Sorry talaga, hindi ko naman alam, eh—"
"--Is this the right time to talk, Miss Arevalo and Mister Osario?"
Gulat na lumingon kami sa likod namin, kumalabog kaagad ang dibdib ko nang makita si Kuya Louie na nakapamulsa habang masama ang tingin.. SA'KIN! Sa'kin lang!!! Bakit nanaman??
"Sorry, Sir.." biglang seryoso ni Oliver..
Napanguso ako at ngumiti ng pilit at bumalik sa pagsusulat.. Nang maramdaman kong umalis na si Kuya Louie, sinundan ko pa siya ng tingin at napasimangot..
"How's your study, Miss Valedictorian?"
Gulat na tumingin naman ako sa kabilang gilid, si Sir Cath.. Rahan-dahan siyang umupo sa tabi ko at matiim na tinitigan ako, Nagkatinginan kami ni Oliver..
Si Oliver nangibit-balikat lang at nagpatuloy sa pagsusulat niya..
"A-ah.. Okay naman po, Sir! Bakit po.. kayo nandito?"
"I put back the books I borrowed.."
Ngumiti ako ng tipid.. "Ahh.. Wala po ba kayong klase?"
"Yes, don't you have a class?"
Sabay naman kaming napatingin sa nagsalita. Si Kuya Louie nanaman. Napangiwi ako nang ipausog niya si Oliver at umupo sa tabi ko.. Ngayon, napa-gigitnaan nila ako..
BINABASA MO ANG
Love Has No Age
RandomShirina Ai Arevalo o mas kilala bilang Shai. Siya ang Valedictorian ng SRSPC. Ang SRSPC o Sto. Rosary Sapang Palay College. Ay isa sa mga eskwelahang kilala sa Bulacan. May elementary, high schools at College. Si Shai ay isang masunuring anak. Bakit...