...
Sapo-sapo ang noong tumitig ako kay Riya na minimake-up-an ng light ang sarili niya, yes.. Pwede magdala ng make-up ngayon ang 3rd year college dahil ngayon ang araw ng picture taking para sa ID's namin.
Tumingin ako kay Sir Cath na nahuli kong nakatitig lang sa'kin.. Tumingin din ako kay Kuya Louie na pasimpleng sumusulyap din sa akin.
"Aren't you going to put a make-up, Shirina?"
Napalingon ako sa nagsalita..
Napatigil ako nang makita kung gaano kaayos ang mukha ni Oliver ngayon! Hindi naman sa sinasabi kong hindi siya maayos nitong nagdaaang araw, ah.. Maayos naman siya palagi, pero this time, mas maayos siya..
Naka-Kimpie ang ayos ng buhok niya ngayon at bagay na bagay sakaniya 'yon.. Kasabay ng mga mapupula niyang labi ay ang pagliwanag ng napakaputi niyang kutis, ngumiti ako at umiling lang..
"Really? How about your hair? Aren't you going to hairstyle that?"
Umiling ulit ako..
Tumango siya at umupo sa tabi ko, tumingin ako kay Riya na nilagayan ng clip ang itim niyang buhok na straight na straight, hanggang balikat lang niya ang buhok niya.. Ang ganda talaga ng kaibigan ko!
Pinatunog ko ang batok at pumila na sa girls.. Sinuklay-suklay ni Riya ang straight kong buhok.. "Hindi ka man lang nag-ayos, mah friend.."
"Bakit pa ako mag-aayos? ID lang naman?"
"Kahit na ba, dapat nagliptint ka man lang or powder, 'di ba?"
Humarap ako sakaniya at tinuro ang mukha ko.."Tignan mo nga ang mukha ko, Riya? Mukha ba 'tong nagma-make-up?"
"Oo na, sige na! Palibhasa, clear skin at mapula ang labi.. hmp!"
Napatawa ako ng mahina at pinauna na siya.. napatawa ulit ako ng mahina ng pasimple niyang kinindatan si Oliver na umirap lang sakaniya..
Nang matapos siya, agad akong pumunta doon, nagulat pa ako nang ayusin nila ang buhok ko at pagmasdan ako..
"Okay, smile lang po, ah.."
Tumango-tango ako at tumingin sa camera.. matapos akong picture-an. Umupo ako sa tabi ni Riya na nanonood lang, napatikom niya ang bibig habang pigil-pigil ang ngiti.. Tumingin ako sa tinitignan niya at napailing-iling nang makitang si Oliver ang tinitignan niya.. Napatili ang ibang girls na nasa tabi namin, nakatingin din sila kay Oliver na inosenteng tumatango-tango lang habang nakafocus sa camera..
Aaminin kong nagwapuhan ako kay Oliver.. sino bang hindi?
Si Oliver yung tipo ng lalaking mala-Daniel Padilla ang kaswabe-han, hindi man siya kasing gwapo nila Sir Cath at Kuya Louie, malakas naman ang karisma niya.. Kaya ng nakapagtatakang wala siyang kaibigan, 'di ba? Mabait at totoong kaibigan si Oliver, masyado siyang maalaga pagdating sa'kin, kaya nga napakaswerte ko't naging kaibigan niya ako.. Umupo sa kabilang tabi ko si Oliver at ngumiti..
"How are the things I bought for you?"
Napangiti ako..
Flashback..
Nakangiting pinagmamasdan ko lang sila Riya at Oliver na nagbabangayan parin, kanina pa sila nag-aaway sa kotse papunta dito sa Starmall. Nakakatuwa lang dahil ang cute nilang tignan, paniguradong magkakatuluyan silang dalawa sa dulo.. Pumasok kami sa loob ng favorite puntahan ni Riya 'pagnagsho-shopping siya ng mga damit niya..
Tumabi sa akin si Oliver na magkakrus ang mga brasong pinagmasdan si Riya na pumili-pili..
BINABASA MO ANG
Love Has No Age
RandomShirina Ai Arevalo o mas kilala bilang Shai. Siya ang Valedictorian ng SRSPC. Ang SRSPC o Sto. Rosary Sapang Palay College. Ay isa sa mga eskwelahang kilala sa Bulacan. May elementary, high schools at College. Si Shai ay isang masunuring anak. Bakit...