Mirielle Marie Lopez's PoV
Even the darkest night will end and the sun will rise.
The moment he told me that he tested positive one the virus, parang nabalot ng kadiliman ang aking mundo. Kakaregain ko pa lang ng aking mga alaala pero may nangyari na namang di maganda.
But when i heared the news that he already recovered nagliwanag ang aking mundo. I prayed and prayed for his recovery and my prayers were answered.
Pero isang pagsubok muli ang dumating. That's when his sister Stacey called me.
"Hey Stacey?" I answered the call.
"Ate? I have a bad news…" pagkarinig ko palang sa sinabi niya mula sa kabilang linya ay bumilis na ang tibok ng aking puso.
"Ano yon?" kinakabahan kong tanong.
"Kuya's life is in danger." Naiiyak na wika niya. "His heart. Bumalik ang sakit niya. May nalalabing oras na lamang siya."
Nagpaulit-ulit ang katagang iyon sa aking isipan. He's in a life threatening situation.
"I-i don't know what to say. Nasaan siya?" Tanong ko kahit alam kong nasa ospital siya.
Hindi ako makapag-isip ng matino. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang nablanko ang aking isipan sa narinig na balita.
I ended the call. Tumitig lang ako sa kawalan. Bakit ba ang malas ng buhay ko? Kung kailan maayos na ang lahat tsaka naman magkakaganito.
Kung kailanan bumalik na ang mga alaala ko tsaka naman siya aalis. Kung kailan maari na kaming magkita dahil matatapos na ang pandemya tsaka naman magkakaganito ang lahat.
"Elle? Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Stephanie na kakagaling lang mula sa conference room.
"Bumalik ang sakit ni Jeff…" humihikbing wika ko.
"Arrhythmia? How?--oh i forgot nagpositive siya sa virus. There's a way, Elle. May pag-asa pa." pagpapatahan niya sa akin.
Napatigil ako sa pag-iyak nang tumunog ang aking telepono. It's an unregistered number.
"Hello?" sagot ko dito.
"Miss Lopez, this is Dr. Ygnacio from CM. Dr. Chua is requesting your presence here." Wika nito. "Nascena Building. Room 020." Patuloy niya bago ibaba ang tawag.
Hindi ko na nagawang magpaalam kay Stephanie dahil tumakbo kaagad ako sa elevator dala ang aking bag. Dumeretso ako sa parking lot upang kunin ang aking sasakyan.
Good thing GCQ pa ngayon dito at wala pang traffic. Iilan lamang ang pwedeng lumabas kaya wala masyadong sasakyan.
Pagkarating ko sa hospital ay dumeretso ako sa may building na sinabi nung doktor. May mga ilang dokumento ang pinapermahan sa akin nung guard bago ako tuluyang papasukin sa loob.
Hinanap ko ang room number sa third floor ng ilang minuto. Napatigil ako sa harap ng pintuan ng silid. My hand was trembling while holding the doorknob.
Huminga ako ng malalim bago magdesisyon na papasok na. Napatigil ako at pinagmasdan si Jeff na nakahiga sa kama at maraming machine wires ang nakakonekta sa kaniya.
Namayat din siya at mas namutla. My tears fell down when he smiled at me. Giving assurance that he is okay.
Kung makakalapit lang ako sa kaniya. Naglakad ako papalapit hanggang sa nasa harap na ako ng nakaharang na plastic glass sa amin.
Akala ko noong araw na iyon ay wala na talagang pag-asa. Na milagro na lang ang makakaligtaa sa kaniya. Hindi ko lubos inakala na mayroong kaibigan na handang isakripisyo ang kaniyang buhay para sa kanya.
"Hindi pwede! Are you dumb?! Gag*!" rinig na rinig naming sigaw ni Jeff mula sa loob.
Nakayakap sa akin ang mommy ni Jeff habang nakikinig sa usapan nina Limuel sa loob. I can't believe that he is willing to give his heart.
"Just take care of my child." iyan ang tanging hiling niya sa amin ni Klux.
