"Tol, ganda nung FA," bulong sa akin ni Ali pero hindi ko siya pinansin.
We're on a plane flying to New York. Ilang oras na lang papalapag na kami pero parang gusto kong bumalik sa Pilipinas. I miss her so bad.
"Hi sir? Coffee?" I looked at the FA who asked me.
"Water." Malamig kong tugon. She just smiled at me and put the water on my table.
"I'll have a black coffee, Miss." Ali told the FA.
I excused myself for a moment to go to the lavatory. Pagkalabas ko ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha. It's Stephanie, bestfriend ni Marie. Ex ni Ali, hindi ko na lang siya tinawag pa dahil mukhang may kausap sa phone.
Isang oras ang lumipas ay narinig na namin ang announcement ng FA na kami'y nakalapag na sa airport. Pagkababa namin ng eroplano ay naghintay muna kami ng ilang minuto upang makuha ang mga bagahe.
"Dr. Chua?" tawag sa akin ni Stephanie.
"Tol, here your lug--awit ang nakaraan," wika ni Ali bago tumabi sa akin. Stephanie just looked at him before talking to me.
"Why are you here?" kunot-noo nitong tanong.
"Vacation?" pagsisinungaling ko.
Hindi ko mabasa ang kaniyang reaksiyon. Parang natatawa siya na naiinis na naiiyak. What's the matter?
"Nakaya mo pang magbakasyon habang nakaratay sa ospital si Elle?" deretsong sabi niya. "She's in coma."
Parang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. I was about to asked her the details kaso umalis na siya. Nanlambot ang mga tuhod ko na naging dahilan ng pag-upo ko sa sahig.
"What is happening here?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
"M-marie..." hindi ko alam ang sasabihin ko sa aking ina. Hindi ko namamalayang humahagulgol na pala ako sa inis sa aking sarili.
"Jefferson! Bawal sa iyo ang umiyak! Stand up!" natatarantang wika ni Mommy.
I tried to stand up. Kaso napahawak ako sa banda ng aking puso. I can't breathe. In just a short moment nandilim na ang aking paningin.
I was operated that same day dahil hindi na kinaya ng katawan ko. The moment I woke up gusto ko nang umuwi para kay Marie but her parents advised me not to. Naputol ang koneksiyon ko sa kaniya kaya ni isang balita tungkol sa kaniya ay wala akong nasasagap.
"Handa ka na ba talagang umuwi?" tanong muli ni Stacey sa akin mula sa telepono. She's now on her 3rd year crim course. She wants to become a military doctor.
"Yup. Wala ka bang balita tungkol sa kaniya?" sagot-tanong ko.
"Wala. Nasa bundok ako all this time dude."
We just talk about some stuffs before saying goodbye to each other. 2019 na handa na akong umuwi. Maayos na ang aking sarili kaya ngayon ang gusot naman namin ni Marie ang aking aayusin. I hope she's doing fine and she's........still single.
"Tol, ayos na mga papeles." Napalingon ako kay Ali na kakadating lang.
"Thanks," tipid kong wika.
These past months I became cold person. Mukhang nasanay na lang din yung mga kasama ko sa bahay at trabaho. Sabi pa nga nila parang may mabigat daw akong pinagdadaanan.
"Bukas na yung flight di pwedeng adjust naten sa makalawa?" wika ni Ali habang may tinitignan sa kaniyang phone.
"BAWAL.BUKAS.NA.TAYO.AALIS."
"Eh kasi naman! May date ako bukas!" reklamo pa nito.
I just shook my head before going infront of him . Tsk. Parang bata akala mo naman nakamove on na sa ex.
"Ayaw mo bang makita si Stephanie sa personal? Hindi ka nagsasawang sa mga pictures mo lang siya nakikita?" nakangisi kong tanong.
"Alam mo gag* ka rin eh. Ilang years na mula nang maghiwalay kami. Syempre naka--DAMN IT!! Mag-iimpake na nga lang ako!" sigaw niya bago ako itulak at umalis na sa salas.
Lol. He's so marupok. Ali's my bestfriend and cousin. He's always there for me kung di nga lang siya nagka-GF at hanggang ngayon mahal pa si Stephanie, baka napagkamalhan ko na siyang may gusto sa akin.
(FASTFORWARD. Philippines)
"Dad, are you sure kami makikipag-meeting sa representative ng MPC?" ulit kong tanong sa aking ama.
We will have a joint force with the Meredith Pharmaceutical Company para sa isang gaganaping Outreach program sa Cagayan. Kinakabahan ako dahil malaki ang posibilidad na baka magkita kami ni Marie.
Ewan ko ba ang tagal ko tong pinaghandaan pero bakit parang umaatras ako ngayon. Damn it Jefferson! I'm so weak.
"Yes." Dad said in serious tone.
At yun nga ang ginawa namin. Nakipagmeet kami sa representative ng MPC na walang kaalam alam kung sino. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ko kung sino ito. Si Marie....
"It's Mireille or Elle,doc."
Parang kumirot ang aking puso nang marinig ang katagang iyon. Why don't she let me call her Marie? Ganun na lang ba niya ako kinamumuhian?
The meeting took place but I can't just stop myself staring at her. She's more matured now. She's became more lovely.
"Dude! May amnesia siya!" bungad sa akin ni Ali nang makabalik ako sa aking opisina.
"Nagpapatawa ka ba? She's just professional that's why ganun siya." Depensa ko.
"Sinabi niya sa akin..." seryosong wika niya.
Napako ako sa aking kinatatayuan. He told me what Marie told him kanina. Wala na akong ibang ginawa kundi ang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari.
I acted normal when the Oplan: Abulug took place. Ang hirap magkunwaring hindi ko siya kilala. I know the risks kapag pilitin ko siyang alalahanin ako, maaring magkasakit siya sa kaniyang utak.
"I don't want to pressure her," sagot ko sa kaniya. I don't want to pressure you...
"I'll wait for her to remember everything. I'll patiently wait for her to remember me...the man she once loved." Dagdag ko.
I'll wait for you to remember me...my love.
BINABASA MO ANG
The Unseen Enemy (PUBLISHED under Ukiyoto Publishing)
General FictionPublished under Ukiyoto Publishing "Kahit kailan hindi ko siya kinalimutan. Pero dahil sa ginawa ko hinarap niya ang isang trahedyang naging dahilan kung bakit hindi na niya ako maalala pa. Kung matatapos man ang pandemyang ito, pangakong ibabalik k...