"Huy kinakausap kita!" bulyaw sa akin ni Stephanie kaya nahulog ko ang hawak na breadknife.
"What?" I glared at her na ngayon ay busy sa pagpakpak ng condensada.
"Sabi ko! Mag-mall tayo. Day off ko kaya duh! I need to buy some pajama's balita ko madaming mosquitos sa pupuntahan natin eh." Wika niya. I nod at her before adding some palaman on my bread again. "Ano ba yan! Bili ulit tayo ng condensada later."
Napatingin ako sa hawak niya. Jusko ang babaeng ito inubos ang isang lata ng condensada, inulam na nga kanina yung kalahati pinakpak pa ang natira. Nagpatuloy ako sa pagkain bago nagpunta sa kwarto para maligo ulit dahil sobrang lagkit ng pakiramdam ko.
Nagsuot lang ako ng isang off-shoulder white cropped top at isang maong skirt dahil sa mall lang kami pupunta. Kinuha ko ang sling bag at phone ko bago lumabas. Naabutan kong nagmi-mirror shot si Stephanie sa salas.
"Tara na," I looked at her before walking towards the door. Agad naman siyang sumunod at sabay kaming nagpunta sa elevator.
"Wait!" may pumigil sa pagsara ng elevator kaya sabay kaming napatingin ni Stephanie doon.
I heared Stephanie murmured a cursed when he saw the guy. It's her ex Alistair, agad akong napasipol nang tumayo sa tabi niya si Alistair.
"Hi Ms. Lopez," bati sa akin ni Alistair. I just gave him a smile and a small wave.
Nakita ko ang pag-irap ni Stephanie sa ere kaya ako natawa ng kaunti. Napatigil naman agad ako nang kurutin niya ang aking tagiliran.
"Ms. Lopez, sasama ka sa Cagayan diba?" formal na tanong sa akin ni Alistair.
"Elle na lang, oo sasama ako. Ikaw ba?"
"Kasama rin."
Katahimikan ang naghari sa loob ng elevator hanggang sa makarating na kami sa parking lot. Nagpaalam lang si Alistair sa amin bago kami nagtungo sa fortuner ni Stephanie. Minabuti ko nang ako ang magdrive dahil mabangga kami kapag siya pa.
"Damn it!!" kanina pa siya nagmumura dahil sa inis. "Kung kaya ko lang suwayin si Tito Martin!"
Yuping yupi na ang plastic bottle na hawak niya dahil sa inis. Natatawa na lamang ako dahil pulang pula na ang makinis nitong mukha. I'm curious about something.
"Stephanie Cassandra, paano kayo nagkakilala at nagbreak?" tanong ko habang nagmamaneho.
"Well, we are schoolmates from 1st year to 4th year college. Nanligaw siya sa akin noong 4th year na kami bago ang graduation. We last for almost 3 years kaya lang," she stopped for a moment. I gasped when I saw a tear falling from her eyes.
"We broke up the day before our 4th anniversarry. Nagkanda-malas malas kase lahat noon, my dad got sick that time kaya hindi siya makapasok sa trabaho tapos si mama naman kinailangan niyang umuwi dito sa bansa. I was very stressed that time, kailangan kong isalba ang business namin buti na lang nandoon ka. But nanlamig kami sa isa't isa ni Ali, our time for each other was messed up. Busy siya sa trabaho ganun din ako. We decided to broke up." Saktong natapos niya ang kaniyang kwento nang makarating na kami sa parking lot ng mall.
"Mahal mo pa?" tanong ko na nagpatigil sa kaniya sa paglalagay ng powder sa mukha.
"I don't know. Siguro?" natatawa niyang sagot.
"Rupok mo," umirap siya dahil sa sinabi ko.
We both walk inside the mall papunta sa isang kilalang store ng mga damit. Dahil pareho kaming medyo tamamd magshopping ni Stephanie ay dalawang store lang ang napuntahan namin pero nabili namin lahat ng kailangang bilhin.
"Nawa'y lahat," narinig kong sabi ni Stephanie habang nakatingin sa couple na nakaupo sa katabing table.
"OMG, halos 7,000 pala nagastos ko," napakamot na lang ako ng ulo habang tinitignan ang resibo.
