Naiilang na tumingin ako kay Sir Cath at Kuya Louie na nasa harap ko, parehong kumakain. Wala si Oliver at Riya. Si Oliver, hindi pumasok kasi daw may lalakadin sila ng daddy niya. Si Riya naman, todo practice na dahil sa Friday na gaganapin ang pabula nila. Kaya nga mas naiilang ako kasi ako lang mag-isa dito habang nasa harapan ng dalawang suplado na propesor. Nakamot ko ang ulo at uminom ng tubig..
Flashback
Habang nag-aayos ng gamit, napatingin ako kay Kuya Louie na tumayo at pumunta sa harap ko.
Tumaas ang dalawa kong kilay habang inaabangan siyang magsalita.. "Kakain ka na?"
"Opo. Bakit po?"
"Can I join you?"
Napatigil ako sa tanong niya.. Napatikom ko ang bibig, sabay naman kaming napalingon sa pintuan nang bumukas 'yon..
Bumungad si Sir Cath na nakapamulsa habang suot-suot ang blangko niyang mukha na papunta sa amin.. "Hi, Miss Valedictorian. Let's go."
"P-po? Saan po tayo pupunta?"
"Eat lunch."
Napataas ang isa kong kilay at napatikom ang bibig. Tumingin siya kay Kuya Louie na napaglaro ang dila sa loob ng bibig at napa-irap, nakita ko namang ngumisi ng tipid si Sir Cath at tumingin sa'kin.
"Let's go.."
Nakamot ko ang batok at ngumuso nang magpalitan sila ng matalim na tinginan ni Kuya Louie..
"What are you doing here again, Cath?"
"Didn't you heard me? I'm inviting Shirina to eat with me.."
"She won't."
"And who told you?"
"ME." diing sabi pa ni Kuya Louie "I'm the first one who invites her, now.. go away and do your freaking eat."
Napatawa si Sir Cath at alam kong aalab nanaman kaya pinatigil ko na sila at napapikit saglit.. "Okay po! Para walang away, dalawa na lang kayo ang sasamahan ako, okay???"
Nauna na akong lumabas at napahinga ng malalim, sasabog nanaman yata ako..
End of Flashback
"Woooowww! Ang swerte naman ni Arevalo! Kasabay niya sila Sir Cath!!!!"
"Oo nga, eeehhh!!"
"Anong swerte?! Sign na kamo 'yan ng panibagong bagyo at naaawa lang ako kay Arevalo.."
"Hindi siya nakakaawa kung may tatagal sakaniya sa isa sa mga 'yan, 'no.."
"Kahit na ba! Kung may tatagal man sakaniya. Nakakaawa parin bago sila magtagal, 'di ba?"
Napatikom ko ang bibig at wala sa sariling tinitigan sila Kuya Louie at Sir Cath. Habang pinapakinggan ko ang usapan ng mga estudyate sa hindi ko naman alam na kwento, paulit-ulit ko nang naririnig ang bagong away ng dalawang propesor pero ni isa do'n.. Wala akong maintindihan, kahit isa. Wala akong kaalam-alam.
Ano ba talagang nangyari noon at baka gano'n na lang ang mga sinasabi nila?
Matagal na ako dito sa SRSPC pero hindi ko kailanman narinig ang kwento kung bakit nag-away at nawatak ang pagkakaibigan ni Sir Cath at Kuya Louie, nakakahiya ako. Nakakahiyang dati pa akong nag-aaral dito pero sa mga sikat na propesor ay wala akong kaalam-alam..
"Stop staring."
Agad akong bumalik sa reyalidad nang sabay silang magsalita.. Napanguso ako nang titigan nila ako.. Talo ako sakanila. Isa lang ako, dalawa sila. Tapos ang lalamig pa ng mga titig nila, huhu!
BINABASA MO ANG
Love Has No Age
De TodoShirina Ai Arevalo o mas kilala bilang Shai. Siya ang Valedictorian ng SRSPC. Ang SRSPC o Sto. Rosary Sapang Palay College. Ay isa sa mga eskwelahang kilala sa Bulacan. May elementary, high schools at College. Si Shai ay isang masunuring anak. Bakit...