"Okay, good morning, Colleges. So, this is the time para sumakay na sa kaniya-kaniyang bus... 1st group of 3rd year colleges, bus 1 and With Sir Cath.. Please proceed now.." utos ni Miss Gonzales.. Tumingin ako kay Sir Cath, na tinapik ang ulo ko at nakangiting pumasok na sa bus 1.. "Okay, bus 2! Another group of 3rd year, with Miss Jaize.. Please proceed.."
Tumingin ako kay Riya at Oliver na nakipagbeso sa'kin at pumunta na sa bus nila.. Tumingala ako kay Kuya Louie na nakabantay lang sa'kin kahit nasa tabi ko lang siya, huminga ako ng malalim at tumingin kay Miss Gonzales..
"The bus 3, another group of 3rd year colleges with Sir Louie, Please proceed.."
Pinauna yung mga nasa harap namin, at saka hinawakan ni Kuya Louie ang likod ko..
Napatingin ako kay Miss Gonzales na nakangiti sa'kin, ngumiti lang din ako at pumasok na sa loob. Tinikom ko ang bibig at umupo na sa medyo gitnang upuan, umupo ako do'n sa tabi ng bintana at huminga ulit ng malalim.. Binuksan ni Kuya Louie yung aircon at inayos ang mga gamit ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pag-aasikaso niya sa'kin..
Tumingin ako sa kabilang gilid at ngumiti nang makita si Trace doon, kumaway siya at napatingin kay Kuya Louie na tumingin sakaniya.. Napakunot ulit ang noo ko nang makita kung paano mabilis na nawala 'yon at saka niya iniwas ang tingin..
Napasandal na ako sa sandalan ng upuan ko at sinuot yung jacket ko.. Napahigpit ang hawak ko sa arm rest ng upuan ko dahil hindi talaga ako sanay na mag-isang bumabyahe.. Yung hindi ko kasama sila Mama at Papa..
Hinahawakan kasi nila Mama yung kamay ko dahil hindi talaga ako sanay na bumabyahe, lalo na't Manila lang naman ang inaabot ko..
"Ai, are you okay?"
Tumingin ako kay Kuya Louie at pilit na ngumiti.. Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya nanaman ang kamay ko..
Napatitig ako sakaniya na huminga ng malalim at tumingin sa libro niya. Pinalobo ko ang bibig at natulog na lang..
Nagising naman ako nang maramdaman ang nakakasilaw na ilaw ng hindi ko alam kung saan ba 'yon nanggagaling, iminulat ko ang mata at napaangat ang ulo nang maramdamang may malambot na hinihigaan ang ulo ko..
Napatingin ako doon at napasinghap nang makitang si Kuya Louie pala 'yon.. Napatingin siya sa'kin kaya napa-iwas ako at pinunasan ang mukha ko gamit ang isa kong kamay, tumingin ako sa isa kong kamay na kasaklob ang kamay ni Kuya Louie.
"How's your sleep??"
"A-ayos naman po. Hindi pa po tayo nakakadating sa Manila?"
"We're here."
"E-eh, bakit hindi pa tayo bumababa, hehe?"
"Wala pa tayo sa pinakalocation natin, plus, it's traffic.. Halos iisang oras na tayong naka-stock dito.."
Napakagat ako sa labi at saka prenteng sumandal sa upuan ko.
Traffic pala sa Manila..
"Hindi ka ba sanay sa byahe?"
Tumango-tango ako. "Opo."
"I see.. "
Hindi ko alam kung paano kakausapin si Kuya Louie. Hindi kasi matahi-tahimik ang dibdib ko kakakabog, hindi rin magkumuhaw ang puso ko kakatalon na parang gusto niya ng kumawala sa kulungan niya dahil lang sa magkahawak naming mga kamay. Lumunok ako at akma nang tatanggalin ang kamay namin nang higpitan ni Kuya Louie ang kapit doon at hindi pinakawalan 'yon. Naibasa ko ang labi at kinalabit siya..
"Mmm?"
"S-sir, pwedeng b-bitaw na sa kamay ko, hehe?"
"Why would I?"
BINABASA MO ANG
Love Has No Age
RandomShirina Ai Arevalo o mas kilala bilang Shai. Siya ang Valedictorian ng SRSPC. Ang SRSPC o Sto. Rosary Sapang Palay College. Ay isa sa mga eskwelahang kilala sa Bulacan. May elementary, high schools at College. Si Shai ay isang masunuring anak. Bakit...