Chapter 23

33 1 0
                                    

"Bakit po ba kayo nag-aaway ng nag-aaway ni Sir Louie?"

"Hindi ko na po kayo maintindihan. Sa twing lalapit ako sa inyong dalwa, nagsisimula kayo ng panibagong away. Wala na ba talaga kayong mapagtrip-an kundi ako? Tahimik akong lumalapit pero kayo naman 'tong gumagawa ng gulo.."

"Do you really want to know why we are fighting??"

"Opo! Sige, gusto ko pong malaman! Para hindi na ako nagtataka kung bakit ba kayo nag-aaway.."

"Hindi mo pa ba nahahalata, Shirina??"

"Ang alin?? Alin ba dapat ang dapat kong mahalata?? Alam niyo, hindi ko alam kung ano mang nangyari sa inyo noon at kung bakit nasira ang pagkakaibigan niyo pero hindi niyo na dapat ako dinadamay pa. Kung gusto niyo lang mag-away ng mag-away, sige. Pero 'wag sana dahil sa"

"--I like you."

Napakagat ako sa labi at hinayaang paglaruan ng mga daliri ko ang baba ko..

"I like you so that's why I'm fighting for you.."

"A-alam niyo, Sir.. K-kung gumagawa kayo ng p-pampapalusot, please.. 'Wag niyo na lang sabihin 'yon.. Kung nasa trip kayo, ako po, wala.."

"I'm telling you the truth, Shirina! I like you!"

"Sir Cath, alam niyo po ba yung sinasabi niyo??"

"Yes!"

"Wala ka po ba sa pagkakadroga?? Sir, tigilan niyo na ang pagbibiro dahil hindi nakakatuwa.."

Napakurap-kurap ako at bumuntong-hininga nang pumasok nanaman sa isip ko ang mga nangyari kahapon.. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Wala siyang takot na sinabi mismo sa mata ko 'yon. Hindi ko alam kung anong ire-react ng utak ko sa sinabi ni Sir Cath..

"I'm not joking, Miss Valedictorian! I like you!"

"Let me court you.."

"I'm not asking your permission to court you, Miss Valedictorian.. I'm just telling to you that I will court you.. Either you like it or not,"

Umiling-iling ako at hinawakan ang parehong pisnge para tapik-tapikin 'yon..

Hindi 'yon totoo, Shai.. Pinagti-trip-an ka lang ni Sir Cath, panaginip lang 'yon, ha---

"What are you doing??"

"WAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!!!!"tili ko nang makita si Sir Cath sa harap ko. Kumunot ang noo niya at umupo sa harap ko, napatitig ako sakaniya..

"You okay??"

Lumunok muna ako bago mapatikom ang bibig. Agad kong tinakpan ang mukha dahil baka panaginip 'to at guni-guni ko lang.. Kinurot ko ang pisnge dahilan para hawakan ni Sir Cath ang kamay ko at bumuntong-hininga..

"What are you doing?! Are you crazy?!"

Ngumuso ako at bumuntong-hininga.. "Sir Cath, ano po bang ginagawa niyo dito?"

"Uhm, I want to see you."

"Bakit niyo naman po ako gustong makita??? Isa pa, tumayo nga po kayo. Baka may makakita sa inyo."

"There's no one here, Miss Valedictorian. It's the other court."

Naibasa ko ang labi at tumingin sa mga mata niya. Nanatiling nakaupo siya sa harap ko habang hawak-hawak ang kamay ko.

"I'm serious about my feelings for you, Shirina.."

'Yan nanaman tayo, eh..

"Sir---"

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon