Name
Tumaas ang isa kong kilay dahil sa narinig. He just called me Marie, well, I'm not used to it kasi no one's calling me using my second name, it's always Mireille or Elle.
"It's Mireille or Elle, doc." I smiled at him. Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya para makipag-kamay, inabot niya naman ito.
"Dr. Jefferson Klux H. Chua." pagpapakilala niya. Binawi ko ang kamay ko dahil biglang humigpit ang pagkakahawak niya dito.
"Well, I should go now. Dr. Chua, Ms. Lopez." paalam ni Allistair. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpasalamat.
Naiwan kaming dalawa dito ni Dr. Chua. Napakabigat ng presensiya niya at biglang naging awkward dahil hindi siya nagsasalita at nakatitig lang sa mga pagkain. Tumikhim ako at nagsimula nang magsalita.
"Uhmm. I just received the email containing the names of medicines and medical supplies na kakailanganin for the medical mission." pagbasag ko sa katahimikan. Napakatahimik naman ng lalaking 'to.
Napatingin siya sa akin ngunit natulala sa suot kong hairpin. Sabog ba 'to? Siguro ay oo dahil halos hindi na matulog ang mga doktor. Pero teka---bakit siya nakatingin sa hairpin ko? Don't tell me.....Bakla siya? Sayang gwapo pa naman.
"Dr. Chua??" tawag ko sa kaniya kaya agad siyang natauhan.
"Call me Jeff," seryoso siyang wika. Ay Jeff? Mas bet ko pa naman sana yung Klux, cool eh. "Hindi naman masiyadong matagal ang medical mission na gagawin. I guess 3 boxes each is enough."
Tumango ako sa kaniya habang sinusulat ang sinabi niyang 3 box each. Napansin ko lang na sobrang lamig ng boses nito. Sana all cold, ako kase hot lang. Charot.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap kung anong gagawin during the medical mission. Though medyo tipid siya magsalita, nagmukha tuloy akong madaldal dito. Nang matapos kami sa meeting ay doon na kami kumain.
"Where did you bought this hairpin and necklace?" tanong niya sa akin. Tumigil ako sa pagkain, confirmed nga interesado si Doc, bakla siya. Sayang gwapo pa naman.
"Ah, hindi ko din alam." sabi ko kase totoo naman. "Interesado ka ba? Don't worry sa'yo na lang 'to at your secret is safe with me, hihi." I winked at him.
"Secret??" naguguluhang tanong niya. Ay pa-inosente si Doc. "What secret?" tanong niya ulit bago uminom sa kaniyang ice tea.
"Na bakla ka." walang preno kong sagot sa kaniya. Nagulat ako nang bigla siyang umubo due to pagkasamid.
"What the heck? I'm not a gay for pete's sake." iritang wika nito.
"Seryoso?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay. Tumango siya sa akin at nagpatuloy sa pagkain. "Mabuti naman dahil sayang kagwapuhan mo." bulong ko pero mukhang narinig niya dahil narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"What?"
"Sabi ko kumain ka na po."
Tahimik kaming kumain hanggang sa matapos kami. Sabay kaming lumabas at nagtungo sa parking lot nitong resto. Bago kami maghiwalay ay tinanong ko siya muli.
"Doc, sigurado ka pong hindi ka vaklush?" tanong ko.
"The hell, I said no Ms. Lopez. And can you please remove that 'po' and 'opo', I'm not that old. Just call me Jeff or Klux, anyway." seryosong wika niya.
"Okay, Klux." ngumiti ako sa kaniya at kumaway bago sumakay sa aming sasakyan. Aba saan pa ba ako sasakay diba?
Nakangiti ako hanggang sa makarating na kami sa company. Yumuko ang ilang nadadaanan ko upang magbigay galang, though sinabi kong huwag na nilang gawin iyon kase ayaw ko sa special treatment. Makulit sila eh kaya hinayaan ko na.
Dumeretso kaagad ako sa opisina ng kaibigan kong si Stephanie, kakarating lang niya last month dito kase galing siya sa London. Sinabi din sa akin nina Mom na she's my bestfriend, good thing naalala ko siya kaunti dahil sa pictures namin sa kwarto. Dire-deretso akong pumasok sa kaniyang opisina at wala nang katok-katok.
"Anak nang!" sigaw niya dahil sa gulat. Hindi ko ito pinansin at umupo na lang sa harap niya. "Why?" tanong niya.
"Girl! You know I had a meeting with the team leader of Chua Medical," excited kong wika sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay habang umiinom ng milktea.
"Ang gwapo ng team leader nila!" patuloy ko kaya ibinaba niya agad ang iniinom niya at umayos ng upo. Hilig neto sa lalaki eh.
"Sino yun? May picture ka niya?" tanong niya. Inilabas ko ang phone ko and I tried searching his IG account. Hindi naman ako nabigo kase nakapublic siya.
@jkluxchua
I clicked on one of his post. Yung nakaupos siya habang nakasuot ng black dress shirt at yung putting coat niya. Ang hot. Ipinakita koi yon kay Stephanie at nagulat siya.
"Alam mo ganiyan din ako kanina eh, nagulat din ako sa kagwapuhan niya." natatawa kong sabi pero nanatili siyang tahimik.
Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at dumeretso sa may bintana. Humarap siya sa akin habang nakasandal ito sa glass window.
"Tell me, ngayon mo lang siya nakita? Elle?" tanong niya.
"Yup, this is my first time seeing him but feel ko familiar siya." sagot ko.
Narinig kong bumuntong hininga siya. "Okay, I need to go sa office ni Tita Meredith. May ipapasa ako." ngumiti siya sa akin. Kinuha ko na rin ang bag ko para sumabay kase sa floor din nina mommy yung office ko.
"Wala ,ang naramdamang kakaiba or nagflash sa utak mo nung nakita mo siya?" tanong sa akin ni Steph habang nginunguya ang mga pearls ng milktea niya.
"Wala naman pero alam mo bago ko siya makita mayroong lalaki duon sa room. Siya yung una kong nakausap ang guess what he told me," sagot ko.
"Ano?"
"Sabi niya friend ko daw siya kaso diko maalala." kwento ko sa kaniya. Kumunot naman ang no niya habang nakatingin sa akin.
"Anong pangalan?" Tanong niya.
"Allistair Hernandez." i answered her. I was shocked nang bigla siyang nabulunan. Ano bang problema niya.
"What the?! Na-meet mo yung damuhag na yun?!" sigaw niya habang palabas kami sa ng elevator kaya napaatras ang ibang naghihintay sa labas.
"Bakit anong meron kay Allistair?"
"Tsk. He's my ex." maarte niyang sagot.
Nailing naman ako. "Ex? Ex-bf? Ex-fling? or Ex-what?" bulong ko sa kaniya. Knowing her, matinik siya.
"Gosh, it's Ex-Boyfriend." umirap siya sa akin bago pumasok sa office ni Chairwoman or Mommy. Natawa na lang ako bago pumasok sa aking opisina.
I was about to sit down when my phone rang. Someone's calling.
092122........ calling
Unregistered number? I stared at it for a moment bago ako nakapagdesisyon na sagutin ito.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Mireille is pronounced as 'mee-ra-yer'
Klux is pronounced as 'Klaks'
Everyone, sorry for the grammatical errors and typos. Thank you for reading and don't forget to vote! <3
BINABASA MO ANG
The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)
Aktuelle LiteraturPublished under Ukiyoto Publishing "Kahit kailan hindi ko siya kinalimutan. Pero dahil sa ginawa ko hinarap niya ang isang trahedyang naging dahilan kung bakit hindi na niya ako maalala pa. Kung matatapos man ang pandemyang ito, pangakong ibabalik k...