Chapter 37

39 2 0
                                    

...

Napakalalim ng iniisip ko ngayon dahil sa nalaman ko kay Doc. Paanong nangyari na si Sean lang ang nakamatch kay Shirina? Hindi ko mapigilang mapatingin kay Sean na nakatitig lang sa pintuan ng kwarto ni Shirina, nakatulala at parang nag-iisip.. Si Trace din ay malalim ang pag-iisip..

Napabuntong-hininga ako at napatayo para hanapin ang doktor na humahawak kay Shirina, pumunta ako sa isang nurse..

"Uhm, excuse me.."

Napalingon siya sa'kin. "Good morning, Ma'am.. Bakit po?"

"Uhm, nasaan si Doctor Enrico Ji.. Yung humawak sa isang pasyente na na-hit 'n run?"

"Uh.. Nasa office po siya."

"Pwede mo ba akong samahan papunta sakaniya?"

"Yes, Ma'am. This way po."

Ngumiti lang ako at sumunod sakaniya..

Gusto ko ng malaman kung ano ba talagang nangyayari, bakit si Trace na tatay ni Shirina ay hindi tumugma sa dugo niya pero ang kapatid kong lalaki ay tugmang-tugma..

Kumatok yung nurse at pinaghintay ako sa labas, bumuntong-hininga ako at napasapo ang noo. Ilang saglit pa ang lumipas.. Bumukas na ang pintuan at yung nurse kanina ang iniluwal non. "Pasok daw po kayo, Ma'am.."

"Sige."

Malaking binuksan niya ang pintuan hanggang sa tuluyan na akong makapasok, sinulyapan ko muna siya bago tumingin kay Doc.

"Please sit down, Miss Arevalo.."

Ngumiti lang ako at umupo sa tapat niya. Ang mga kamay niya ay magkasaklob habang nakapatong sa lamesa niyang mas malinis pa sa lamesa ko, puro papel at mga gamit pang-doktor lang ang laman non pero naka-organized..

"Ano po bang kailangan niyo?" magalang nitong sabi..

Huminga ako ng malalim.. "Uhm, Doc. Pwede po bang ipaliwanag niyo yung kahapon?"

Kumunot ang noo ni Doc. "Saan po?"

"Doon sa dugo. Bakit yung kapatid ko yung nagtugma, hindi yung ama mismo nung bata?"

Napatango-tango si Doc. Enrico.. "Actually, 'yon din ang pinagtataka ko, Ma'am."

Tumango-tango namanako.

"Bakit hindi ang ama ang tumugma." sabi pa niya.. "Are you related to Mister Monterilla??"

"No, Doc. Friends lang kami.."

"Kasi kung related kayo doon sa magulang ng pasyente pwedeng tumugma talaga ang dugo na na-trans. natin sa pasyente."

"Hindi po kami related sa bata, Doc or doon sa ama. Kaibigan lang po talaga.."

Napatango-tango siya, napa-isip naman siya at tumitig sa'kin.

"Kokonti lang ang ganitong cases sa ospital.. Posibleng.. hindi si Mister Monterilla ang tatay nung bata."

Napatigil naman ako at nagpaulit-ulit sa pandinig ko 'yon dahilan para kumabog ang dibdib ko.

Lumunok ako at wala sa sariling lumabas at bumaba sa floor ng kwarto ni Shirina, napaliit ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na bulto ng isang babae kasama ang isang batang lalaki.

Napakunot ang noo ko at lumapit doon. Napatigil ako nang makitang si Miss Jaize 'yon, magkaharap sila ni Trace..

Ano namang ginagawa ni Miss Jaize dito?

"Miss Jaize?? Ano pong ginagawa niyo dito??" tanong ko.

Hindi niya ako pinansin at tumitig kay Trace na nagtatakang tumingin sakaniya.. Napatingin ako doon sa batang lalaki na tumatagilid ang ulo habang nakangiting tinititigan si Trace, bumitaw siya kay Miss Jaize..

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon