Chapter 13

33 2 0
                                    

"Ano nga ulit ang dapat sasabihin mo, Louie?" rinig kong tanong ni Mama.

Agad akong pumunta sa sala, nandoon parin si Oliver.. Tahimik na nakamasid kila Mama at Kuya Louie na magkatapat. Si Riya naman, pasimpleng umupo sa tabi ni Oliver para harutin nanaman. Susulitin niya na talaga dahil nakatalikod si Kuya Louie sakaniya..

Tumabi ako kay Papa na karga-karga si Shirina na nilalaro ang kamay ni Papa.. "Bakit po ba nandito si Kuya Louie, Pa?" tanong ko..

Napalingon sa'kin si Papa. "Tungkol 'ata sa kapatid mo."

Napatango ako saka umupo sa tabi ni Mama, makikikinig. Napatingin ako kay Kuya Louie na seryosong nakatingin sa Mama ko..

"Ah, Misis Arevalo.. Nagkaroon kasi ng komplikasyon sa grade ni Mister Sean.."

"Huh? Anong kumplikasyon?"

"Dahil sa mga naire-report na palaging natutulog sa klase si Mister Sean, hindi na niya nasusundan ang mga aralin niya kaya lumalabas sa scores niya sa mga activities ay.. zero,"

Napaawang ko ang labi nang sabihin ni Kuya Louie 'yon..

"Zero?!" gulat na sabi ko.." Ako ang kausapin mo, Sir. Dahil ako ang nagtuturo kay Sean.." seryoso kong sabi, bumuntong-hininga si Mama at pumalit sa pwesto ko kanina..

Matiim na tumingin sa'kin si Kuya Louie at tumikhim.. "Yes. Tama ang narinig mo, Shirina Ai. Hindi lang playboy ang kapatid mo.. Makulit at tamad din siya sa loob ng klase and it's not good for him. Nawawala siya sa focus dahil sa mga ginagawa niyang 'yon, nahuhuli ring naglalaro siya ng mga games sa phone niya while taking a class.."

Napasapo ko ang noo at napabuntong-hininga..

"Isa ako sa mga nakasaksi non. I'm his lecturer in Science subject and i can say, he's not that active in class dahil laging nakatutok ang atensyon niya sa phone.. He's now on last year on High school, and it's not healthy for him to act like this.. He's a graduating student.." tinignan ko ang nilapag ni Kuya Louie sa lamesa na hindi ko napansing nandito pala, records 'yon ng grades..

Napabasa ko ang labi at ngumiti ng tipid.. Nagpaalam ng aalis sila Oliver at Kuya Louie.. Hindi ako nagpaalam sakanila dahil talagang hinahatak na ako ng galit kay Sean.. Sinundan ko ng tingin si Oliver na kumaway at umalis na..

"'Nak!" sigaw ni Mama nang agad akong sumugod sa kwarto ni Sean..

Padarag na binuksan ko 'yon at nakita siyang nakatutok sa computer niya, naglalaro ng COD..

"Ano 'to?!" tanong ko at binagsak ang records sa mismong keyboard niya, napatigil siya at napatingin doon.. Agad kong pinatay ang computer niya at tinanggal ang headphone niya.. "Ang sabi mo.. nag-aaral ka ng mabuti?! Eh ano 'yan, Sean?!"

Napa-iwas siya ng tingin at napabuntong-hininga..

"Sean naman.. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?! Ayaw mo bang makapagtapos sa pag-aaral?!" sigaw ko. Tumayo siya at akmang aalis nang hatakin siya..

"Ate, ano ba?!" sigaw niya.. "Eh, sa ayoko ngang mag-aral ng mabuti!"

"Ayaw mong mag-aral ng mabuti?! Hindi ka si Albert Einstein para hindi mag-aral, Sean!"

Napatakla siya at napahimas sa pareho nyang tenga.. "Ate.. Pwedeng bukas na lang, pagod ako.."

"Pagod? Bakit?! Ano bang ginawa mo?! 'Di ba nga nakatapat ka lang d'yan sa computer mo't magdamag na naglalaro?!"

"Ate!"

"Ano?! Sige! Sabihin mo! Ano!" malakas kong sigaw.. "Pagod ka na? Pagod ka na sa mga sermon ko?! Bakit-- sa tingin mo. Hindi ako napapagod kakaseroman sa parang sirang plaka mong tenga?! Na palaging paulit-ulit na akala mo walang naririnig!"

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon