Chapter 08

45 2 0
                                    

...

Nagising ako sa mahimbing kong tulog dahil sa pag-ring ng phone ko, nakapikit ang isang mata na sinagot ko 'yon..

"[Did I disturb you, Shirina?]"

Napabalikwas ako ng upo at sinuot ang hindi naman gano'n kataas na grading salamin ko. Sinusuot ko lang kapag bagong gising ako dahil madalas kung manlabo ang mata ko.."Oliver?"

"[Yep..]"

"Ay, sorry.. Kakagising ko lang.."

"[Did I wake you up??]"

Napatawa ako ng mahina.."Hindi naman.. Mabuti nga tumawag ka, eh. Nagising ako ng maaga.. By the way, napatawag ka?"

"[Wala. Do you want me to join with you to go.. school?]"

"Mmm, okay lang naman kaso kasabay ko kasi sila Riya, eh! Tapos yung mga kapatid ko pa.."

"[T-that's okay..]"

"Sure ka ba? Baka naman napipilitan ka?"

"[N-no, no.. It's okay for me, seriously..]"

Napangiti ako.. "Okay, hintayin ka ba namin sa tapat ng bahay?"

"[Oh! I forgot, I don't know your.. address,]"

Napangiwi ako.."Okay, sige.. i-text ko na lang sa'yo."

"[Okay.."]

Napangiti ako at dahan-dahan ng tumayo.. saglit pa akong tumitig kay Shirina na mahimbing na mahimbing parin ang tulog.. Pagkalabas ko ng kwarto, tumingin ako kila Papa at kila Sean na nakaupo na sa mga upuan, "Good morning.." bati ko kaagad.

Tumingin ako sa sala pero wala do'n si Seah..

"Si Seah ba hinahanap mo?" tanong ni Mama, tango lang ang binigay ko.. "Pinabili ko ulit ng pandesal doon kila Aling Anita,"

"Ah, sige po. Bibili lang po ako ng gatas ni Shirina.."

"Sige.."

Agad akong lumabas sa bahay at tumakbo sa tapat na tindahan.. "Pabili po.."

"Ay, Shirina.. ikaw pala, ano sa'yo?"

"Bear brand, Ate.. yung maliit lang, ha?"

"Osige, saglit lang.."

Huminga ako ng malalim at napatingin sa gilid ko nang may makitang bulto roon.

Agad akong natigilan nang makita si Kuya Louie na nakasuot ng puting sando na kita ang dalawa niyang gilid, nakasuot din sa parehong tenga niya ang itim na earphones. Bahagyang nakikinig ng music.. Napalunok ako nang maramdamang may tumatakbo sa dibdib ko..

Siya ulit?? Huhuhu! Lord. Kahapon pa, ah!

"Shai, o!" abot ni Ate Merina, ngumiti lang ako at agad na nilagay ang bayad ko sa takip at kinuha yung bear brand..

Tumingin naman ako sa kabilang gilid nang makita si Seah na hawak-hawak ang isang brown na paper bag, tumingin siya sa'kin..

"Ate! Gising ka na pala, tara.." yaya niya, tumango ako at muling sumulyap kay Kuya Louie na tumingin sa'kin kaya agad akong umiwas at dere-deretsong pumasok sa loob..

"Oh, and'yan ka na pala, Seah---bakit gan'yan 'yang mukha mo, Shai? May amazona ba?"

Ngumiti lang ako ng tipid at Umiling-iling, "W-wala, Ma.. hehehe!"

Nagsimula kaming kumain sabay-sabay, halos hindi ko na nga nabilang ang oras dahil nagmamadali na ako, natataranta rin sila Seah, nahahawa sa'kin..

Pagkatapos ko namang mag-ayos, tinali ko ang buhok ng tirintas matapos kong i-blower 'yon.. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Seah na tinaasan ako ng kilay, nilagayan niya pa ng clip ang itim niyang buhok at tumayo na.. Tumingin ako kay Shirina na tulog parin..

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon