Napatingin ako sa daanan nang huminto ang bus. Traffic nanaman. Gan'to ba talaga ka-traffic sa Manila sa gan'tong oras? Sabagay, marami din kasing nagtatrabaho ngayon.. Pamahal na din ng pamahal ang ibang pangangailanin kaya nakakdismaya kung hindi magtatrabaho. Maraming nagtatrabaho dito sa manila dahil matataas ang sweldo. Hindi man gano'n kataas katulad ng mag isinisweldo sa ibang bansa, pero sapat na para sa mga pangangailangan. Katulad na lang ng mga pagkain..
"Saan naman kaya tayo pupunta ngayon?" bulong ko sa sarili ko. Wala akong kalam-alam kung saan ang sunod naming pupuntahan, nagsisimula na ring mag-alburoto ang t'yan ko dahil nagugutom na rin ako, napatingin na lang ako sa bag ko at binuksan ang zeeper non..
Sana naman may inilagay si papa na sandwich o kaya plain na tinapay dito, baka naman puro chichirya lang ang inilagay nila dito. Napatikom ko ang bibig nang makitang may tinapay doon, napangiti din ako at kinuha 'yon.
"You're hungry?"
Napatingin ako kay Kuya Louie at kumagat sa tiinapay, ngunguya-nguyang tumango-tango ako..
"You should tell me, Ai. I can share my foods with you."
Napanguso ako at hindi nagsalita. Napatingin siya sa tinapay ko. Napalaki kaagad ang mata ko nang kagatan niya 'yon at nginuya 'yon habang nakatingin sa'kin, napasimangot ako nang makitang napakalaki ng kinagat niya.
"Kuya—Ley pala, hehe.. " bigla kong binawi ang pagtawag sakaniya ng kuya dahil sinamaan niya na kaagad ako ng tingin, dapat pala, Ley ang itawag ko sakaniya, hehe.. "Bakit mo naman po kinagatan yung tinapay ko?"
"I'm hungry too."
"Akala ko ba may pagkain kayo??"
"Bawal na ba akong maki-share sa pagkain mo, Ai?"
Napanguso ako at kumagat na sa tinapay ko.. Hindi ko rin naman kayang makipagsagutan kay Kuya Louie dahil alam kong siya ang laging nananalo, sa dating kasi ng tingin niya sa'kin ay parang hinahalughog niya ang kaluluwa ko..
Napatingin ulit ako kay Kuya Louie nang may kuhanin siya sa bag niya, napalunok ako nang makita ang lunch box doon atsaka niya binuksan..
Napakagat ako sa labi nang makita ang Shanghai doon, inangat ko ang mga kamay at akmang kukuha ng isa nang pitikin niya ang kamay ko.. Napasimangot ako at pinitik din ang kamay niya, inirapan ko siya at akma ulit na kukuha nang kurutin niya ang pisnge ko..
"L-ley! Enge!"
"Luto 'to ni Mama.. So, don't you dare pick one."
Napanguso ako at hinintay siyang manahimik.. Agad akong kumuha ng isa at bago niya pa makuha isinubo ko na, nakalabas ang kalahati ng Shanghai sa bibig ko.. Napatawa ako nang samaan niya ako ng tingin.. Ginewang-gewang ko ang ulo, nang-aasar.
"You're not teasing me, right?"
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang paggewang ng ulo ko hanggang sa..
OMG!!!!!
Napakurap-kurap ako nang hawakan niya ang pareho kong pisnge at kinagatan yung Shanghai..
Napatulala ako sakaniya hanggang sa mailayo niya ang mukha sa'kin, nginuya-nguya niya 'yon habang nakangiti.. Nahihiyang kinain ko na yung nasa bibig ko at pinalobo ang bibig.
Tumingin ako sa Cellphone ko nang makitang umiilaw 'yon, nakangusong kinuha ko 'yon at napangiti nang makitang tinatawagan ako ni Mama..
"Ma, good morning.."
"[Good morning din, Shai. Ano? Kamusta ang fieldtrip?]"
"Hmmm, traffic po pala dito sa Manila. Ilang oras na kaming nandito sa Manila.."
BINABASA MO ANG
Love Has No Age
AléatoireShirina Ai Arevalo o mas kilala bilang Shai. Siya ang Valedictorian ng SRSPC. Ang SRSPC o Sto. Rosary Sapang Palay College. Ay isa sa mga eskwelahang kilala sa Bulacan. May elementary, high schools at College. Si Shai ay isang masunuring anak. Bakit...