"Duh! It's for yourself naman. Cheer up more gastos to come."
Nang matapos kaming kumain ay agad kaming umuwi ni Stephanie dahil may pinadalang email sina mommy. Akala ko ba day-off pero bakit may pinadalang paperworks. Halos hindi na kammi mag-usap ni Stephanie kasi siya busy sa pagtawag ng mga suppliers habang ako ay busy sa pag-encode ng datas.
I stopped my work for a while para magluto ng dinner. Good thing may sardinas at sotanghon ako para mabilis lang lutuin. Hindi naman kami maarte ni Stephanie kaya okay na ito. Nang makapagluto na ako ay tinawag ko na si Stephanie.
"Halah namiss ko ang sardinas," sabi nito habang patuloy sa pagsubo ng pagkain.
Nag-prisenta na siyang maghugas kaya iniwan ko na siya doon para maligo at mag-skin care. Nang matapos na ako ay bumalik ako sa study para ipagpatuloy ang ginagawa ko,may tatlong page pa at alam kong aabutin ako ng ala una. Si Stephanie naman ay nag-eencode na nang kung ano sa kaniyang laptop.
It's already 1 a.m pero hindi pa rin namin tapos ang mga ginagawa namin. Naisipan kong i-check ang aking instagram account. Wala naman nag-dm kaya napagpasiyahan kong mag-story. I captured a video of my messy desk at isinama ko na rin si Stephanie na busy sa pagprint at encode. I added a little text on it 'Coffee for us, please?'.
I turned my phone off after that. After few minutes biglang may nag-doorbell kaya napatigil kami ni Stephanie at nagkatinginan.
"Ako na," I said before going out of the study.
Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita. It's Klux wearing a dark blue dress shirt and black slacks, ang white lab coat niya ay nasa kanang kamay niya nakasabit.
"Good morning," natatawang bati niya at iniabot sa akin ang isang paper bag at dalawang kape? OMG.
"Halah! Thank you, nag-abala ka pa." nahihiyang sabi ko. Umiling lang siya at ngumiti bago pumasok sa unit niya.
Pulang pula ang mukha kong pumasok sa study at iniabot kay Stephanie ang dalawang kape. Pati siya ay nagulat sa hawak ko.
"Don't tell me may pumatol sa story mo," nakataas ang kilay niya habang kumukuha ng nuggets.
"Yeah, taga-kabilang unit. Si Dr.Chua."
Umawang ang bibig niya habang nakatingin sa akin. I just shrugged before getting my coffee and nuggets.
"tsk. Di na nagbago."
"Ang alin?" tanong ko.
"Ah—itong nuggets. Masarap pa rin." Tugon niya.
Tumango lang ako bago magpatuloy sa ginagawa. Mga alas dos na nang natapos kami. Si Stephanie natulog na kaya pumunta na rin ako sa aking room. Binuksan ko ang cellphone ko para i-dm si Klux.
marielopez:
Hey! Thank you ulit!
I turned off my phone after that. Napaisip ako bigla, bakit ang bait niya sa akin at sobrang familiar ng presence niya kahit ngayon ko pa lang siya nakilala. Ngayon pa lang ba? Baka noong hindi pa ako naa-amnesia kilala ko na siya. Pagka-pikit ko nang aking mata ay parang slideshow ang mga mga eksena na pumasok sa utak ko.
"Marie! Here's your coffee, love." A guy wearing dark red dress shirt appeared in front of me. Pero hindi ko maaninag ang mukha nito.
"Nag-abala ka pa. Thank you, love!" I hugged the guy.
"Sabi ko 'wag kang magpalipas ng gutom. Eto kain!" ngayon nakasuot naman ang lalaki ng isang longsleeves na grey at black shorts.
"Sorry po," I whispered on him while hugging him from the back.
Napabangon ako habang minamasahe ang sentido. Damn! Ano yon? Who is that guy? Bakit hindi ko maaninag ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)
Ficción GeneralPublished under Ukiyoto Publishing "Kahit kailan hindi ko siya kinalimutan. Pero dahil sa ginawa ko hinarap niya ang isang trahedyang naging dahilan kung bakit hindi na niya ako maalala pa. Kung matatapos man ang pandemyang ito, pangakong ibabalik k...