Chapter 24

31 2 0
                                    

"Saan mo naman gagamitin 'yan, Riya??"

Napairap si Riya sa'kin. Paano, nag-iimpake na siya. Eh sa susunod pa naman ang araw ng fieldtrip namin, nagdala ba naman ng pamatpat.. Saan ka ba nakakita ng estudyante'ng nagdadala ng pamatpat para sa fieldtrip??

"Wala lang! Para kapag humarot yung Jaize kay Kuya ko, hahambalusin ko siya nito.." inis niyang sabi habang kinakaway pa ang pamatpat..

Napatawa naman ako ng mahina at sumandal sa upuang inuupuan ko..

"Paano mo naman siya magagawang hambalusin niyan??? Hindi ka naman gano'n katapang para harap-harapan mong hampasin. At isa pa, si Oliver na lang ang abalahin mo... 'Di ba sabi mo, haharutin mo siya hanggang sa bumigay??"

Umiling siya at ngumuso. Isinilampak niya ang katawan sa kama at ngumiti. "Ayoko na do'n. Isa pa. Nagbago na ako, 'no!"

"Ikaw? Si Riya Rei Constantino?! Nagbago??"

Talagang nagulat ako. Hellooo! Si Riya ang pinakamaharot na babaeng nakilala ko sa balat ng lupa. Kung sino-sino ang pinapatulan niya't hinaharot, kaya nakakagulat na sasabihin niyang nagbago na siya.

Napatili siya at parang kinikilig pa.. "May isang lalaki lang naman ang nagpabago sa'kin!"

"Talaga??? Sino???" kyuryoso kong tanong..

"Ih!!!!!"

'Yon ba yung Verlio na ikinukwento niya??

Lah, parang tanga..

Para siyang uod na hindi mo maintindihan. Nangingisay siya na parang binudburan siya ng matapang na asin, akala mo nga inaatake na siya ng epilepsi, eh..

"Si Verlio!!!" tumingin siya sa'kin.. "'Di ba, sabi mo.. Magdownload na ako ng app na Boyfriend For Hire?"

"Oo. Doon mo nakilala si Verlio??"

Tumango-tango siya..

Napabuka naman ang bibig ko.

Hindi ko aakalaing seseryosohin niya yung sinabi ko noon. Alam ko seryoso ako non nung sinabi ko 'yon dahil nga gusto ko rin namang maranasan ni Riya ang magkaroon ng boyfriend na hindi niya hinarot or what. Pero, nung makilala ko si Oliver, hindi ko na sinabi pa 'yon dahil ang akala ko.. Silang dalawa ang end game..

"Alam mo ba, Shai.. Ang sweet-sweet niya sa'kin. Nasa kaniya na rin ang mga gusto ko sa lalaki.. Ang sabi nga nila, yung pinakatipo mong lalaki, hindi mo na daw 'yon matatagpuan, pero dahil sa Boyfriend For Hire na ini-suggest mo sa'kin, nahanap ko siya. Alam mo, sana nga magkita na kami sa personal eh.. Gusto ko siyang yakapin at pasalamatan dahil pinapasaya niya ako araw-araw.."

"E-eh.. Paano si Oliver??"

Sumimangot siya. "Anong gagawin ko kay Oliver, psh.."

"Hindi ba sabi mo.. Pabibigayin mo siya, eh, nasaan na?! Wala ka pala, eh!"

Pina-ikot niya ang mga mata at umiling-iling.. "Ayoko na sakaniya. Aaminin kong naapakan na yung ego ko, at hindi na tama 'yon. Siya lang ang kaisa-isang lalaking nagpahiya sa'kin, 'no. Kaya, stop na ako sakaniya! Dahil may Verlio na ako, hihihi!!!!"

Umiling-iling na lang ako at nagpaalam munang bumaba dahil nauuhaw ako. Pinatunog ko ang batok at ngumiti kila Tito Louise at Tita Mildred..

Ngumuso ako habang napapatingin sa iba pang kuya ni Riya na kumakaway lang habang busy'ng busy sa kakalaro ng COD at alam kong kalaro nila si Sean..

"Potcha! Napaka-angas naman neto ni Sean!! Pakyu ka, pre!!"

Napatawa ako ng mahina at iiling-iling na dumeretso sa kusina para kumuha ng maiinom. Close ako sa lahat ng kuya ni Riya dahil nga kalaro din nila si Sean na palaging pinag-iinitan sa galing maglaro ng mga video games.

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon