"Dito?" tanong ko kay Trace nang dalhin niya ako sa Citrus.
Napatitig ako kay Trace na tumango habang nakatingin sa harap namin. Napaatras ako nang makita ang pangalan ni Joy sa harap ko..
Kulay puti ang nasa paligid noon at may mga kandilang nakalagay sa magkaparehong gilid..
Napabuntong-hininga ako at nilagay ang puting rosas doon na binili ko pa kani-kanina lang. Hinawakan ni Trace ang mga libro ko at inalalayan ako. Lumunok ako at pilit na ngumiti.. "Joy.. Kamusta ka na?"
Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumitig sa'kin si Trace..
"Alam ko, matagal na rin nung nagkaharap tayo. Gusto ko lang sabihin sa'yo na pinapatawad na kita, Joy.."
Hindi ko maiwasang magkaroon ng nanginginig na boses at napatikom ang bibig ko nang tumulo ang luha ko.
"J-joy.. Alam ko, hanggang ngayon.. Hindi ka matahimik d-dahil sa galit ko sa'yo noon p-pero Joy.. Nandito ako ngayon sa harap mo. S-sinasabing pinapatawad na kita." nahihirapan kong sabi at napakapit sa gilid ng pader, napa-alalay sa'kin si Trace.. "Joy, mahal na mahal kita.. I-ikaw ang pinakaunang k-kaibigan ko na t-tumanggap sa kung sino a-ako a-at hindi ko makakalimutan 'yon.."
Napatakip ako sa mukha ko at doon binuhos ang lungkot na nararamdaman ko..
Mas napaiyak pa ako nang sumimoy ang napakalakas na hangin at naramdaman ko na lang na may malamig na yumayakap sa likod ko. Nasisiguro kong hindi si Trace 'yon dahil mainit ang kamay ni Trace pero ang hangin na niyayakap ang likod ko ay ibang sarap sa pakiramdam ang tumama sa'kin. Gusto kong yakapin pabalik ang hangin na 'yon dahil nahuhulaan ko ng si Joy 'yon.
Hindi ako nakakasiguro pero sana. Sana siya na lang ang hanging yumayakap sa'kin..
"K-kung n-nasaan ka man, J-joy.. S-sana malaya at n-namumuhay ka na ng m-masaya k-kasama ang ama sa taas. S-susubukan kong hanapin a-ang anak n-niyo ni Trace, Joy.. H-hahanapin ko siya." hihikbi-hikbi kong sabi at hinawakan ang lapida ni Joy..
"Shai, tara na.."
Hinawakan na ni Trace ang balikat ko para yayain na ako papaalis.. Unti-unting humiwalay ang palad ko sa lapida ni Joy at tuluyan ng bumagsak.
Mahal na mahal kita, Joy.
Iniwas ko na ang tingin at nagpahila na lang kay Trace.. Hindi ko alam kung saan na kami papunta pero pinaupo niya ako sa isang mahabang bench.
"Dito ka lang, kukuha ako ng makakain natin."
Hindi ako sumagot at kinuha ang tissue na inabot niya.. Dahan-dahan kong pinunas sa mata ko na napapikit at may humabol pang luha.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit na siyang nagiging dilaw at kahel, napangiti ako ng tipid at binasa ang labi. Ngayon ko na lang ulit napagmasdan ang kalangitan.
Ang huli kong pagtingin dito ay noong nakaraan pa. Hilig kong tumingin sa langit kapag wala akong ginagawa pero hindi ko maintindihan kung bakit nitong nagdaang araw hindi ko magawang tumingin sa langit..
Makalipas lang ang ilang minuto, naramdaman ko nang umupo si Trace sa tabi ko at may tinapat sa harap ko, napatingin ako doon atsaka tumingin sakaniya, ngumiti siya.."Kumain ka."
Napangiti ako ng tipid at kinuha ang turon na 'yon, binigay niya rin ang isang palamig.
Huminga siya ng malalim at kumagat sa turon niya.
"Madalas kaming pumupunta ni Joy dito. Alam mo kung bakit?"
"Hmm, bakit?"
"Dahil magandang tignan ang langit sa gan'tong oras."
BINABASA MO ANG
Love Has No Age
RandomShirina Ai Arevalo o mas kilala bilang Shai. Siya ang Valedictorian ng SRSPC. Ang SRSPC o Sto. Rosary Sapang Palay College. Ay isa sa mga eskwelahang kilala sa Bulacan. May elementary, high schools at College. Si Shai ay isang masunuring anak. Bakit...