Iyan ang huling habilin niya. I'm crying because of sadness and happiness. Dahil kay Limuel nagkaroon muli ng panibagong buhay si Jeff.
"Elle! Dr. Chua is awake!" sigaw ni Stephanie habang nakatingin sa kama ni Jeff.
Dali-dali akong bumangon at tumingin dito. Stephanie ran outside and called the doctor. Sobrang saya ko dahil muli niyang iminulat ang kaniyang mga mata para sa amin.
“He's now in a stable condition. Pero he still need to stay he for 5 days.” wika sa akin ni Dr. Racelis.
I gave her a slight nod at tumingin muli kay Jeff na ngayon ay kinakausap ng kaniyang Ina.
"You are lucky. He fought a deadly virus and survived a heart transplant. You know what?" Napatingin ako kay doktora pagkarinig ko sa kaniyang mga sinabi. " Palagi ka niyang bukambibig. Kahit noong normal pa ang lahat. He's so inlove with you Ms. Lopez." aniya.
“Yes, i am so lucky to a man like him in my life.” nakangiting wika ko. Tinapik niya lamang ang aking balikat at umalis na.
Naglakad ako papalapit kina Jeff. Nagtagpo ang landas ng aming mga mata. I saw some tears on his eyes.
"Bibili lang ako ng pagkain niyo at dadaanan ko na rin si Czianea sa office ng daddy mo." wika ni Tita bago lumabas.
Naiwan kaming dalawa ni Jeff dito sa loob. Bumaba ang tingin ko sa parte ng kaniyang katawan kung saan siya naoperahan.
"Ako pa rin ba ang laman niyan?" tanong ko.
I heard him chuckled that made me smile. It's really him. Nanumbalik na ang lahat sa normal.
"Yes,baby. It's you." he said using his husky voice.
"I love you." bulong ko pero alam kong narinig niya ito.
Everything went back to normal. The vaccine that we created is a big success. Jeff's recovery was fast.
My life is like a fairytale. Madaming sakit at iyakan. Pero sa kabila ng mga problemang ito ay ngingiti pa rin ako sa huli.
Czianea Elyse Constantino- Chua, Limuel's child brought us a lot of luck. She is our world and our light in this dark and cruel world.
Remembering all of those struggles that we've been through made me smile. It made us strong, it made me strong.
It is a proof that everything has an end. Every problem will always be solved. God will not put you on that situation if he will not get you out of it.
"Love," naramdaman kong niyakap ako ni Jeff mula sa likuran.
Sabay kaming tumingala sa kalangitan nang magsimula na ang fireworks display. Kasalukuyan kaming nandito sa rooftop ng bahay habang sine-celebrate ang New Year's Eve.
"Happy New Year." bati ko sa kaniya.
"Happy New Year,"
Kumawala siya ng yakap at pumunta sa tabi ko. Sa kalagitnaan ng panonood namin ng fireworks ay nagsalita siya.
"The moon is beautiful, isn't it?"
Tumingin ako sa buwan na ngayon ay sobrang ganda at buo pa. I was about to respond when i realized the meaning of it.
Mas lalo akong natigilan nang makita ko siyang lumuhod sa harap ko habang binubuksan ang isang maliit na kahon.
"Mirielle Marie Lopez? Are you willing to change your surname with Chua?" tanong niya.
Hindi ako makapaniwala na nakatingin sa kaniya. All i thought was i will never feel this kind of feeling and experience this. Who i am to say no?
"Yes!" i exclaimed.
He stand up and put the ring on my finger. The night was ended with a passionate kiss from him.
He is the man i love. He's a fighter and a survivor of a disease. He's my everything. He's my world. His name is Jefferson Klux Chua.
Mirielle Marie Lopez
-End-
BINABASA MO ANG
The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)
Ficción GeneralPublished under Ukiyoto Publishing "Kahit kailan hindi ko siya kinalimutan. Pero dahil sa ginawa ko hinarap niya ang isang trahedyang naging dahilan kung bakit hindi na niya ako maalala pa. Kung matatapos man ang pandemyang ito, pangakong ibabalik k...