Chapter 3

92 6 4
                                    



"Hello?" I answered. I heard some whispers on the other line.

"Is this Jollibee Delivery? I would like to order two bur---" I cut him off.

"Pardon? I think you dialed the wrong number," I told the caller and ended the call.

Napairap ako sa ere at umiling na lang. I decided to read some documents about the sales of the company for this month. Well nothing new, still millions and our company is still the leading pharmaceutical company in our country.

I walk towards my mini fridge to get some cold water. Pagkaupo ko sa aking swivel chair ay saktong tumunog ang cellphone ko. I opened my phone, it was a message from the number who called earlier. When I opened the message, nagulat ako.

From: 092122.....

I'm sorry about earlier, akala ko number ng Jollibee delivery yun, ma'am. It's Dr. Jefferson Klux Chua, btw.

Kumunot ang noo ko pero kalaunan ay natawa ako. Wth, ngayon lang ako naka-experience ng ganito and it was from a doctor. A hot doctor.

I immediately saved his number. Aarte pa ba ako?

To: Dr. Klux

Lol. It's okay. It's Ms. Mireille Marie Lopez, PharmD, RPh. Ano? Pa-deliveran kita diyan, Doc?

I was laughing while reading my message. I was about to erase the last part nang biglang pumasok si Steph sa office ko kaya nagulat ako. Pero nang ibalik ko ang tingin ko sa cellphone ko ay nanlaki ang mata ko dahil.....i accidentally sent it!

"OMG," I whispered while staring at it.

"Oh? Ganap mo diyan?" tanong ni Stephanie sa akin habang hinahalungkat ang fridge ko. Nang hindi ko siya sagutin ay kusa na siyang lumapit sa akin at inagaw ang cellphone ko. Nabitawan naman niya ang hawak na yakult at tumingin sa akin. "Baliw ka?!"

"It's your fault! Kung hindi ka biglang pumasok hindi sana ako nagulat," I rolled my eyes at her.

"Nawa'y lahat may ka-text." wika niya bago tumakbo palabas.

Umiling na lang ako at ibinalik ang tingin sa mga binabasa kong dokumento. After an hour ay natapos ko na lahat ng binabasa at kailangan kong pirmahan. I looked at my wrist watch, it's already 5 pm. Pwede nang umuwi.

I cleaned my desk before heading outside. Dumeretso ako sa office ni Mommy upang magpaalam. Naabutan ko silang nag-uusap ni Daddy.

"Mom, Dad. I'll go home na. Sa condo po ako." paalam ko sa kanila.

"Okay, honey. Take care of yourself." –Mom. I walked towards them and give them both a kiss on their cheeks.

Pagkatapos nun ay umuwi na ako. I have a condo, kakabili ko lang last month. Hindi naman masiyadong traffic kaya maaga akong nakauwi. Habang nasa elevator ako ay may nakasabay akong dalawang babae.

"Ang gwapo niya noh?!" kinikilig na bulong nung isa sa kasama niya kaso narinig ko.

"Balita ko sa 12th floor daw unit niya." sabi naman nung isa. Umiling nalang ako dahil sa sinasabi nila. "Bago siya dito," patuloy pa nito.

Sino ba yang pinag-uusapan nila? Artista ba? Swerte ko naman kasi sa 12th floor ako at sa katabing unit ko lang ang bakante. I excused myself when I reached my floor.

Tanging ang heels ko lang ang maririnig dahil sa sobrang tahimik ng hallway. Nang makarating ako sa harap ng pintuan ko ay biglang nag-ring ang phone ko. It was a call from the department head of finance. Bakit ba sa akin 'to tumatawag?

The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon