"What?! How did this happe---I mean pinagamot namin siya sa US pa!"
Napapikit ako ng mariin nang marinig ang mga sinabi ni mommy. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang mga pinag-uusapan. I don't know what to do.
"Madamé, 88% po ang possibility na dahil sa pagkakakuha ni Dr.Chua ng NCOV virus ang nagtrigger sa mga vitals niya." Paliwanag ni Dra. Ygnacio. "We need to accept the fact po na Dr. Chua....has only few time left to live."
Parang nagimbal ang buong mundo ko sa narinig. I only had a few time left. Should I tell her this time? Should I be honest about my condition?
"Alliah...." Tawag ko sa pinsan kong si Dra. Ygnacio. " Can I request Marie's presence here?" tanong ko.
Tumingin muna siya kina Mommy na nasa kabilang side ng kwarto. I tested negative from the virus kaya natransfer na ako sa regular room.
"Yes... Sure. I'll call her. Excuse me," wika niya bago lumabas ng kwarto.
Narinig ko ang pag-iyak ni Mommy at ito na ang pinaka-ayaw ko sa lahat. I can't hug her this time because of the machines that are connected on my body. Wala akong ibang nagawa kundi makinig na lang sa palahaw niya.
"Lord! I'm not a bad person but why?! Bakit ang anak ko pa!" sigaw niya na dahilan kung bakit tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Shhh...hon. Makakahanap sila ng paraan." Pagpapatahan ni Daddy sa kaniya.
I stared at the ceiling for a long time. Wala akong magagawa kung ito na ang plano ng maykapal sa akin. If miracle do exists I wish it will happen to me.
Sa gitna ng katahimikan sa buong silid ay biglang bumukas ang pintuan. Pumasok dito ang isang lalaking nakasuot ng black suit. He's a tall and moreno man. On his side is Alliah, this is probably her husband.
"Jeff, she's on her way. We can allow her to stay with you for the mean time and uhh Madamé, Dr. Flores want to see you today on her office." Wika ni Alliah.
My mom looked at me for a moment. I just nod at them so that they can go. Ngumiti ang aking ina sa akin ng mapait bago lumabas kasama ni Daddy.
"Jeff this is my husband. We got married last week sa huwes and I'm praying that you can attend our church wedding." Pagpapakilala sa akin ni Alliah.
"Dr. Jefferson Klux Chua, I'm hoping that maabutan ko pa iyon." I joked pero hindi sila natawa. Deep inside me hinihiling ko na sana talaga maabutan ko pa iyon at sana madadala ko rin si Marie sa altar.
"Engr. Elias Cohenn Ygnacio, I'm praying for you bro. Sana pati kasal mo mapuntahan pa namin. You can do it. In God's will."
I gave him a faint smile. Napatingin kaming lahat sa pintuan nang may pumasok dito. She's wearing a white dress, elegant as always. When our eyes met hindi na napigilan ang mga luha kong dumaloy.
"We'll excuse ourselves." Wika ni Alliah at lumabas na sila.
She slowly walks towards my direction. Parang hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nakikita ngayon.
"Klux? Why? How?" tanong niya.
Hindi ko siya magawang sagutin dahil napangunahan na ako ng mga emosyon. I just looked away from her because I can't stand seeing her cry because of me. I've done enough, palagi ko na lang siyang pinapaiyak.
"Will you fight? For me? For u-us?" napatingin ako sa kaniya. What kind of question is that?
"I will, my lady. I will..." sagot ko.
Tumayo lang siya doon, ilang metro ang layo mula sa akin. Hindi niya magawang lumapit sa gawi ko dahil sa malaking plastic glass na nakaharang. I smiled at her to assure her that I am fine. Tho, I'm not.
"There's a way right? Magagamot ka pa?" inosenteng tanong pa niya. How I wish...
"I hope so." Sagot ko dahil iyon naman ang totoo.
Nagbabaka sakali lang kami ngayon na sana makahanap sila ng lunas para dito. All I know is a...heart transplant is the only key. Pero sobrang labong mangyari nito dahil mahirap makahanap ng donor sa panahong ito.
Kung hindi lang dahil sa mga makinaryang nakakabit sa akin ngayon ay siguro malamig na bangkay na lamang ako. Nanatili kaming tahimik ni Marie. I can feel her sad stares at me kaya hindi ko siya magawang tignan.
"It's a good thing that you tested negative on NCOV." Pagbasag niya sa katahimikan.
"Yes. By the way lov—Marie, is the phase test done on the vaccine?" tanong ko dahil narinig kong sila ang developer ng vaccine kontra NCOV.
"It's a success. Next month will be the start of distributing of the vaccines, love...."
Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa huling salitang binigkas niya. Did I hear it right? Did she just called me..
"Love?" wala sa sarili kong sambit.
"Is there a problem?" nag-aalalang tanong niya.
Umiling lang ako at ngumiti. My innocent Marie is now back. I miss her so much.
"Can you stay with me?" tanong kong muli sa kaniya.
"I will stay with you." She answered with a sweet smile on her lips.
I really want to hug her right now but this stupid wires are all over my chest. Pero salamat na rin sa mga ito dahil buhay pa ako hanggang ngayon. Her phone suddenly rang kaya napayingin ako sa kaniya.
"Oh, I need to go outside for a while to take this call," wika niya. My jaw clenched because of that.
"Can't you just answer that here?" tanong ko.
Napatigil siya saglit at tumingin sa akin. I saw a playful smile drawn on her face.
"Are you jealous, Dr. Chua?" tanong niya.
Natulala ako dahil sa narinig. Am I jealous?
"No." maikling sagot ko dito.
"Yes you are. You're jealous." She waved her phone and showed me that it's her grandfather who's calling her. Lumabas siya ng silid para sagutin ang tawag.
Wala pang isang minuto ay bumukas muli ang pintuan. Akala ko ay si Marie iyon muli pero mali ako it's Jemica.
"I heard the news. Alam ba ni Mirielle ito?" tanong niya.
I just gave her a nod as an answer. Alam kong hanggang ngayon ay takot pa rin siya kay Marie. She got traumatized when she heard that Marie had an amnesia and dahil iyon sa ginawa kong plano noon.
"You need a heart donor." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi nito. "Arrhythmia is a very serious heart condition. Alam kong alam mo iyon dahil isa kang doctor. The battery that is inserted on your heart was damaged because of the virus. Our only hope now is a heart transplant Klux." Wika ni Jemica.
"Sobrang labo....walang magbibigay ng puso niya sa isang tao, Mica. Walang magsasakripisyo ng buhay niya para sa akin." Dismayadong wika ko.
Bumukas bigla ang pintuan dahilan kung bakit kami mapatigil sa usapan.
"Meron..." isang baritonong boses ang aming narinig. "Ako..."
BINABASA MO ANG
The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)
General FictionPublished under Ukiyoto Publishing "Kahit kailan hindi ko siya kinalimutan. Pero dahil sa ginawa ko hinarap niya ang isang trahedyang naging dahilan kung bakit hindi na niya ako maalala pa. Kung matatapos man ang pandemyang ito, pangakong ibabalik k...