Hindi ko maiwasang mapatitig sa picture ni Joy at Shirina, may hawig din naman sila kahit papaano. Miss na miss ko na si Shirina. Parang hindi ako nasanay na wala ng yayakap sa'kin kapag uuwi na ako. Namimiss ko na rin yung pag-aaway nila ni Sean twing nag-aaral ako, miss ko ng awayin ng awayin ni Sean si Shirina kapag pinapakielaman ni Shirina yung pc niya. Sobra na akong nangungulila kay Shirina.. Parang nabawasan ako ng buhay ulit sa puso ko.
Alam niyo 'yon, yung pakiramdam na napamahal na kayo sa iisang tao tapos bigla-bigla mo na lang hindi makikita at makaka-usap..
Napabuntong-hininga ako at tinago na ang picture nilang dalawa sa ilalim ng unan ko, humiga ako sa kama ko at napasapo ang noo ko.. Akmang pipikit na ako para makatulog nang bumukas ang pintuan.
Napatayo ako nang makitang si Papa 'yon, tumingin siya sa'kin..
"Gising ka pa pala, Shai.."
Tumango-tango ako at pumunta sa kusina.. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nakasunod lang sa'kin si Papa. Sinapo ko ang noo habang umiinom ng tubig..
"May problema ba, 'nak? Nag-away ba kayo ni Louie??"
Agad akong humarap kay Papa at umiling.. Pabuntong-hininga na naglakad ako sa terrace at umupo sa isang upuan. Umupo din si Papa sa tabi ko at tumingala sa langit..
"Eh, ano ngang problema mo??"
Napatikom ko ang bibig at napabuntong-hininga nanaman..
Sumasabay sa isip ko ang hangin na bumabalot at niyayakap ako dahilan para maramdaman ko ang lamig non.. Napapikit ako saglit at napatingin sa kamay ko.
"Namimiss ko lang si Shirina.. Pa,"
Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sa'kin si Papa..
Tumango-tango lang ako.. "Hindi ako sanay na walang sumasalubong na Shirina sa'kin, Pa.."
Napabuntong-hininga si Papa..
"Akala mo ba ikaw lang?" mahinang sabi ni Papa, napatigil ako at napatingin kay Papa.. "Ako din kaya.. Namimiss ko na yung batang pumapasan sa'kin at hinahampas ang mukha ko ng unan kapag ayaw ko pang gumising.."
Hindi ako nakapagsalita at pinagmasdan lang at inaabangan ang sasabihin ni Papa..
"Hindi ko alam kung bakit gan'to na lang ang epekto ng pagkawala ni Shirina sa'kin. Hindi ko masabi na napamahal siya sa'kin dahil kamukha mo siya. Ramdam na ramdam ko yung lukso ng dibdib ko sakaniya. 'Yon ang nakakapagtaka. Bakit ko kailangang maramdaman ang ganitong lukso kung hindi ko naman siya kano-ano?"
Napatigil ako at napatitig kay Papa. Dahan-dahan akong tumingin sa malayo at napabuntong-hininga..
Bakit nga ba?
Kinabukasan..
Napatingin ako sa kung saan.. Nakatulala lang ako habang pinapanood ang mga sanga ng puno na nagsisinayaw. Hindi parin mawala sa isip ko yung napag-usapan namin ni Papa kagabi, ni hindi ko din mawala sa isip ko si Shirina. Ewan ko, bakit ganito?
Bakit gan'to ang nararamdaman ko. Dapat masaya ako dahil sa wakas nakasama at nakita na ni Trace ang anak nila ni Joy na halos tatlong taon niya ng hinahanap. Pero, bakit ganito? Minsan gusto kong ipagdamot si Shirina sakanila..
Agad akong napatingin sa cellphone ko nang mag-ring 'yon, napangiti ako nang makitang si Riya 'yon..
"Oh, Riya? Ano?"
"[Kain na tayo.]"
"Sige."
Agad akong naglakad papunta sa canteen pero..
BINABASA MO ANG
Love Has No Age
AcakShirina Ai Arevalo o mas kilala bilang Shai. Siya ang Valedictorian ng SRSPC. Ang SRSPC o Sto. Rosary Sapang Palay College. Ay isa sa mga eskwelahang kilala sa Bulacan. May elementary, high schools at College. Si Shai ay isang masunuring anak. Bakit...