"Ate Shaiiiiiiiiiiii! Gumising ka naaaaaaaaa!!!"
Agad akong napapadyak nang sumigaw ang demonyo kong kapatid na si Sean.. May kasamang alog-alog pa 'yan.
"Ate Shai! Gumising ka na!"
Mabilis kong tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa'kin saka siya sinigawan. "Napakasama ng ugali mo, 'no?!" sunod non ay pinaghahampas ko siya ng unan ngunit tawa lamang ang itinutugon niya sa akin.
"PIKUNIN!" huli niyang sigaw bago kumaripas ng takbo at dumeretso ng kusina.
Sakto lang naman ang bahay namin.. May dalawang kwarto, isa sa tabi ng kainan, at 'hung isa, paderetso pa sa kabila.
Kapag pumuntang kusina, sa pinakagilid, may daanan doon.. Doon ang daanan para sa isa pang kwarto, at doon kami ni Seah natutulog..
Agad akong tumayo atsaka inayos ang panloob ko, humikab pa 'ko at umunat..
Kay saraaaaaap! Umunat!
Tumingin ako sa cellphone ko na naka-charge parin, kinuha ko 'yon at tinanggal sa charger..
Ma-chat nga ang Riya..
Shai: Oy, gising na! Ano?
Agad na nagsignal ng typing..
Riya: Kanina pa 'ko gising, ikaw ang lutangers d'yan..
Shai: Lutangers ka d'yan, kakagising ko lang..
Riya: Eh, ano? Takaw tulog..
Shai: Okay lang maging takaw tulog, kesa sa'yong, takaw kalat..
Bumungisngis ako sa mga pinagsasabi ko sakaniya, inaasar ko kasi siya.. At alam kong napipikon na..
Riya: Nyenyenye! Babye na muna, tinatawag na ako ng aking! Mahaderong Kuya!!!!!
Napailing-iling ako at dumeretso na sa kusina.. Tumingin sa'kin si Mama't Papa, tumango ako tsaka umupo sa tabi nung dalawa kong kapatid..
Si Sean, nasa grade 12 palang ngayong pasukan, pangalawa siya, panganay ako.. Yung isa naman.. Si Seah, nasa Grade 11 naman..
Sean Rios Arevalo
Seah Deborah ArevaloAko..
Shirina Ai Arevalo
"Sabay ba kayong mage-enroll ni Riya, sa sabado?" Tanong ni Mama..
"Ah.. Oum.."
"Mabuti kung gano'n, ayus-ayusin mo, Shai, ah.. Talagang.. Nako!"
Natawa ako.. "Para namang sinasabi mong hindi ako matalino, Ma.."
"Hindi naman sa gano'n, baka lang gumaya ka sa ibang kaedaran mong may kaniya-kaniyang jowa na.."
"Nako, Ma.. Kung magjo-jowa man ako, ay yung teacher.. O 'di kaya, matutulungan ako sa academics.."
"Okay lang naman ang magboyfriend-boyfriend, pero.. Syempre, i-priority mo ang pag-aaral.." singit pa ni Papa at umupo sa tabi ni Seah, si Mama naman tumabi sa'kin..
"Tama ang papa mo.. At Ikaw naman, Sean! 'Wag kang masyadong takaw sa babae! Napakababaero mo.. Hindi maganda'yan. Dadating yung araw na babawian ka ng mga 'yan!"
Ngumisi si Sean.. "Ma naman.. Ako lang 'to.. Isa pa, dapat kong i-enjoy ang pagiging highschool ko, dahil.. Kapag umabot na ako sa edad ni Ate, mahihirapan ako sa mga babae.."
Napahagalpak kami ng tawa ni Seah nang makatanggap si Sean ng batok kay Papa.. "Puro ka babae.. Mamaya niyan, may kumatok sa bahay natin at sabihing nabuntis mo.."
BINABASA MO ANG
Love Has No Age
РазноеShirina Ai Arevalo o mas kilala bilang Shai. Siya ang Valedictorian ng SRSPC. Ang SRSPC o Sto. Rosary Sapang Palay College. Ay isa sa mga eskwelahang kilala sa Bulacan. May elementary, high schools at College. Si Shai ay isang masunuring anak. Bakit...