P R E S E N T T I M E
Tiredness. Iyan ang aking nararamdaman ngayon. Pagod na akong ma-test at sa lahat. Nakailang lagay na rin ako ng bagoong sa aking pagkain. Oo, bagoong dahil wala akong malasahan.
Isusubo ko pa lang sana ang aking pagkain nang makarinig ako ng pagkatok mula sa pintuan. Bumukas iyon at tumambad sa akin si Nica.
"Anak nan----makakarecover ka nga sa NCOV magkakasakit ka naman sa bato." Inis na sabi niya habang nakatingin sa aking kinakain.
"Wala ngang lasa. Ano palang sadiya mo?" tanong ko habang nginunguya ang ginger. "At bakit ikaw na naman? Nasasawa na ako sa mukha mo." Biro ko sa kaniya bago uminom ng tubig na walang lasa.
"Lintek. Eh kung patayin ko yang swero na nakasalpak sayo?" nasamid ako bigla nang marinig ang kaniyang sinabi. "Anyway bago ka pa matuluyan diyan. Sasabihin ko lang sa iyo na kailangan mong ma-swab test mamayang alas sais. 4 days na lang makakalaya ka na kung negative ka." Casual na paliwanag niya.
May kinuha siya mula sa kaniyang bulsa at ihinagis iyon sa akin. Napakunot ang noo ko nang makita kung ano iyon. "Sili?" wala sa sarili kong tanong.
"Sabi mo wala kang panlasa." Sarcastic niyang wika. "Be ready,doc. Masakit pa naman swab test."
Iniwan niya akong nakatulala sa sili. Tama naman siya wala akong panlasa. Should I try this things? Kumuha ako ng isa at dahan-dahang kinagat iyon.
"Damn it! Pati ba naman siling labuyo walang lasa!" padabog kong ibinaba ang mga sili sa lamesa.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. I didn't even notice na ubos ko na ang mga ito dahil wala naman akong malasahan. Lintek na NCOV.
Pagkatapos kong kumain ay naligo muna ako. I am sitting on the bed when someone called me. I answered the call in a casual way.
"Hello?"
"Hey, Marie here."
"How are you?" tanong ko.
I heard her chuckles on the other line kaya hindi ko napigilan ang aking sariling ngumiti.Her laughs and voice ease all the pains and worries I am feeling right now. She's really my cure, just kidding.
"I should be the one asking you that."
"I'm okay, love."
"Love amp. Tayo ba? Amfeeling."
I was about to talk when I heard the door open. I bid my goodbye's to Marie because I need to take the swab testing today.
"Dr. Chua, how's the quarantine?" tanong sa akin ng aking senior na si Dr. Alvarez.
"Boring po," biro ko sa kaniya.
He just chuckled. He called his two assistant and told me to sit properly. Halos maiyak ako dahil sa sobrang sakit ng test. I thanked them before they leave.
I still need to wait for three days for the results. For the mean time ay magi-stay muna ako dito sa facility. Kumusta na kaya ang mga pasyente ko? Nakarecover na kaya sila.
Hindi ko lubos akalaing madadapuan ako ng virus na ito. Ang sabi nila baka matagalan pa ang vaccines. Sobrang hirap at bigat ang tangi kong naramdaman habang nakikipgbakbakan sa sakit na ito.
Minsan naiisip ko na lan na huwag nang lumaban pa. Pero naiisip ko ang aking pamilya at syempre si Marie. I promised her that I will fight. Magsisimula pa kaming muli.
Tumayo ako sa aking kama at lumapit sa aking bag. I took out the small red box containing a diamond ring. Napangiti ako habang tinitignan iyon. I am planning to ask for her hand pagnatapos na itong pandemic na ito. Pero what if hindi?
Napailing ako dahil sa aking mga naiisip. This stupid pandemic should end. Walang magandang dulot ito sa bansa. Puro problema lang ang dala. Ibinalik kong muli ang singsing sa loob ng bag. Pagkatayo ko ay nakaramdam ako ng kaunting kirot sa banda ng aking puso.
Huminga ako ng malalim at naglakad. Hindi pa ako nakakalapit sa aking kama ay naramdaman ko na ang unti unting pagsikip ng aking dibdib. Hinawakan ko ang aking dibdib at naglakad papalapit sa emergency buzzer.
Sumalampak na muna ako sa aking kama habang pinipilit na huminga. Sinubukan kong bumangon ngunit nahilo lang ako. Umiikot na ang aking paningin nang maaninag kong pumasok ang ilang doktor sa loob ng silid.
"What happened?!"
" I c-can't....b-breath.." nanghihinang sagot ko.
"The oxygen!"
"Copy doc."
Sinalpakan nila ako ng oxygen. Nakahinga ako ng kaunti pero nandun pa rin ang kirot sa bandang puso ko. I hold my chest and show it to the doctor.
"K-kumikirot?" alanganing tanong ni Nica. Yes,she's the doctor.
Tumango ako bilang sagot. I saw her took out her phone. She's calling someone.
"Dr. Olivares? I think somethings wrong with Dr. Chua." she looked at me. "He's feeling a pain on his chest. Yes po. The part where the operation took place. Thank you."
Ibinaba niya ang telepeno at muling ibinalik ang tingin sa mga kasamahan niyang nurse. Nakita ko rin ang pagdating ng dalawa pang doctor sa aking silid. I know something wrong and serious is going on.
If I try to combine everything that happened to me today.....there's a big possibility that I have a complication on my respiratory system. Does the virus damaged my heart? That's impossible lungs lang ang naapektuhan ng NCOV.
"He's having a difficulty of breathing, his chest is in pain and if we have our diagnosis right now he's having the side effect of NCOV but Dr. Chua had a history of arrhythmia and it is possible that....." they all looked at me. "The difficulty of breathing and pain he's experiencing right now is because of a heart complication."
Napapikit ako dahil sa narinig. This can't be happening. I still have my plans. Bigla ko na lamang naalala ang sinabi ng doktor sa US noon. Remembering those words made my whole life shattered.
"Even though we've operated him. He will only have a year or 3 to live..."
![](https://img.wattpad.com/cover/235167507-288-k877028.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)
General FictionPublished under Ukiyoto Publishing "Kahit kailan hindi ko siya kinalimutan. Pero dahil sa ginawa ko hinarap niya ang isang trahedyang naging dahilan kung bakit hindi na niya ako maalala pa. Kung matatapos man ang pandemyang ito, pangakong ibabalik k...