Chapter 36

32 1 0
                                    

Hindi ko alam kung ano nga bang dapat kong gawin.

Aalis na ba ako.. o panonoorin ko silang dalawa.

Hindi ko alam kung paano ko nakakayang tumayo dito habang pinapanood silang dalawa. Sobrang sakit at lungkot ang nararamdaman ko. Naghahalo ang inis, irita, galit ko kay Miss Jaize. Wala akong natandaang ginawa kong masama sakaniya. Sa nagdadaang araw noon ay puro kabutihan ang binibigay ko sakaniya kahit pa alam kong siya ang kauna-unahang babae na kinaiyakan ni Ley..

Napasapo ko ang bibig at pilit pinipigil ang pagbagsak ng luha ko pero sa sobrang bigat non wala na akong nagawa dahil kusa na iyong bumagsak..

"Because he's still love me,"

Hindi ko malilimutan ang sinabi ni Miss Jaize na iyon. Tama bang mahal niya pa si Miss Jaize? Ginagamit niya lang ba ako bilang panakip butas?

Napaalarma ako nang bumagsak ang bag ko sa damuhan, agad silang napatigil sa ginagawa at napalingon sa'kin.. Kaagad kong inayos ang bag ko at pinunasan ang luha ko. "S-sorry po.. Naabala ko po yata kayo, sorry po talaga.." napapayuko kong sabi habang pinipigil ang panginginig ng lalamunan ko dahil namamanhid na ang ilong ko, senyales na handa nang umiyak ng umiyak..

"A-ai.."

Agad kong inangat ang mukha at tumingin kay Ley.. Ngumiti ako ng pilit at pinagmasdan siya.. "A-ayos lang.. Alam ko naman,"

"Ai, please. Let me explain this.."

Tinikom ko ang bibig at pumikit saglit. Tumango-tango ako. "S-sige, magpaliwanag ka na.."

"Ai, I'm sorry,"

"Hindi ko alam na.. Ang sorry ay pagpaliwanag na pala."

Napabuntong-hininga ako at tinitigan siya. "I-i'm sorry, baby.. Please.. Pakinggan mo 'ko."

"B-bukas na bukas ang tenga ko para pakinggan ang sasabihin mo, Ley.."

Tumang-tango siya. "Nadala lang ako."

Tumango-tango ako at pinakinggan siya..

"Nadala?!" singit ni Miss Jaize. Napatingin sakaniya si Ley.. "You kissed me back with full of sincereness, Louie."

"Jaize, please stop. I don't love you."

"What?! Akala ko ba ay ako lang ang mahal mo?!"

"That's not what I said, Jaize."

"Pero ang sabi mo noon. Mahal mo 'ko dati, 'di ba?"

"Oo, mahal kita.. NOON. Hindi na ngayon."

"What the hell?! Dahil lang sakaniya?!" turo sa'kin ni Miss Jaize.

"No. Ginusto kong alisin ang nararamdaman ko sa'yo."

"Ibig sabihin, hindi mo siya mahal?!"

"MAHAL KO SIYA!" sigaw ni Ley..

Napatigil si Miss Jaize..

Huminga ako ng malalim at hinayaang tumingin sa'kin si Ley..

"Baby, please.. Forgive me.. Please, don't be mad at me.."

Umiling ako.. "H-hindi.. Hindi ko alam kung mapapatawad kita, Ley.." hihikbi-hikbing sabi ko.. "Sabihin mo nga.. Minahal mo ba ako dahil ako ang ginawa mong panakip butas?"

"P-please, Baby.. Don't say that.." pumipiyok na ang boses na sabi niya. Nagsisimula ng umiyak..

Agad namuo ang inis ko nang hawakan ni Miss Jaize ang kamay ni Ley..

"Stop this nonsense, Shirina. Sa'kin si Louie—"

"--PWEDE BANG 'WAG KA MUNANG SUMINGIT?!" malakas kong sigaw.. Napatigil silang dalawa sa pagsigaw ko. Hindi pa ako sumigaw ng ganoon kalakas.. "Bakit.. Bakit ba kailangan niyo akong saktan ng ganito?!"

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon